SKL ang secret namin ng dogs namin pag wala ang asawa ko
Umaalis ng bahay ang asawa ko tuwing 7 am at uuwi ng mga 5:30pm.
Pag alis na pag alis nya, pinapapasok ko kagad mga aso namin (2 goldens) pinapahiga sa sofa, kama or kahit san at nagcucuddle kami habang binibigyan ko sila treats.
Ayaw kasi ng asawa ko nasa loob sila dahil sa balahibo. May roofed patio kami at dun sila nakapwesto. May kama, toys and water sila kaya di naman sila abused. Love love naman sila ng asawa ko pero di nya matake na may balahibo palagi sa damit namin or pag hinihigaan sya ng mga nagsisitabaang aso namin.
Been doing this for a few months at medyo nakakakutob na sya sa ginagawa namin dahil dumadami na naman ang balahibo sa loob ng bahay haha!