Don't share your future plans
▲ 795 r/Trentahin

Don't share your future plans

Hindi naman talaga ako yung taong mashare ng plans even when I was young. Pero minsan slip of the tongue, napapashare prematurely sa mga taong akala mo ehh they want the best for you. But I realized na as you age, you really need discernment to know who's happy with you in your achievements. Sino yung pumapalakpak. Sino yung genuinely happy for you. Kasi it is one thing to have friends who will be there for you in your challenging or your losing season. But it is also important to see whether they are happy in your winning season. You have to be careful to whom you share your plans. As for me, wag na lang magshare. hindi ko alam if dahil ba ito sa age? Sa pressure sa buhay? When we were young kasi wala namang ganitong feeling na parang may mga tao na ayaw nila nasasapawan sila.

Kaya minsan I wonder if normal ba na kapag nasa age na na 30s, even 40s eh parang may low key competition na about who's doing so well in life na. Is it normal?

u/Severe-Example3342 — 5 days ago
▲ 3 r/PHGov

Paygrade sa Landbank

Hi. Any idea po sa paygrade table ni landbank? Kasi usually nakikita ko online is salary grade table na applicable sa ibang government agencies. Curious lang po since currently planning na magtransition into goverment job. And landbank ang isa sa kinokonsider ko. Thank you.

reddit.com
u/Severe-Example3342 — 8 days ago

Dapat kasi di na nagcocompare, para di na nasasaktan

Lately I hate using social media. Kaya nga tambay na lang ako dito sa reddit. Kaso kahit pala hanggang dito, meron at meron ka pa ring makikita na sasampal sayo sa katotohanan na oo nga, malayo na silang lahat. Pero ikaw, eto ka lang.

I am a professional. WFH. A mom with a toddler. Outside I am okay. Kasi I know and I am fully aware na I am blessed naman. I have a kind husband. I have my own family. Pero pagdating sa career ko? Ayon sablay. Been trying for years to find the right path for me. More than a decade na actually. Masipag naman ako. Hardworking. Pero in the industries na natry ko, laging walang recognition. All the while seeing others got promoted, shine and be uplifted, ako, I am always just at the background, waiting for my turn. People with the same educational background as me, ayun sobrang taas na sa corporate ladder. Nasa Europe, nasa US, nagtatravel around the world. I can still remember that we all came from humble beginnings, same school from the province with nothing but big dreams. Ang pagkakaiba nga lang, eto ako, feeling napag iwanan.

Will my time ever come? I don't know.

reddit.com
u/Severe-Example3342 — 11 days ago

Ito lang, sobrang privilege na 🥰

Bilang working mom, wfh, at nakakasama ko ang anak ko araw araw, sobrang malaking pasasalamat ko na sa Diyos na meron akong ganitong chance. Mahirap. Dumaan ako sa time na hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa tindi ng emotion, pagod araw araw habang pinagsasabay ko ang work at being mommy at the same time. Maraming emotional breakdown. Maraming away ang dumaan sa amin ng asawa ko na halos umabot kami sa hiwalayan dahil kami lang dalawa, walang yaya or pamilyang pwedeng maghelp sa amin habang nag aalaga ng anak namin. Pareho kaming pagod. Parehong feeling neglected. Until 2 years ang lumipas at unti unting gumaan. Mas nakaadjust kami bilang first time parents.

Pero in all these struggles. Kapag tumatahimik na ang utak kong magulo, kapag nakakapagpahinga na ang katawan kong pagod sa pagbabalanse bilang empleyado at ina - makita ko lang ang anak ko na tahimik ng tulog, payapa, maayos ang kalagayan, at walang sakit, sobra sobra na ang pagpapasalamat ko sa Diyos. Sa araw araw na sinustain nya ako, kami. 😊 sa mga first time parents out there, or even hindi first time na dumadaan din sa ganitong stage, laban lang. Padayon 💛

u/Severe-Example3342 — 12 days ago
▲ 412 r/Trentahin

Laban lang, kapwa ko trentahin na pagod na sa life 😊

Mapapagod lang at magpapahinga, pero hinding hindi susuko 😊 Mantra ko ngayon dahil sa dami ng kapaguran ko sa life hehe.

u/Severe-Example3342 — 12 days ago