▲ 2 r/Ilocos

Any hotel recommendation around Laoag/San Nicolas?

Hi po. First time namin sa San Nicolas area. We’ll be staying during the weekend for work purposes.
Any hotel recommendations po?

2 adults 1 baby
Budget is 2k-2.5k per day

reddit.com
u/snackpoweredhooman — 8 days ago
🔥 Hot ▲ 6.0k r/MANILA+1 crossposts

Sana pumaldo lahat ng masisipag na nanay sa mundo

While working sa coffee shop kanina napansin ko tong batang to na nanood sa phone. Kako baka may hinihintay lang at mabilis lang siya dun. Nagtagal ako ng 2-3 hrs sa coffee shop pero nandun pa rin siya. Instinct kicked in na lapitan yung bata kasi baka naliligaw o nawawala siya. Sabi niya, nagwwork daw yung mommy niya sa katabing hardware store at bawal daw siyang makita ni Ma’am (pertaining to her mom’s boss). Sobrang nalungkot ako. Hindi ko naman siya pwedeng bigyan ng pagkain (safety reasons) at hindi ko rin naman siya pwedeng ayain sumama sakin para ako na lang magbantay pansamantala. Mukha na rin siyang inaantok. May baon siyang biskwit at gatas.

Ewan ko kung anong dahilan bakit sinama pa siya sa work. Baka walang mapag-iwanan o ano. At sobrang gets ko na need magtrabaho. Pero sana wag natin icompromise ang safety at comfort ng mga bata huhu.

Stayed for a couple more hours para mabantayan yung bata. Pero need ko na rin umuwi. Kaya binilin ko na lang sa malapit na guard at sabi naman nung guard ttignan tignan daw niya yung bata.

Sana pumaldo lahat ng masisipag na nanay sa mundo para wala nang batang makaranas ng ganito.

u/StageIntelligent7209 — 21 days ago

How should we address clerks?

Hello po. Naka admit yung anak ko sa ospital, pedia patient. Kanina, may clerk na nagmmonitor sa kanya na every 4 hrs naman talaga. Iba iba nga lang ang rotation nila so parang every 2 days nag-iiba yung clerk. Tinatawag ko lang silang Sir/Ma’am, okay naman sa kanila.

Pero may isang bagong clerk kanina (yes, bago siya sa paningin namin kasi 1 month na kami dito, halos kabisado ko na nga sila) sabi ko sa anak ko “Can you show kuya your hand?” sabi ba naman nung clerk, “Doc mommy hindi kuya.” Sabay irap sakin. Gulat na gulat ako. Sabi ko na lang ahh okay po sorry. Dahil nga matagal na kami dito, kabisado ko na rin yung routine sa anak ko. Pulse ox at temp lang kinukuha pati sukat ng tyan.

Pero yung clerk na to, kinuhanan ng BP, tinutukan ng ilaw sa mata, pinadapa, pinatihaya para makita yung tyan. Basta madami pa di ko lang alam mga terms. Tinanong ko naman respectfully, kasi nga alam ko na ang usual routine kaya nagulat ako may mga bagong ginawa. Nireklamo ko sa nurse kasi nga sobrang umiiyak na yung anak ko sa stress. Pagdating ng residente, pinalitan niya yung clerk. Nung nakasalubong ko siya sa hallway, umiirap pa rin siya.

So pano ba. Pls educate me, thank you. Doc ba ang tawag sa kanila?

reddit.com
u/snackpoweredhooman — 1 month ago

Medicine vs manggagamot

Hi mga mommies. 1 month na po naka admit ang baby ko sa ospital, 1 year old baby boy. Wala pa ring definite na diagnosis kasi nasa trial and error phase pa rin kami. Etong mga in laws ko ay naniniwala sa mga pagamot at padasal. Nirerespeto ko po iyon, at hindi ko pinapakealaman ang gusto nila. Magpadasal sila sa kahit kanino, o gawin ang kung anong orasyon, basta wag lang idamay ang anak ko dahil hindi ako naniniwala sa ganun. Kumbaga, sana irespeto rin nila akong di ako naniniwala.

Kanina, bigla silang nagpunta dito sa ospital, sabay duro sa akin, hindi raw nila mapakain ng asin at mapainom ng condense milk ang anak ko (utos ng manggagamot) dahil tutol daw ako. Gusto ko raw bang nahihirapan ang anak ko at aasa lang sa medisina na hanggang ngayon ay wala pa ring sagot? Ang sabi ko, mas gusto kong maniwala sa medisina na kahit papano may basis. Yung sa padasal daw, sila daw mismo ang basis dahil sila mismo nakaranas magamot noon. Tumahimik nalang po ako habang dinuduro duro ako. Nang sinabi kong hindi talaga ako payag, umiyak sila sabay walk out.

Yung asawa ko, ni hindi manlang ako naipagtanggol, na pagsabihan manlang sana mga magulang niya na wag akong sigaw sigawan at duruduruin.

Bastos po ba ako? Ako ba ang mali? Dapat po bang pumayag nalang ako ipagamot ang anak ko sa manggagawa, pakainin ng asin at painumin ng condense milk? Salamat po

reddit.com
u/snackpoweredhooman — 2 months ago

ITAPPH of a Criminology student na walang side mirror

not sure which flair to use hehe

may side mirror naman siya, nakatupi nga lang. di rin pwede masabi na di lang niya napansin, kasi main road na to along España

u/snackpoweredhooman — 3 months ago

My dad is a gambling addict.

Bayaran ng tuition namin ngayon para sana sa finals, pero hindi ako makakapag exam kasi naisugal na ng tatay ko yung pera. Kung tutuusin nga, 10k na lang hinihingi ko sa kanya.. kasi yung kalahati sabi ko ako na lang ang kakayod at maghahanap ng paraan. Kung anu anong trabaho ang pinasok ko, nag alaga ng bata na 6k lang ang sahod ko monthly. Naging dishwasher sa karenderya malapit samin. Sinabihan ko siya 2 months before pa para hindi naman ganun kahirap bunuin. Driver pala siya sa isang logistics company. Ngayon, nung hinihingi ko na sana, sinigawan nalang ako sabay sabing ako daw ang malas sa buhay nya kaya siya natatalo. Scatter po pala ang pinagkaka abalahan nya, hindi po ako masyadong pamilyar pero based sa nakikita ko sa phone nya yung mga slots po saka yung color game.

Sana hindi nalang nalulong sa sugal ang tatay ko, edi sana makakapag exam pa ako. Hays. Hindi na rin ako papayagan mag promissory note ng school namin kasi pangatlong beses ko na tong nadelay ng bayad gawa rin ng nagalaw ng tatay ko pang sugal.

5 am pa lang nagsusugal na sya. Hanggang banyo nagsusugal sya. Single dad sya samin, nagsimula yung pagka adik nya sa sugal nung hiniwalayan sya ni mama. Haaay, buhay. Sana po yung mga makakabasa nito, tigilan niyo na po ang pagsusugal. Hindi lamang po buhay ninyo ang nasisira, pati na rin buhay ng pamilya niyo. Kinabukasan ng anak niyo tulad ng akin.

Matagal na pala akong kasali dito sa group na ito kasi lagi kong ineencourage tatay ko na sumama sa mga GA. Sumama siya once pero sabi niya, sayang lang daw sa oras. Papaano po ba gagawin ko sa tatay ko? :((

reddit.com
u/snackpoweredhooman — 3 months ago

ahente ako ng isa sa malalaking real estate developer here sa ph. WFH naman kami, nakakagenerate naman ako ng sales, leads, etc. siguro mga less than 10 times a month lang kami sa office.

pero ang problema ko kasi palagi nalang nagppabiglaang meeting. as in biglaan. like kanina, nagsabi na may meeting daw ng 8 AM bukas sa south, sinabi lang ng mga around 9 PM. tapos from north pa kami. north as in bulacan, caloocan etc. sobrang layo nun at pabor talaga sa kanila kasi dun ang main office. gets naman na ahente ‘lang’ kami, pero deserve din naman namin ng equal consideration na binibigay dun sa mga “employed” talaga diba? deserve din naman namin siguro sabihan days before, or kahit nga morning lang eh ok na. kasi sure ako, days before pa lang iaannounce nyo na sa mga totoong employed lols. buti sana kung once or twice lang to nangyayari, ang kaso hindi. para kaming pinagttripan ateh HAHAHAHAHAHA tapos pagdating mo dun, pwede naman pala sabihin thru email. haayy

tinakot pa kami na kapag hindi umattend, tatanggalin na daw at ttanggalan ng allowance.

kaya eto hindi ako aattend. balakayojan hahahahaa

reddit.com
u/snackpoweredhooman — 4 months ago