Oa lang ba ako dahil galit at lagi ako naiinis sa tatay ko

Hi guys I want to share my story. Simula't sapul ng namulat ako sa realidad ng buhay namin di ko na natignan ng may respeto tatay ko. Teacher nanay ko at tricycle driver sya at paminsan minsan ay gumagawa ng mga bahay (foreman ata tawag sakanya). Di ko minamaliit ang trabaho nya guys. Marangal naman yon.

Una, sa aming magkakapatid, sobrang istrikto nya lalong lalo na sa kuya namin na panganay. Pero pag pinagalitan nya ang isa samin, damay pati yung iba. Palo ng tsinelas, tambo, sintron, hanger, tsinelas. May time na araw araw siyang ganon. Pag naabutan kami ng mama ko na ganon ang sitwasyon syempre nagagalit sya. Ipinagtatanggol nya kami kaya ang ending sila ang mag aaway. Lagi nalang sila nagbabtuhan ng masasakit na salita at naririnig namin yon.

May mga time na nahuli pa ni mama yang tatay ko na nambabae. Halos ma ospital na kakapagod at kapupuyat nanay ko sa pag gawa ng lesson plan, reports at kung ano ano pa na iniuutos noon ng principal tapos sya makukuha nya gumawa ng ganon. Nilayasan namin siya non, sinundo kami at nanghingi ng chance kay mama. Ngayon bilang isang teacher nanay ko syempre may mga party sila like Christmas party at iba pa na party. Syempre di naman maiiwasan na sumama don lalo na yung iba is parang Deped ang nag organize. Pinag selosan ng magaling kong tatay ang nanay ko na nanlalaki daw si mama? Mga ate ko hamak tanda ng nanay ko sa principal nila and may asawat anak din yon. The audacity na pagbintangan ng ganon ang nanay ko. Takot na takot sa multo nya ay.

Ilang years pa, nung nagka pandemic hirap na hirap kami. Syempre baon nanay ko sa utang kasi di naman na namamsada at tumatanggap ng gawa yung tatay ko. Nagka covid kaming lima noong 18th birthday ko. Walang ganap nasa hospital kami non at nagpa test ang don nga na confirmed na positive kami. Yung kapatid nya na nurse ginagago kami. Di kasi kami informed na may binibigay na libreng gamot at ayuda pag positive ka. Teh mula sa pinagpa swab hanggang sa pinangpa xray at pambili ng gamot samin nanggaling. Yung 10k na ibibigay sana para sa debut nawala dahil don.

Nagkaka problema din kami sa side ng pamilya nya. Ang masakit pa don sinong kinakampihan nya? Syempre yung side ng pamilya nya. Mahal na mahal nya mga yon e. Di kami magawang ipagtanggol. Takte guys, sinong di magagalit sa kanila. Nung medyo maluwag kami pinapautang namin mga kapatid at nanay nya. May nakabayad ba? Syempre wala. Tapos makikita namin pumapasok nalang sa bahay namin at may kinukuha. Pag sinita mo pa sila pa ang galit. Syempre away nanaman yon sa kanilang mag asawa. Ang kinakagalut pa ng mama ko, maraming sinasabi sa aming magkakapatid at pati na rin sa mama ko. Syempre yun ang ayaw na ayaw ng nanay ko. Di nya kami maipatanggol sa mga pamilya nya HAHAHAHA.

Then naka graduate na ng college yung dalawa kong kapatid. Ako nalang ang nag aaral non. Wala naman sila ginagastos non kung di pambayad lang ng RLE since sa State U ako nag aral. At simula ng pandemic hanggang sa ngayon di na sya talaga namasada HAHAAHAHA. Umuutang pa yan sya at yung nanay ko nagbabayad. Bumait na din sya kay kuya kasi nasa barko na kuya ko. Nagtampo pa yan at si mama lang binibigyan. Kasi di naman din ganon kalaki nabibigay kay mama sa pambayad palang ng bills, pambili ng foods and grocery pati na rin pagbabayad ng utang pinagkakasya nya yung 20-25k na binibigay sakanya ni kuya. Ngayon okay na sya at drinamahan nya si kuya kaya ayon binibigyan na sya para lang wala na syang masabi. Pag nga nasakay kami sa tricycle nya nagbabayad pa kami ng pang gas sakanya. Para lang din kaming namasahe HAHAHAH.

Ngayong kasalukuyan di na nagbago ugali. Konting kibot namin nagagalit sya at nakataas ang boses. Pag di nasunod gusto nya kahit mali sya pa nagagalit. Konting inconvenience sinasabihan kami ng tarantado. Tao lang din naman kami and di naiiwasan na sumagot at magtaas ng boses. Pag ginaganon namin sya lagi nya kami sinasabihan ng walang respeto. Balasubas. Parang di daw namin sya naging magulang HAHAHAHA. Di namin ramdam na naging tatay sya sa aming magkakapatid at di rin namin naramdaman yung tunay na pagmamhal na dapat binibigay nya sa mama namin. Ang nakikita kasi namin, minahal lang ng tatay ko ang nanay ko dahil convenient sakanya kasi di sya magugutom at di sya gaanong maghihirap since may permanent work si mama.

reddit.com
u/kitkatkattttt_ — 2 days ago
▲ 3 r/stylus+2 crossposts

Does M pencil 3rd generation work on Huawei Matepad 11.5"s Paper Matte Edition 2024? How does it work and do i need to buy a separate charger for it or the nearlink/ magnetic charging works on it

reddit.com
u/kitkatkattttt_ — 3 days ago

Pagod na maghanap ng work - Nov 2025 passer

A lot of my batchmates and friends are already hired and here I am stuck sa pagpapasa ng mga resume and CV sa mga hospital and even sa mga clinic. Nawawalan na ako ng pag asa makahanap ng work. Feeling ko napag iiwanan na ako

reddit.com
u/kitkatkattttt_ — 8 days ago

Medicoglobal clinic may nag apply po ba sainyo or nakapag work na dito?

Hello po! May interview po ako later with them pero medyo nagkakaroon ng second thoughts since parang aesthetic clinic din sya?

reddit.com
u/kitkatkattttt_ — 16 days ago

NCLEX process

Hello po! Pwede po makahingi ng advice sa mga nag diy ng nclex nila? Like ano po yung mga need at mga process? Plus magkano po ang aabutin

reddit.com
u/kitkatkattttt_ — 20 days ago

Nurse na pagod na maghanap ng work

hello po! Nov 2025 passer po and wala po experience. is there a chance po na makapag work sa middle east kahit po walang experience. saka pa suggest na din po ng legit na agency. hays simula December up until now po nag apply ako sa public and private hospital pero wala pa din po.

​

TYIA po 🥹

reddit.com
u/kitkatkattttt_ — 20 days ago
▲ 109 r/NursesPH

Kwento ng friend ko na na-hire sa isang hospital pinsan nya at ganyan yung shifting. Kawawa mga nurses. Ang dami kasing nakapasa pero ayaw mag hire. Kawawa mga nurses na nagtitiis na nga sa maliit na sahod tapos ganyan pa ng shift

u/kitkatkattttt_ — 2 months ago