u/GullibleObligation85

Kahapon habang gumagawa kami ng kapatid ko ng puto pangtinda ni mama, nagring yung ginagamit kong phone pang timer sa niluluto ko.

Not registered yung number so akala ko order or isa sa mga inapplyan ko. Sinagot ko yung tawag. Sabi ko "Hello, sino po ito?". Boses ng lalaki ang sumagot, medyo mataas at galit na sabi "Buti ate sinagot mo at cp ng pamangkin ko yang hawak mo, mga magnanakaw kayo! Ibalik mo yan!"

Bigla kong nakaramdam ng kaba at medyo naguguluhan sa nangyayare, first time ko makareceive ng tawag na ganon ang bungad sakin. Nasagot na lang ako ng "Huh" "ano po" "paano po nangyare hindi nga po ko nalabas ng bahay?' "Matagal na po itong number ko"

Sa background may boses ng babae di ko maintindihan sinasabi. Si kuya na kausap ko "Magnanakaw balik niyo yang cp na ninakaw niyo sa pamangkin ko yan, natrace namin location mo kasi nilagyan mo ng sim yang cp na ninakaw niyo yada yada" paulit ulit siya sa ganyan tapos ako di ko na alam sasabihin ko nasabi ko na lang "sige puntahan niyo po ako dito kung talagang nalocate niyo ako", at tinanong ko "nasaan po location ko ngayon kung talagang nalocate niyo po" sagot niya " bakit ko sasabihin?" Doon na ko medyo nagtaka at baka mga scammer ang kausap ko.

Tinanong ako kung ano cp gamit ko ano daw model sabi ko vivo y51 which is yung tinawagan nilang phone. Tapos ulit na naman ako sa pag-explain na wala ako ninanakaw at paano mangyayare hindi nga ako naglalalabas.

Kinakabahan pa rin ako lalo nong pagkasabi ng lalaki sa kabilang linya " Mamatay na buong angkan niyo mga magnanakaw! " at wala na ko ibang nasagot dahil wala nako maisip nasabi ko na la5ng "Huh, hotdog!' at binaba ang linya. ( sinabi rin ni mama na ibaba ko na daw at wag na makipagdiskusyon)

After nong tawag nagcall ulit at nireject ko at block number tapos after ilang minuto may tumatawag na naman na unregistered number kaya nag airplane mode muna ko at naabala yung niluluto kong puto. >.<

Pero habang nagluluto ako naalala ko pa din yung tawag at inaalala baka alam nga nila location ko at magpunta sa bahay. Lumipas ang oras at wala namang kumakatok sa pinto namin.

Di ko alam kung bagong modus ba ito or what, pero paano nila nakuha number ko hindi ko rin alam. Huhu

Sorry medyo mahaba na po pala.

Ingat everyone.

reddit.com
u/GullibleObligation85 — 19 days ago