Lowkey fantasy ko yung mag-disappear once in a while. Not in a bad way
Lowkey fantasy ko talaga yung mag-disappear once in a while. Not in a bad way ha. More like pumunta sa ibang city, use a different name (kapag hindi naman kailangan ng ID 😅), tapos live a completely different life for a bit. Meet new people, make new friends, then go home like nothing happened. Hahaha.
Actually, ginawa ko na siya last year. Nag-off lang ako ng phone for 2 days, then nagpunta sa North. Ang ending? Nag-report na pala sa barangay at police station kasi may best friend yung kuya ko na pulis.
Ang original plan ko sana was to disappear for a year, pero naging one-week vacation na lang. Hahaha. Medyo na-realize ko rin na senior na parents ko, so syempre mag-aalala talaga sila.
Next time, if ever gawin ko ulit yung fantasy ko, magpapaalam na lang ako. At least with consent na.
For context lang: Wala po akong pinagdadaanan. Ganito lang talaga ako. Minsan may urge akong subukan yung isang bagay. Once nagawa ko na, okay na ako. Tapos hanap ulit ng panibagong adventure. 😅