Potential Ausbildung Opportunity
My dad who is currently working sa Croatia is merong kakilalang workmate na nagapply sa isang company sa germany. According to him working permit nalang daw yung hinihintay ng katrabaho nya. Pinicturan nalang ni papa yung call card kasi hindi pasok yung skills na meron sya sa mga kailangan ng company.
Then sinend nya sakin yung picture ng callcard and upon researching, yung details at contact information na nandun is rekta sa regional director ng company, hindi sa HR.
Turns out, the company is expanding and majority ng workers nila is mga industrial electrician at technicians. And saktong sakto yung mga skills na meron ako para pasukin yung ganung line of work. I have tesda certifications. Work experience lang ang kulang.
Pero after I researched quite a bit, naverify ko na meron silang Ausbildung program, na magsisimula sa August 2027.
After that, I contact the regional director sa Whatsapp para iintroduce yung sarili ko at mag inquire professionaly about sa other qualifications kasi hindi nila gaanong naspecify sa mga postings.
Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko. Pero nanghihinayang din ako sa mangyayari if di ako kumilos agad. As of now nag-aaral nako ng German language.
Palagay nyo tama ba na naginquire agad ako or maghintay muna na maging qualified enough?