Dapat ba di ako mag overthink sa girl friend na ka chat ng manliligaw ko?
Hello po, for you guys do you think nag ooverthink lang ako and di ko na bigyan pansin yung convo nila? Yung manliligaw ko kasi is may babae siyang na friend from work before na until now po mag Convo parin sila kahit hindi na sila magka work. Open naman yung manliligaw ko sa akin like pinakilala ako online (since ldr pa kami) pero yun nga minsan nababasa ko na nag chachat sila sa messenger about sa mga hiking or trails since sila magkasama before nung same place pa sila, pero kasi ngayon medyo na uncomfy na ako kasi yung mga chat nila parang may mini updates tapos yung girl nag sesend ng pictures or videos tapos minsan yung laman ng video is while ga trail yung girl na naka sports bra lang.
Ayoko rin mag padalosdalos ng confront sa manliligaw ko kasi nga manliligaw ko palang siya and I want to ask your opinion po if normal lang ba ito or should I do something about it po?
Yung palagi din sinasabi ng manliligaw ko is dapat isipin mo what if ikaw naka experience nyan, gusto mo ba na yan yung ma feel mo? And in my case di rin naman nakaka experience yung manliligaw ko ng ganyan kasi hindi ako ganyan mag bigay ng updates sa mga lalaki ko na friends. Also nag rereply din yung manliligaw ko sa story nung girl, nagbibigay sya ng compliment like "Gorgeous daw kasi nagpa kulay ng hair (at that time nanliligaw na sya sa akin) and sa IG nya napansin ko nilalagay nya ako sa story nya pero naka hide dun sa babae and sa Facebook naman ay di ako minamyday hahaha
Naguguluhan na po ako kung ano ba talaga, should I tell my manliligaw to make some boundaries dun sa girl or sadyang normal lang yan na pakikitungo?
Please po wag ninyo akong I attack po huhu kasi di ko alam ano I aact since first time ko rin pumasok sa ganito (NBSB po kasi ako)