▲ 8 r/PanganaySupportGroup+1 crossposts

Dumating na kinakatakutan ko. Nagloloan na ang tatay ko sa kahit saan para lang sa SUGAL

Ever since noong bata kami once ko lang nakita nagsusugal ang papa ko, yun yung sa arcade game na kabayo, siguro 8 years old ako noon at yung napanalunan nya binili nyang ihaw-ihaw para may maulam kami sa gabi. Ngayong 26 years old na ko saka pa sya nalulong.

Ngayong umaga, nagnotif yung TALA email sa gmail nya na naka login rin sa phone ko dahil ako yung gumawa ng email nya. Nag loan si papa ng 2k at due sya ng Nov 15, hindi ko alam kung saan sya kukuha ng pang bayad kasi hawak ni Mama atm nya at sweldo nya lang sa isang buwan ay 12k lang. For context Si papa 2nd year high school natapos pero nahihirapan din sya makabasa at umintindi. Kaya yung sugal nya naka translate sa Tagalog pero kahit tagalog hindi nya pa rin maintindihan kasi sobrang "lalim" ng translations, need nya pa kami puntahan sa kwarto para iexplain kung pwede withdraw yung napanalunan nya. Hindi ko rin gets kung saan nya nakukuha mga pang gastos nya. Bukod kasi sa sugal meron pa syang alcohol addiction, na kailangan gabi gabi umiinom ng alak para makatulog. Kapag walang alcohol sa sistema nya mukha naman syang maayos na tatay.

Minsan palagi ko syang nakikita na nakayuko kakapindot sa cellphone nya "scatter....scatter..." mga lumalabas sa bibig nya. Kaya nyang tipirin sarili nya at pamilya nya para lang may pang bili ng alak at pang cashin sa sugal. Kapag nananalo naman sya ang una nyang ite treat yung mga barkada nya sa trabaho, hindi kami nang hihingi or nag eexpect na mabigyan pero kami kasi yung nahihirapan sa ginagawa nya. Baka kasi kung kani-kanino na sya nangungutang para sa pang cash in nya ng sugal at minsan sya pa ang humahawak ng malaking renta ng mga tenants para iremit sa amo nya, ayoko kasi magaya sya sa mga nababalita na kunwaring naholdap or nanakawan pero pinangcash in na pala sa sugal. Sinabihan ko na rin sya ng Mali at bawal yung ginagawa nya pero sino ba naman ako, babaeng anak nya lang naman.

Ngayon natatakot ako sa magiging outcome ni Papa, since kutob ko tinuturuan sya ng mga barkada nya sa trabaho about sa sugal at mga loan apps na pwede utangan. Pero gusto ko rin na sya na matuto sa magiging consequences nito at kung meron man, ayoko at hinding hindi ako magbabayad ng nagawa nya. Ginawa ko na ang part ko, pero mas mahalaga pa ata ang dikta ng barkada kesa sariling pamilya.

reddit.com
u/Terrible_Ad_7989 — 4 days ago

Yung papa ko na ayaw sa online sugal noon, kung ano ano na tinatry ngayon

Yung papa ko galit na galit sa kuya kong nalulong sa online sugal noon, pero ngayon isa na sya sa mga naadik na kahit kahuli-hulihang pera isusugal pa. Yung willing mawalan ng budget araw-araw in hope na lumago ang pera nila sa online sugal.

Yung papa ko elementary lang ang natapos at kahit naka translate na sa Tagalog yung cellphone nya hindi nya pa rin maintindihan. Kanina lang nagpapatulong sya na iwithdraw yung "2k" sa isang online casino. Naka translate na sa tagalog but di nya pa rin maintindihan na kailangan mag CASH IN NG 200 PARA MAWITHDRAW YUNG 2K.

Sinabihan ko na sa kanya na hindi tama at mali yun, qinu-question ko rin bakit kailangan mo pa mag cash in ng 200 para mawithdraw ang 2k.

Ayoko humantong na sa kung saan-saan magkautang si papa para lang sa online sugal na yan, nagwoworry ako kasi minsan inuutusan sya ng amo nya tungkol sa pera baka kasi magaya sya sa mga kunwaring naholdap kuno pero cinash in na pala sa online casino at natalo.

reddit.com
u/Terrible_Ad_7989 — 2 months ago
▲ 0 r/MayaPh

Discounted settlement amount on my personal loan, is this legit?

Kakabasa ko lang ng email now and past overdue na ako ng ilang months. Nakita ko sa email na from law office sila, legit ba yung offer na ganito? Baka kasi pilitin kong mag bayad tapos makikita ko may balance pa rin ako.

u/Terrible_Ad_7989 — 2 months ago

Looking for powder or liquid foundation that doesn't oxidise and great for combination skin

Natry ko na yung Strokes but nag iismudge sya ang nagpipill sa mukha ko. Yung Maybelline Fit me foundation naman after an hour nangingitim na agad mukha ko, i look haggard and hindi pantay sa kulay ng leeg ko. I tried the Ever Bilena powder makeup but light coverage din sya and kita pa rin imperfections.

reddit.com
u/Terrible_Ad_7989 — 2 months ago