Is it a smart decision to leave my current job (in this economy) so I can experience living alone?
I am working at a PH based company and WFH setup 100%.
Very light lang ang work as a Senior Support Engineer, maluwag din when it comes to leaves. They’re also prepping me for a team lead role, pero promise palang.
Basic pay is 85k per month with HMO (2 dependents) +5K allowance and +5k annual medical reimbursement.
Sa totoo lang sobrang easy ng trabaho since kabisado ko na.
Salary progression? Medyo ok before pero walang increase this year.
From 35k > 40k > 52k > 85k
Eto na nga, I’m turning 30 pero never experienced living alone. Hindi rin ako nagtatravel. Wala akong hobby as in.
Since nasa bahay ako 24/7, lahat ng problema ng pamilya, kahit sobrang simple lang, lahat naririnig ko. Kaya parang nawawalan ako ng gana. Hindi naman toxic family ko, hindi ko lang maiwasan talaga na isipin lahat ng nangyayari since nandito ako maghapon.
Tila every galaw kailangan kong i-overthink kahit di naman related sakin, gets niyo ba?
Panganay din kasi ako at breadwinner. So lahat ng sahod ko napupunta sa bills and groceries.
Yung mga simpleng bagay na gusto kong gawin, hindi pwedeng hindi ko sila isama sa plano.
Like gusto ko magsamgyup? Dapat sa araw na available lahat at ako magbabayad so x5. Eh si mama hindi naman gusto ang samgyup, so hindi ko itutuloy yung plano. Instead susundin ko ano bet ni mama.
Eh ang problema, ako lang nagiisip niyan! 😭 like di naman sila nagrerequire na isama ko sila sa plano pero di ko kasi kaya na ako lang magsasamgyup, or kaya dalawa lang kami ng kapatid ko. Nagi-guilty ako!!
Lalo na sa travel, tapos ako pa lahat magaayos at magiisip, kaya wag nalang. Simpleng punta nga sa mall na kumpleto kami naooverwhelm na ko.
Like bet ko relax lang pero di ko magawa kasi iba iba trip ng pamilya ko. Gusto ko masulit yung labas and good feed back paguwi sa bahay. Again, nasa utak ko lang yan at ako lang din nagdedesisyon na ako magaadjust! Kasi sila priority ko.
Ngayon na magtrenta na ko, feeling ko wala pa kong nararating at naeexperience sa buhay.
Hindi rin naman practical na magsolo living ako dito kasi may bahay naman kami, dagdag gastos lang sakin.
Triny ko na kasi yan eh. Nagrent ako apartment sa same city, ending umuwi ako sa bahay kasi nanghinayang ako bumili ng mga gamit hahaha saka na-miss ko si mama.
Ang nakikita ko lang na way is to go abroad. Para kahit gusto kong umuwi, di ganun kabilis so malalabanan ko yung home sickness.
Hindi ko alam kung ok ba yung dahilan ko na yan? Practical? Ewan ko. Nag cut off din ako ng mga friends kaya wala akong matanungan.
Bigyan niyo ko ng comment at feed back. Paano ba dapat?