Gigil ako sa mga AI, sobrang tatanga!
Bakit degraded na ang mga output ng mga generative AI?
Natanong ko na naman siya ulit kasi kakatapos lang ng away namin ni Gemini. Lahat ng expletives and curses, binato ko na sa kanya. Kung maging sentient man sila, baka ako una nilang gantihan, lol. Conversational ang approach ko to get results, pero parang di niya ma-gets. Kailangan ko pa i-point out sa kanya kung gaano siya katanga, and it admit naman na may oversight daw siya. Gigil kasi 'di ko feel na naka-"premium" ako. Well, free from Coursera/DTI.
Pero back in 2024, hindi naman sila ganito. In fact, ang intuitive nila. One chat lang, alam nila kung ano ang gusto ko, sometimes more pa nga. Literal na napadali nila ang buhay ko.
Hindi lang 'to isolated sa Gemini. Nakikipag-away din ako sa ChatGPT, Grok and company-sanctioned AI na Rovo AI.