"Walang baha sa Navotas" has become viral in social media. Sana next time, hindi na.
Kung residente ka ng bahaing lugar tulad ng Navotas at nakita mong hindi bumaha sa inyo kahit pa hindi tumitigil ang pag-ulan, you will be pleasantly surprised. Mapapa-thank you Lord ka talaga.
Nakakatuwa na hindi na binabaha ang Navotas dahil gumana ang mga flood control system at measures nila. On the other hand, nakakalungkot somehow na nag-viral ito dahil hindi ito nangyayari normally.
Ang prayer ko lang ay sana ma-normalize na sa Navotas yung hindi na sila lumulubog sa baha pag high tide o kahit bagyuhin sila. Kudos din sa LGU nila at sana huwag silang tamarin na agapan ang pagbaha sa kanila.
Nasimulan na. Nagtagumpay na. Sana magtuloy-tuloy na ang ginhawa.