ACE Program Extension

So ayon, balita ko may off-cycle promotion this month (?) and wala ako naranasang talent discussion about that, and that's okay for me. But, this September, start na raw ng deliberation or talent discussion about IPB or anong bonus man yon, hindi ko kasi sure. On the other hand, yung ACE program ko matatapos na this January. Pag ba ni-talent discussion na ko ng lead ko this September, pwede ko ba i-discuss sakanya or like mag-request kung pwede ako ma-promote para makeep ko yung ACE ko? Plano ko kasi once na hindi ako ma-promote before my ACE ends, bye ACN na since hindi na kaya ng sahod ko kapag nawala pa yung ACE. Eh gusto ko rin yung project ko ngayon kasi hindi siya toxic and maluwag, so may part sakin na manghihinayang ako kapag umalis ako.

So ayon, pinaka question here ay kung pwede ako mag-request to be promoted even if it's off-cycle.

Edit: Mali yata pag-construct ko here but what I mean po is once na na-promote ang isang employee with ACE, yung ACE ay automatically added na siya sa new base pay. :)

reddit.com
u/bubble-splash0917 — 1 day ago

Fido PH

Grabe ganto ba talaga sa Fido? I just started loaning to them mga Friday or Saturday last week siguro. Worth 2k yung ni-loan ko. Next week pa start ng pay term ko and never naman ako na-OD sa ibang loans ko, so wala rin naman akong plano i-OD tong Fido. Pero simula nung na-approve yon, nagsunod-sunod na ang unknown callers and messages from other loans. Hindi naman ako nagkakaganto dati. I mean, may ganito before but hindi siya sobrang dalas. Planning to pay agad lahatan in one go para matigil. Titigil naman siguro sila kapag settled na ako no?

reddit.com
u/bubble-splash0917 — 8 days ago
▲ 1 r/pldt

Payment

Hello! Last year lang ako nagpakabit ng wifi and never ako naka-missed or kulang sa monthly payment. Actually, sinosobrahan ko pa nga bayad ko. I have the 1699 plan and 1700 ang lagi kong bayad, so I guess may butal na ko na 10 pesos siguro. But this month, medyo short ako sa money. So iniisip ko if pwede magbayad muna ng 500? Then next month's payment ko nalang bayaran yung kulang ko. Pwede ba yung ganon? Or mahigpit ang PLDT? And if ever na pwede yung ganon, nakaka-affect ba sa speed ng internet yung ganyan?

reddit.com
u/bubble-splash0917 — 9 days ago

Refund

Ordered in Grab around that time, pero until now wala pa ring driver, kaya cinancel ko nalang. But I used my maribank debit to pay, and waiting ako ng refund. Anyone have experienced this too? Gaano katagal magrefund? Sabi kasi sa mga nabasa ko, depende siya sa bank.

u/bubble-splash0917 — 18 days ago

No more SL credits

Sorry, noob question. Just checked my myTE and yung SL ko nag-exceed na pala. 94.5 hours yung used leaves ko then 90 hours lang pala ang eligible for the FY, means nag-exceed ako ng 4.5 hours. Kapag ba ganto, hindi ba siya tulad ng VL na pwedeng ibawas yung sumobra sa next FY? Or matic salary deduction? How much naman kaya idededuct pag ganyan na let's say 1k ang daily wage.

reddit.com
u/bubble-splash0917 — 1 month ago

Ganito ba talaga sa JuanHand?

So, nag-install ako ng JuanHand na app. Gusto ko kasi sana mag-loan, pero nung nakita ko yung interest, hindi ko na tinuloy. June 10 ako nag-install and gawa ng account. Ni-install ko yung app dito sa iPhone ko, then yung phone number na pinang-sign up ko, nasa Android ko. So yun nga, hindi ko naman tinuloy yung loan, and nagrequest rin ako agad ng account cancellation, pero wait pa pala ng 30 days para parang ma-fully delete yung account. So since June 10, may tumatawag na unknown numbers sa Android ko. Once per day lang naman, and never ko naman nasasagot dahil hindi ko naman masyado nagagamit yung Android ko. Ni-try ko i-call back yung numbers and ring lang siya nang ring, kung hindi ring, bot naman sasagot — so it means from JuanHand yung calls. Ganito ba talaga ang JuanHand? Hindi ko naman tinuloy yung loan so what's the purpose ng pangungulit? First time ko maka-experience ng ola na kahit wala pang loan na existing, nangungulit na! Hahaha.

reddit.com
u/bubble-splash0917 — 1 month ago

Aircon Advice - How to avoid having ants?

Past few days, napapansin ko may mga langgam around sa AC pero parang dinadaanan lang naman, and kanina, nakita ko na pumapasok na sila sa aircon, any advice/tips on how to avoid having ants inside the AC? And ngayong meron na sa loob, what to do?

reddit.com
u/bubble-splash0917 — 3 months ago

Kahapon paggising ko, red na yung LOS sa router. Nagmessage na ko sakanila sa Messenger, and they confirmed na may outage nga sa area. Also confirmed it with friends nearby, wala rin silang internet. Then today, I received this. This is my first time experiencing red LOS kasi kaya I don't how long will this take. Sa ganyang message nila, gaano kaya ka-tagal bago ma-fix ang issue. Napaka-sagabal nila sa mga nag-WFH like me, ang bagal ng CS. If this happens again, baka wala akong choice na magpalit ng provider.

u/bubble-splash0917 — 3 months ago