Bakit ganto ako sa crush ko and better way to solve/improve it?
Hello! I'm male po and in my 20's. Ask nga ako ng advice from you all. Graduate and currently doing further studies na pero kahit ganon, wala pa akong naka organic encounter. Meron akong mga natitipuhan pero dahil takot ako mareject at torpe ako, madalas hindi ko naaamin ang gusto kong sabihin. Isa pa, ayoko masira ang friendship or ayokong mapag usapan kung sakali.
Napansin ko naman, kapag nagkaka crush ako, mostly inaasar or bardagul ko sila and to the point na minsan, naiinis na sila. Tapos kapag aamin, parang pa joke din. Honestly, I want to change that style and feeling ko kaya hindi ako nagugustuhan e dahil din sa ganun ang style ko, even if i-try ko naman na maging mabait. Gusto ko sanang mas maging mabait sa pagtrato, tama bang maging mabait and gentle na agad? Baka maging friend lang din tingin sa akin since mabait lang naman.
Also, I don't know ah pero I feel like I'm still unaware sa style ng panliligaw. Anyway, I'd like to ask lang, any tips how I can fix it and also, ano ba gusto niyong style girls kapag magpapapansin kami sa inyo? I always start din kase na kilalanin muna bago sana manligaw, hindi ako bigla bigla na nagsasabing gusto ko agad agad tas gustong ligawan na hindi pa gaano kakilala ang tao, pero nag eend up na friends lang kami. Kaya want ko rin makaalis sa ganun. How to do it ba? Thank you sa idea!