What is the point of Staged Readings?

Disclaimer agad, I do NOT intend anything negative. I am genuinely curious po. Can someone please educate me?

I really really loved People Places and Things that's why I'm curious kung bakit hindi nalang sya ginawang full-on play, specially since existing material naman na sya. I get if it's like 'testing the waters' muna for new materials eh which is yun din yung lumabas na reason nung nag google ako (yes po nag-google muna ako 😭)

reddit.com
u/Longjumping-Try4407 — 3 days ago

Orchestra side seats? for About Us But Not About Us?

Can only afford the orchestra sides huhuu which part do you think is better? The one circled in yellow or the other one na mas malapit sa middle block?

u/Longjumping-Try4407 — 11 days ago

72k for 2pax 50 PT sessions -good deal or nabudol kami?

Sooo 1st time gymgoers kami, and clueless talaga kami sa pag wowork out so we figured na kumuha ng PT. Dalawa kami ng kapatid ko. Upon signing up sa AF diniscuss din nila yung about sa PT. Minimum of 4 months daw at 3x a week. 1.5k per session so tumotal ng 72k per person. Sabi ko hindi kaya ng budget pero sinabi nya na pwede na daw for 2 pax yung 72k.

Di ko naman nafeel na minamadali kami during our sessions pero syempre at some point magiging magkaiba yung workout namin diba? Fear ko baka magiging divided yung attention nya. How long does the PT sessions last usually btw?

Aaaand ok ba yung deal na yun?

reddit.com
u/Longjumping-Try4407 — 17 days ago

First time kong mag sign up sa gym

Soooo first time ko mag sign up sa gym! Ibang level na yung obesity ko since nag WFH, from 80kg naging 153kg na ako. Ilang beses nang tinry mag lakad lakad kaso di nasusustain kaya naisip kong mag gym nalang kami ng asawa ko. Super introvert kaya medyo kinakabahan at natatakot ako sa mga tao sa gym. We start on Saturday, wish me luck!

u/Longjumping-Try4407 — 20 days ago

HS friends or College friends?

Which friendships ang sa tingin nyo mas matibay? Or which friendships do you still have now?

For me mas naging meaningful yung HS friendships ko hehe sa college parang nag pass by lang

u/Longjumping-Try4407 — 1 month ago

DIM: Steam Deck

Not a hardcore gamer but recently hooked with the Life Is Strange series. I frequently travel and gusto ko sana maglaro while travelling.

u/Longjumping-Try4407 — 1 month ago

Psychiatrist vs Therapist vs Psychologist?

Hello, i'm 35f planning to seek help for a better life especially ngayong kasal na ako pero idk where to start. Not sure if psychiatrist or therapist or psychologist ba ang need kong isearch for online consultations/sessions (i live 4hrs away from manila kaya baka walang available na services sa amin). Here are the issues that i want to address and eventually heal from:

- lagi akong galit. Like maliit na bagay nagagalit agad ako, and once magalit ako sa isang tao e hindi na nawawala yun sa isip ko the whole day like iisipin ko na lahat ng masama sa kanya buong araw, while probably yung tao e wala manlang kaalam alam

- i cant seem to get out of my head madalas. pag naiinis ako sa asawa ko, inaabot ng days minsan yung silent treatment. Like gusto ko na syang kausapin pero puro nasa isip lang ako nagsasalita and not verbally. Haba na ng monologue ko sa isip ko pero di ko pa maexpress sa kanya

- madali ako mawalan ng hope. Like pag may nangyayaring masama sa buhay ko, gusto ko na agad mamatay. Even led to a couple of failed attempts before. And sobrang laki ng paniniwala ko na everyone would really be better off orrrr walang effect sakanila kung mawala ako --yes even my husband.

- i get terrified twing may magsalita lang ng malakas. Like kahit hindi galit yung asawa ko, magsalita lang sya ng malakas eh nanginginig na ko sa takot, to the point na i would even cry and shiver. Probably because i've been abused my entire childhood and most of my teenage yrs.

- madali akong maoffend or magtampo even sa maliliit na bagay sobrang sensitive ko. Pag ganon naman ay nareresolve din naman agad pero nakakainis lang na maliit na bagay e kayang ma-ruin yung mood ko at masaktan feelings ko.

I know my husband deserves better. That's why i want to seek help. He's been soooo supportive and understanding and gentle sa akin all throughout. I just need to be pointed to the right direction.

reddit.com
u/Longjumping-Try4407 — 2 months ago

Mizzcast watdafrik!!!

Sooooobrang mind blowing i wanted to donate all my money!! Sobrang deserve nila ng all out standing ovation at all the rave. Omg sana maulit uli tooo. Also, do you think it's possible at all that SPAT can release the video of the entire show? Kahit paid streaming? Sepanx malala na agad!

reddit.com
u/Longjumping-Try4407 — 2 months ago
▲ 2.0k r/catsph

Mimingot core

Si Mimingot, ang latest naming kuting. May diperensya sya sa bibig kaya para syang laging naka nganga at walang kamuwang muwang.

​

Grabe anlaki na nya! Parang kelan lang e sobrang payat nya at nipis ng balahibo dahil sa sobrang daming pulgas at garapata 😬

u/Longjumping-Try4407 — 2 months ago
▲ 10 r/catsph

FPV is a %%@$£÷&@

Run free, Bibe. Unfortunately, 3 weeks lang tinagal nya samin.

​

We had an FPV outbreak among our 7 cats earlier this year (January to February). Lost two cats because of it. Had 2 more confined at the vet for more than 2 weeks. And had the rest isolated at home, all with mild symptoms.

​

Lahat sila indoor cats. Lahat malulusog. Pero isang tama lang ng virus, bagsak sila lahat. One of them even had both FPV and FCOV.

​

Few months after, kinuha namin to si Bibe at inisolate for 1 week. Nag reready na sana kami na ipa vaccine sya after 1 more week kaso bigla nalang syang nanghina at hindi kumain. Nag bleach naman kami ng cat room and everything.

​

Findings ng vet, FPV and FCOV din. Nung cinonfine sya for 3 days sobrang sigla nya daw don. Never nanghina, lakas kumain so dinischarge sya. Pagkabalik samin after 1 week nanghina na naman at dinala namin ulit sa vet for confinement. Kinabukasan ay wala na sya.

​

I hate these viruses sooooooo much!!! Please please please get your cats vaccinated asap.

u/Longjumping-Try4407 — 2 months ago
▲ 465 r/catsph

Bago naming kuting si Mimingot. Does anyone know anong meron sa labi nya?

Yung last pic ay yung first day nya samin noong May 9. First 3 pics ay last week. Bigay lang sya samin ng tropa and medyo hindi sya alaga doon. 1 month na syang isolated. Napa deworm at vaccine na din namin sa vet.

Nung tinanong namin sa vet kung ano yan and anong pwedeng gawin, ang sagot nya is "madaming pwedeng cause. pwedeng in-born, nahatak physically, infection, or may sakit"

Super labo yung naging sagot e pina-sprayan lang samin ng orahex everyday para daw di mainfect. Ganyan parin sya until now pero hindi na namumula yung gums.

May nakaexp na po ba nito sa cat nila?

u/Longjumping-Try4407 — 2 months ago

OA lang ba ako na hindi ko hinatid papa ko sa airport?

For context, hindi maayos ang relationship namin. Grabe sya mangbugbog. Won't go into details pero pumapasok ako sa school noon na puro pasa ang mukha at katawan. Lumayas ako sa kanya nung 16 years old ako dahil umabot na sa point na tinutukan nya na ko ng 🔪 sa leeg. Nakitira sa kung sino2, grumaduate, ngayon may asawa na at medyo nakaluluwag na sa buhay. Meanwhile sya, all this time since 16yo ako, ay adik parin, walang trabaho, at sinasaktan yung mga bago nyang anak.

Until nagkaron sya ng opportunity na mag abroad dahil sa petition.

So mga 1 year na sya sa US at huminto na sya sa drugs. May trabaho na din doon at tinatry nya makipag communicate saken. Lagi sya tumatawag, at binigyan ko naman ng chance dahil mukhang clear naman na ang utak nya at maayos na sya kausap. I made it a point na hindi ako tatanggap ng mga "luho" na iooffer nya dahil baka isipin nyang dahil lang don kaya kinikibo ko sya. Sabi nya gusto nya lang daw talaga "bumawi" sakin sa lahat ng nagawa nya pero sabi kong hindi naman material na bagay ang gusto ko.

Eto na nga umuwi sya this year. 1 month sya dito.

Sinundo namin sya from airport dahil may sasakyan kami. Kumain sa labas. Hinatid sa pagsstayan nya. 3 hours away from Manila kami nakatira btw.

After nun, wala nang attempt para magka sama kami or anything. Even after sabihin na gusto nyang bumawi. Nung kumain kami sa labas inaya ko sya na magswimming kami dito samin, para makapunta naman sya sa bahay. Sabi nya lang sige daw hahanapan nya daw ng time.

3 weeks passed. Wala. Around Friday yun nung nag reach out ako sabi ko "Pa, pupunta kami Manila sa Tuesday, daanan ka namin? Punta kayo dito para makadaan ka din sa bahay namin"

Ang sagot saken "Ay di ako makakapunta kasi fiesta dito sa Sunday eh."

Pucha gusto kong manapak!! Ako na nga tong gumagawa ng paraan para makasama sya. Ako na nga yung nagbibigay ng way para maging part manlang sya ng bagong buhay ko, na tinaguyod ko para sa sarili ko. Tapos tatanggihan dahil sa fiesta??

Sagot ko ay "sige enjoy kayo.". Seen.

The following week, malapit na ang flight nya. Nagchat ulit. "Nak hatid mo ko sa airport sa sunday ha"

Hindi manlang "nak kita tayo bago ako umalis"?? Talagang ginawa lang akong Grab ganon? Kahit 3 hours away ang layo ko??

Ang reply ko "pa di kita mahahatid, nasa cebu kami may pinuntahan kami na fiesta e"

Ngayon gini-guilt trip ako ng mama ko. And alam ko nasaktan din sya na di ko sya hinatid. Pero wtf pano naman yung nararamdaman ko?? Dapat ba tiniis ko nalang since minsan lang naman yun?

---

TLDR; abusive father nakapunta US. ginawang grab ang anak. tinry ng anak mag yaya ng bonding: may pupuntahan daw fiesta. pabalik ang father sa US nagpapahatid: sabi ng anak ay may pinuntahan din syang fiesta.

reddit.com
u/Longjumping-Try4407 — 3 months ago