valid ba ang may fear of not being accepted by your partner's family?
as nbsb/ngsb trentahin, i developed this fear nung hs pa ako because nagkagusto ako sa crush kong valedictorian. his mom was very strict and successful in all aspect, lahat ba naman ng anak matatalino and graduated as cum laudes. so naisip ko na kung magjojowa ako i have to be something or someone just to prove my worth para walang masabi na i am lacking.
this fear got even more developed nung nalaman ko rin na hindi maganda trato ng in-laws ng ate ko sa kaniya. my ate was a good and responsible person, and really loved her husband. pinagsilbihan niya and even accepted 50/50 set up. pero even ganon, ginawa nilang alila ate ko while saying bad things to her. tapos may mababasa ako recently dito sa reddit na mga girlfriends na hindi tanggap ng parents ng boyfriends.
then just now, sunod sunod na wlw contents ang dumaan sa fyp ko about their partner's parents or fam na hindi payag sa relasyon nila kesyo nakakadiri at against kay Lord. may isang video rin na dinamay na ang pulis para lang paghiwalayin sila and comments sharing their experiences of not being accepted kahit na ilang taon na ang relasyon.
so divided na ang fear ko. fear ko kapag lalaki ang magiging partner ko ay baka hindi ako matanggap because i am not good enough sa anak nilang lalaki. and fear ko kapag babae kasi hindi tanggap due to religion and homophobia.
i know naman na it would come down to my partner kung ipaglalaban at pipiliin nila ako against their family but ayaw ko rin naman umabot sa point na ganon kasi family nila yun.
gusto ko lang humingi ng insights and know your experiences to lessen my fear. wala rin kasi akong mapagsabihan nito.