u/Inevitable-Tree9117

CSE Application Slot on eServe

I'm sorry pero ganito ba talaga to? puno agad? nakakainis kasi last week pa ako nagttry magopen ng eserve na yan pero lagi nalang full slots agad. pwede bang pumunta nalang sa bunker sa 25?

reddit.com
u/Inevitable-Tree9117 — 23 hours ago
▲ 1 r/PHGov

Available date on CSC eServe

Magkakaroon pa po ba ng available date sa CSC eServe kapag meron nang red tulad nito? Nagbabalak po kasi ako mag apply for civil service exam tas wala po lumalabas n available date

u/Inevitable-Tree9117 — 6 days ago

Me (F22) and my bf (M22) got into a fight

Me (F22) and my boyfriend(M22) got into a fight earlier about sa ka org ko na "hinahanap" ako sa outing dahil ako lang ang kakilala. well hindi lang naman ako ang hinahanap, pati rin yung isa kong ka-org na babae dahil introvert s'ya at kami lang dalawa daw ang kakilala (nagkaclose dahil sa isang event na nagsama). so sabi ko titignan ko if makakasama ako dahil aalis ako with my family sa day na yon, sabi ko I'll try humabol so they said it's fine.

then suddenly itong si bf nagbigay na ng sentiments n'ya na nagseselos s'ya kesyo "sasapakin" n'ya daw dahil walang lalaki na maghahanap sa babaeng may bf na? ang akin naman di naman namin sure if iyun talaga ang pinapahiwatig. gets ki din naman na nagseselos s'ya, niassure ko na din na hindi na ako sasama dahil ganun pala nararamdaman n'ya (note: sinabi ko na sa kan'ya to before, and cool naman s'ya, wala s'yang ibang violent reaction kaya nagulat talaga ako ngayon)

after that, bigla n'ya na pinaulit ulit na wala daw lalaking ganon (introvert person na maghahanap sa babaeng may bf na), ilang ulit ko sa kan'ya sinabi na "dalawa kaming babae ang hinahanap hindi lang ako" maiintindihan ko pa sana kung ako lang hinahanap pero kasi hindi e, dalawa naman, kaya never ko nagets kung saan n'ya nakukuha yung bagay na 'walang lalaki ang maghahanap sa gf ng iba'.

kahit ako na hinanap never kong nakita yan as gan'yan dahil na experience ko na yan before, na meron nga akong friends before na kahit may bf ako e hinahanap din ako sa isang event. pero s'ya pilit n'ya sinasabi na may something daw yon, at indenial lang ako. dati kasi may history din kami na may lalaking lumalapit sakin at sinasabi ko na close lang talaga kami, sinasabi n'ya na may gusto sakin yon, pero dinedeny ko dahil wala naman sinasabi at wala naman ako nakikita na makakapagpa prove non. not until umamin yung lalaki months after at napag usapan uli namin ni bf, and i admit na mali ko (never ko na experience yung close tas bigla nagkagusto)

alam ko din naman boundaries ko simula nung maging gf n'ya ako, sobrang seloso n'ya talaga, pero naiintindihan ko yon. kahit sinasabihan na s'ya na oa ng mga kaibigan ko minsan kapag nalalaman ginagawa n'ya ok lang dahil naiintindihan ko naman nga. niaassure ko din naman s'ya, simula nung maging kami na inalis ko na lahat ng friend ko na lalaki. puro gays nalang nga kinakausap ko at babae, mga lalaki kaklase nalang.

paano po ba to? sobrang naffrustrate ako palagi nalang ganito. ang hirap ipaintindi palagi sa kan'ya na hindi lahat ng bagay na nasa utak n'ya ay "facts" dahil iba iba ang tao. ilang beses ko na sinabi na ang side ko e iba sa kan'ya, dahil na experience ko na rin to noon, at wala naman bad na nangyari pero pinipilit n'ya pa rin talaga na mali sinasabi ko at bulag lang ako. oa lang ba ako? ako ba mali dito?

reddit.com
u/Inevitable-Tree9117 — 8 days ago

dental abscess

good day po. gusto ko lang sana mag ask about sa nangyari sakin before (6 or 5 years ago).

yung front teeth ko po kasi nagkaroon s'ya ng bukol, then bigla namaga buong bibig ko (upper lip) tas meron ding small bump sa taas ng isa kong front teeth na parang nabutas dun po ata lumalabas yung abscess.

after po ng ilang weeks nawala naman yung pamamaga, nawala na rin ata yung abscess sa loob kaso di ko po napa check up kasi nga wala naman kami pera that time.

may nakita po ako here sa reddit na sobrang delikado daw po ng ganon pero until now ok pa naman po ako pero still nung nagkaroon na ako ng pake sa overall health ko gusto ko na mapatignan sarili ko.

ask ko lang po if madadaan pa ito sa root canal treatment? ok na po ako ngayon, di na s'ya mamamaga pero sumasakit nalang time to time kapag nabubunggo or nakakakain ng sobrang lamig. napa pasta ko na rin po pero never pa nagpa rtc.

gusto ko lang po malaman if ok pa itong situation ko, worried lang din po ako sobra sa mga nababasa ko. thank you.

reddit.com
u/Inevitable-Tree9117 — 12 days ago

Panasonic Scholarship Asia 2026

pwede po ba mag apply for Panasonic kahit DOST scholar? may nakita na din kasi ako before na ganito, gumraduate nang dost and panasonic scholar pero gusto ko malaman if makaka affect ba sa application if dost scholar ka? mababa ba chance? or wala sila pake if may existing scholarship ka?

reddit.com
u/Inevitable-Tree9117 — 13 days ago

Panasonic Scholarship Asia 2026 anyone?

meron po ba ditong current scholars ng Panasonic? meron lang po sana iaask regarding sa application.

also, may nakikita po kasi ako na mga iniinterview na daw sa ibang schools 3 weeks ago, akala ko po kasi May 15 pa ang deadline? may slots pa po ba or ubusan na at may nauna nang ibang schools? please enlighten me po huhu nag aasikaso po kasi ako ng requirements then bigla ko nakita yung mga posts here sa reddit about doon. thank you po sa sasagot!

reddit.com
u/Inevitable-Tree9117 — 13 days ago
▲ 2 r/MayaPh

Bumibili ako ng food earlier sa isang k-mart sa place namin. Sinabi nila na gcash only pero nung nagsend ako ng money from maya (dahil nga nasa Maya money ko) to their number nagsend s'ya sa Maya account nila. Then hinihintay nila na mag reflect sa Gcash account nila, e nagsend nga sa Maya account nila. Then di ko makuha yung item ko dahil doon, pero they insist na need makita sa Gcash. Now umalis na ako dahil parang napahiya ako dahil di ako nakapagbayad para lang sa small amount. Nagmukha pa akong scammer. I know din naman na mali ko yon dahil sinabi na nila na gcash lang, so I admit my mistakes. Now, pwede ko paba yun ma-retrieve? Kasi walang lumalabas sa Maya Support. Thank you so much.

reddit.com
u/Inevitable-Tree9117 — 18 days ago