Pahirap na NCAP, balik na naman
Ibabalik yung NCAP sa anim na lungsod sa Metro Manila. Ang problema, magkakahiwalay ang system sa bawat lungsod, may sariling portal, notice, payment, at proseso ng pag-contest.
Ibig sabihin kailangan nating bantayan yung mga mailbox natin at yung mga portals para malaman kung may violation. Mas malaking problema to para sa mga may drivers o fleet lalo na kung hindi agad natatanggap ang notice o naibenta na ang sasakyan pero sa dating owner pa rin napupunta ang violation.
Hindi naman ang NCAP ang problema. Ang problema ay ang kawalan ng iisang sistema. Kung standardized ang traffic rules at fines, bakit hindi rin gawing iisa ang notification, payment, at appeal process?
Isang agency. Isang portal. Isang notification. Isang sistema. Hindi ba puwedeng ganoon na lang?