
Cavite National Science High School in Maragondon, Top 2 sa mga pinakamagaling na high school sa Pilipinas
Isang malaking karangalan para sa Lalawigan ng Cavite ang pagkilala sa Cavite National Science High School (CNSHS) bilang Top 2 Best High School in the Philippines, ayon sa community ranking ng TheTopTens.com. Sa naturang listahan, nanguna ang The Sisters of Mary School, habang pumangalawa ang Cavite National Science High School, kasunod ang Philippine Science High School.
Sa kasalukuyan, ang dating Cavite National Science High School ay kilala na bilang Cavite Science Integrated School. Bagama't nagbago na ang pangalan nito, nananatili ang mataas na pamantayan ng edukasyon at ang mahusay na reputasyon ng paaralan sa paglikha ng mga mag-aaral na nagtatagumpay sa iba't ibang pambansa at pandaigdigang kompetisyon.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay ng Cavite National Science High School kundi ng buong lalawigan ng Cavite, na patuloy na nagpapakita ng kahusayan sa larangan ng edukasyon.