OA lang ba ako kung gusto ko na magno contact w my parents?
For context, my parents were one of the people who lost their jobs nung pandemic and never got their heads above the water after that, and I’m 23 this yr!
They’re still in their late 40s and very capable to look for work pero parang pinanghinaan na sila ng loob and parang pinasa saken ang baton haha.
I just graduated college and I started working 2 yrs ago, ever since they found out may work ako, I’ve giving them money whenever they need and I don’t mind naman kasi I wanted to help.
But lately it’s like my father feels entitled to ask me for money kasi anak niya ako.
Tito ko nagpaaral at bumubuhay sa akin and I don’t sampal that to my parents kasi lahat kami grateful, what they do though is whenever magaaway kami ng parents ko, ginagamit nila yung situation para iguilt trip ako, na sinasabi kaya ko sila sagot sagutin kasi tito ko nagpapaaral and kung di daw dahil sa kanila, nasa palayan parin ako sa probinsya.
Anyway, I try to avoid talking to my father kasi every time he calls nauuwi sa penge pera to the point na wala na hello how are u anak, diretso sa panghihingi. Hindi naman ako madamot no? Pero ganon man lang sana.
Ibabato pa saken kasi di ko sila kinakamusta rin, eh lahat ng convo namin buong college life ko ay:
“ano gagraduate ka pa ba”
“mabubuntis ka lang nang maaga”
“ano sabihin mo kung tuloy ka na sa pagaaral at tumulong ka nalang dito sa bahay at alagaan mo tong mga kapatid mo”
“magasawa ka na ng afam yung mayaman para matulungan ka”
“kamusta school? sus bakit ka nagpapastress kami nga stress na dito eh ikaw nagaaral ka lang naman”
like sige kayo ba? gusto niyo ba kumausap sa tao kung laging ganyan sinisingit sa usapan? nakakapagod diba? at nagwowonder sila bakit di ko na sila kinakamusta? tapos petty sila di na rin ako kakamustahin pero manghihingi ng pera hahahaha
Nakakainis kasi pag nagseset ako ng boundary, ako lumalabas na masama kasi pavictim yung tatay ko. Laging iniisip na inaapi ko siya whenever cinacall out ko behavior niya.
Mama ko naman na alam kong miserable buhay dahil sa tatay ko pero wala, tinitiis niya parin.
Fast forward, graduate nako, di ko sila chinachat. I’m moving out in a week tapos kasi di ko nirereplyan tatay ko ever since father’s day kasi out of nowhere ang sinabi saken: “ano na plano mo sa buhay mo”
like??? stressed out kasi I have to move out kasi may ibang titira kela tita in place of me, and sarili kong pera ilalabas ko sa lahat ng gastusin, walang help, wala.
so nagdelete ako ng messenger kasi masyadong nakakastress, tapos a few days ago naisipan kong magdownload kasi magseset na ako ng boundaries.
Pinagmumura ako ng tatay ko sa chat, makasarili daw ako, wag na daw ako magpapakita at magpaparamdam kundi sasampalin niya ako.
Tangina, ang ayos nung drinaft kong message para kahit papaano hindi kami magkalabuan ng tuluyan, tapos makikita ko yun? Aba tangina wag na.
Tapos nagchat mama ko sa ibang app, nagtatampo daw papa ko di ko kinakamusta, naglsm ako inexplain ko bakit hindi ko sila kinakausap at stressed ako.
Hindi niya daw alam, binuksan niya daw fb ng tatay ko dinelete daw yung chat.
Siya nagsosorry para daw sa tatay at kasi stress lang at may sakit rin. Tangina, ano ako? Tingin nila buhay prinsesa? Na ansarap ng buhay ko? Lahat nalang competition sa kanila, pag may low moment ako hindi papatalo, mas malala kanila.
Nakakapagod sa totoo lang, so di ko muna nireplyan mama ko.
Rereplyan ko na sana ngayon, deleted yung chat namin sa telegram hahaha. Tanginang yan, I’m tired of understanding parents like them.
Akala ko baby steps na kami ng mama ko to mend our rs, tapos ganon? I already expected she’ll side w my father, I was naive to think it was gonna be different.
I have two younger siblings, and I’m afraid na they’ll paint me as a villain sa kanila, yung ate na makasarili, walang respeto sa magulang, at bastos.
OA lang ba ako kung gusto ko na panindigan nila yang no contact na threat nila, kasi ako lang napapagod at laging kinakain ng anxiety everytime makikita ko messages nila sa phone ko??