▲ 2.8k r/catsofrph

Lumapit sakin sa Sta Cruz na simbahan nung nagmimisa si father

Nagulat ako biglang may lumapit saking maliit na pusa sa simbahan. Sobrang friendly at daldal niya at di siya takot sa tao. Lahat ng tao nilalapitan niya. Pusang simbahan siguro siya kaya sanay sa tao. Hindi ko siya pwedeng iadopt kasi madami narin kaming pusa sa bahay. Binilan ko nalang siya ng lutong ulam na afritada tapos pinakain ko siya.

u/jazdoesnotexist — 10 days ago

A Toxic Love Story

Sino na nakanood dito sa netflix? Ano thoughts nyo? Grabe plot twist nito. Sobrang samang tao ni Ian at Angela for framing Michelle. And yung friend ni Ian halata namang inlove siya at indenial na di niya mahal si Ian. Napaluha ako nung sinabi ni Michelle na napakawholesome niyang tao at si Ian hindi.

u/jazdoesnotexist — 29 days ago
▲ 184 r/catsofrph

My angels

My orange cat got lost and hindi na umuwi ng bahay namin since 2022 while my brown dog passed away because of parvo last 2022 din. I still think of them sometimes and I wish nasa heaven sila at naglalaro.

Sobrang babait nila at lovable. My dog is so calm and behave while my orange cat is a suplado one yet mabait at maamo. I love them so much.

u/jazdoesnotexist — 1 month ago

Late na kadate

So, may nireto sakin yung friend ko na girl. Parehas kaming bisexual na girl, btw. Mabait siya and mag 3 weeks na kaming naguusap. Nung first date namin nagmovie date kami, usapan namin 6pm or 7pm magkikita. 8:25pm yung movie. 6pm inantay ko siya pero wala pa siya, pinagbigyan ko kasi knowing na tiga Cavite pa siya and dadayo siya dito samin sa Alabang. Wala siyang update man lang kung nasan siya. Sabi ko nalang sa isip ko na traffic din at malayo yung Cavite. Or baka nagddrive. Then 730pm wala parin siya tapos bigla siyang nagsabi na malapit na daw siya. Bale mag 8 na siya nakadating. Sabi niya sobrang traffic daw and nagddrive din siya kanina kaya di siya nakapagchat. Di ko nalang sinabi na sana naguupdate siya kung nasan na siya para alam ko, pero okay lang naman sakin kasi nga first date palang naman namin.

Then kagabi niyaya niya ko magcoffee and lumabas ngayon. Usapan namin 6pm. Sabi ko manonood pa kami ng hapon ng movie ng mother ko. Pero nagchat ako sakanya na di na kami natuloy sa panonood ng sine. So chinat ko siya ng 5:45pm kung kamusta na siya. Sabi ko otw na ako. Wala siyang chat or update man lang kung andon na siya sa venue or kung malalate siya. So I assume na baka otw na rin siya at nagddrive siya kaya di siya nakapagchat. Sabi ko nalang sa sarili ko na pupunta nalang ako don at don ko nalang siya aantayin. 6pm ako nakarating. Nagantay ako, until 730pm nagchat siya bigla na nagpahatid daw kasi yung tita niya papuntang Moa. Na kung hanggang anong oras lang daw ba ako pwede and wala daw signal kanina pa doon. Nadissapoint ako kasi hindi man lang siya nagupdate beforehand na baka malate siya or kung anong oras na siya makakapunta. Sana nagsabi man lang siya kasi maiintindihan ko naman kaso anong oras na siya nagchat and parang expected niya na antayin ko pa siya hanggang mamaya. Knowing na nasa moa pa siya and sa Alabang meetup namin.

Ako kasi I respect everyone's time and petpeeve ko talaga yung hindi vinavalue oras ko. Usually din mga 10 mins prior andon na ko sa venue kasi nahihiya na ako if 15 mins late na ko tapos andon na yung immeet ko. I cut off recently din ng friend kasi 2 hrs akong nagantay sakanila. Mabait pa nga ako na inantay ko siya kahit mag 2hrs na kasi kung ibang tao baka inaway na siya sa chat.

Naoff ako kasi petpeeve ko talaga yung taong late. Sabi ko nalang sakanya na baka di kami match pagdating sa time. Ayun, parang nagsayang lang ako ng pamasahe and pera knowing na ganun ang nangyari.

Ayan yung inorder ko. Buti nalang masarap pero nagantay ako ng 2 hrs sakanya pero wala lang din.

u/jazdoesnotexist — 2 months ago
▲ 19 r/braces

Braces just taken off

I just taken out my braces awhile ago. My dentist told me that it's not yet done since she recommend that my teeth should be rehab because of dental caries. She told me that I have a choice to make whether to taken it out and rehab it or put back again the braces. I choose to rehab it and see after a month if there would be some changes.

Because if we don't, she will just put back my braces and there would be still decays because of my lifestyle like eating sweets. She recommends me to lessen sweets and a soft diet.

Then if there is a changes after a month or two, she will put back again my braces.

Honestly, I just finished the payment of the package of my braces.

But I think I'm still not satisfied of whatever is happening because my midline is still not aligned below. And I feel like my teeth is still on the side whenever I'm talking like a crossbite feels.

What do you think of the result?

u/jazdoesnotexist — 3 months ago

Recommended laptop for VA beginner

Hi. I just resigned from my BPO job and got a job offer from a client. The thing is I don't have a laptop. I'm thinking of buying one na affordable and recommended na model. Is 15k-20k laptop okay? Medjo gipit din ako and ang estimated budget ko lang is nasa ganyang range. And ano pong pwedeng marecommend nyo na model? Madalas nababasa ko andaming issues ng Acer.

Btw, gamer din ako. I play Steam pero hindi yung heavy games naman. I only play Left 4 Dead on my freetime and Valorant. Thank you, by the way.

reddit.com
u/jazdoesnotexist — 3 months ago

Obsession (2026)

Sino na nakapanood? Grabe. Hindi ko maintindihan kung matatawa ako o matatakot kay Nicki. HAHAHAHHAA. Can't get over sa frown niya talaga nung may nagsabi ng "kiss the girl on the left" pati yung paghampas niya ng brick wall kay Sarah sa kotse ng paulit ulit. Nakakatakot magmahal ng gantong klaseng tao and I know it happens in real life too kaya may mga news na napatay nila yung partner nila dahil sa selos or nagsuicide dahil iniwan ng partner kaya alam kong ang scary niya.

u/jazdoesnotexist — 3 months ago
▲ 1 r/WLW_PH

I think I like my work friend but she has ka-MU na work friend ko din

Goal/Problem: Hi there. I just wanna let this out. Please don't judge me. I know some of you would say na don't shit where you eat and wag magkagusto sa taken na. I know and I just want your suggestion.

Context: I been 9 months single since me and my ex broke up. Femme yung ex ko and andro-femme naman ako. Then I meet someone at work na androgynous and may ka MU siyang femme na kawork din namin na pinasok niya. Eventually naging close ko silang dalawa dahil parehas kami ng sinasakyan pauwi and pare parehas kaming wlw, dahil kami lang don sa vertical namin ang nakakarelate sa isa't isa.

Yung femme is siya yung nanliligaw don sa andro na friend ko. Sobrang nacutean ako sa kanilang dalawa nung una then nung una si femme di approchable and di talaga siya namamansin pag di niya kaclose yung tao sa work pero nung tumagal naging close ko din siya.

Nagkakausap kaming tatlo palagi and minsan si femme nakakatabi ko siya sa table sa work or minsan si andro na friend ko.

One time, nagkausap kami ni femme na kakampink din pala siya like me and umattend din siya ng rally last 2022 sa province nila. Kadalasan daw sinasagot niya yung mga supporters ng other party sa tiktok and fb and sabi ko sakanya nakakarelate ako kasi ganon na ganon din ako. Parang naging comfy ako sakanya to share kasi alam ko same kami ng mindset when it comes to politics na vocal din.

Then minsan nagaadvice ako sakanilang dalawa and yung andro na friend ko di niya daw alam pano sasagutin si femme kasi minsan daw parang undecided siya at may doubt. Parang gusto niya daw magkafamily someday and aware naman daw si femme don pero kasi okay lang naman daw kay femme as long as magsabi siya habang maaga pa. Tapos minsan parang laging binabara ni andro itong si femme pero alam ko asaran lang nila yun and binabanggit niya na may naggwapuhan or nagagandahan siya sa office dito kay femme. Then nasabi niya na minsan daw si femme everytime na kakain sila, parang laging bahala daw si andro kung saan. Ayaw niya daw ng ganun pero nagiimprove na daw si femme na hindi na siya ganon tapos nung kinausap ko si femme about don sabi nya binabago na nga niya daw yung ganon, na siya na yung nagpplano kung san kakain hindi na yung friend ko ang magddecide.

Parang naawa din ako sa part ni femme kasi nung nakausap ko siya parang siya yung tao na alam niya yung gusto niyang gawin, hindi siya indecisive tapos sobrang consistent niya sa paghatid dito kay andro pag uwian sa bus station. Walang palya, promise. Araw araw yun. 6pm uwian ni femme tapos 730pm uwian ni andro. Imagine araw araw nagaantay ka ng 1 hr 30 mins para mahatid pauwi si andro. And nung tinanong ko siya na buti no ang consistent mo sa paghatid kay andro na friend ko, kung di ba siya napapagod. Sabi niya lang hindi naman daw siya napapagod. Di naman niya daw yun nararamdaman.

First time ko yun marinig galing sa isang femme. Kasi yung ex ko na femme, ako palagi yung sumusundo sakanya galing work and kapag papapuntahin ko siya sa bahay namin, nagrereklamo na kesyo nahihiya, malayo. Ganyan. Tapos itong si femme hindi niya ugaling magblock. Kadalasan itong si andro yung may topak at nangbblock. Never daw nagalit si femme or nakipag away sakanya pero itong friend ko feel ko, parang di niya deserve na ganunin lang minsan si femme.

Parang nagustuhan ko siya dahil doon. And I admit maling magkagusto sa taong may something na sa iba pero I can't help na maadmire yung ganong thinking at ugali ni femme. Siguro kasi parang ang kalmado niya, yung way of thinking niya nagustuhan ko and yung mga hinahanap ko na emotional qualities nasa kanya. And parang gusto ko din ng taong ganon.

Alam ko din naman na mahal nila isat isa. And nakikita ko din naman yun sa actions nila. Sobrang clingy ni femme kay andro sa work namin. Hindi out yung friend ko na andro pero si femme out siya sa friends pefo pili lang.

Ayun. Parang after my 9 months breakup sa ex ko, parang ngayon nalang uli ako nagkagusto doon sa alam kong hindi rin naman magiging akin.

reddit.com
u/jazdoesnotexist — 3 months ago