Image 1 — My papa ♥️
Image 2 — My papa ♥️

My papa ♥️

Sobra bumawi ang papa ko ever since nagkaroon na kami ng communication. Way back 2017 hinanap ko siya. Last kita namin was 2001 ata ganyan. Nag try siya mag reach out nung 2005-2006 kaso ayaw ng nanay ko, tinakot ako ng mom ko. Ito na kami ngayon, sa problemang dinulot ng nanay at stepfather ko. Siya lang at kuya ko ang tumutulong saakin para maayos ang papeles ko.

Kanina lumindol ng sobrang lakas after flag ceremony ng anak ko. First day of school. Akala namin random lindol lang. Biglang baba ng tubig sa dagat. Hanggang ngayon may pa onti onting yanig pa rin.

u/LessHalf8411 — 3 days ago
▲ 15 r/PHGov

Success online registration

As the title says, hindi ko na po ba kailangang pumunta nang personal sa SSS? Kagabi ko lang po ito in-apply, at ngayong hapon ay natanggap ko na ang email. Maraming salamat po. First-time job seeker po ako.

u/LessHalf8411 — 7 days ago
▲ 1 r/PHGov

National ID correction

Sa mga nagpa correct po ng name, birth date, or birth place sa national ID nila. Ilang weeks po bago nag reflect yung correction sa egov app? Sabi sakin i-check ko raw next week sa kanila if okay na for printing. Need ko kasi before matapos ang next week. Wala akong ibang valid ID pa. Lahat for clearance and correction. Salamat po.

reddit.com
u/LessHalf8411 — 9 days ago

A Burden I Never Chose

Life has been so hard lately. From discovering that my birth certificate was faked by my mom, countless visits sa attorney's office, request nito, request niyan. Parang walang progress kasi sobrang bagal ng proseso. I have to look for money to support the ongoing clearance of my old name. Yung mga taong may gawa nito sa akin, wala man lang ambag. Sila pa ang galit dahil ginagawa lang daw nila iyon para mabigyan ako ng magandang buhay. Anong magandang buhay ba ang meron ako ngayon sa nangyayari sa akin?

Graduation ko is just around the corner. Buti na lang, naayos ko na sa school. Napakiusapan ko ang mga department heads at ang registrar. Ang hirap ng buhay. Thinking about moving back to Manila makes me extremely anxious. Takot ako. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin doon. Hindi rin ako makauwi sa probinsya namin dahil puro mura at masasakit na salita lang ang aabutin ko dahil pinili kong gamitin ang tunay kong pangalan at apelyido ng biological father ko, dahil yon naman talaga ang tama at nakaregister sa PSA. My mom is furious. Wala raw akong utang na loob sa stepfather ko ang lalaking minolestya ako mula Grade 3 hanggang fourth year high school.

Board exam na sa November, at hindi ko alam kung makakapag-focus ba ako sa review from July to August. The thought of self-reviewing for the remaining months before November makes me anxious. Paano kung hindi ko mapasa? Paano ang anak ko? Paano kami? Wala akong ibang makapitan kundi ang anak kong seven years old. Sometimes, I wish I could just end my life. Nahihirapan na ako. Hindi ko naman hiningi ang problemang ito.

Pagkatapos kong ayusin ang mga papeles ko, sa anak ko naman ang susunod na aasikasuhin. Imagine all the plans I had, all the dreams I wanted to pursue, na ngayon ay tila naudlot dahil sa mga problemang ito. Bukas ang recognition namin. Hindi ko alam kung pupunta pa ba ako. Narinig yon ng anak ko. Sabi niya, "Believe in yourself. You're gonna graduate with high honors, Mama!"

Anak, Mama received the Outstanding Affiliate Award during her hospital practicum. Nung sinabi niya iyon habang kumakain kami, hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak habang ngumunguya. I felt like I had failed her as a mother. I hate myself for being in this position.

Sobrang hirap na ng buhay, pero mas pinahirap pa ito ng mga taong nakapaligid sa akin.

reddit.com
u/LessHalf8411 — 10 days ago

A Redditor friend sent from heaven

Nag pm siya kasi nag chika kami sa mga ganap sa buhay. Hahahaha tas eto biglang ganyan. Alam nya kung gano ko pinaghahandaan itong upcoming board exam. Thank you for always being there for me, teh. Sige pag 40. Alam na. 😂😂😂

u/LessHalf8411 — 14 days ago

Transcript of Records for Board Exam

Problem/Goal: Name sa TOR for Board Exam

Context:

Hi. I'm about to graduate po. Recently nalaman ko na pineke ng nanay ko yung birth certificate ko na gamit gamit ko. Alam ko naman yung story kung bakit nya nagawa, kaso hindi ko alam na hindi pala nila ginawa sa tamang proseso. May na unang name ako at yun pala ang nakaregister. Na recover ko na din yung report of birth ko sa first name ko na naka register sa PSA. So, naayos ko naman yung sa school ko ngayon, gragraduate ako with my real name na. Kaso transferee kasi ako, may nakacredit na minor subjects, hindi ko alam if lalabas yung old name ko sa TOR ko from my previous school. Makaka affect ba to sa pag file sa PRC for boards?

Inaayos ko na rin ngayon yung form 137 ko sa school ko nung hs ako. Then punta ulit ako sa previous university ko to obtain another TOR na nagrereflect ng real name ko. Tas ipapasa ko ulit sa current college ko. Hays, ang gulo noh? I really want to take the board exam this year. Kaso yun nga ang problema, kung lalabas yung old name ko sa TOR from my previous university baka hindi rin ako payagan ng PRC.

May same experience din po ba kayo na ganto? All major subjects ko naman po ay natake ko sa current college ko, puro minor subjects lang po yung nacredit sa dati. Salamat po for reading.

reddit.com
u/LessHalf8411 — 16 days ago

Ma, gusto sana kita batiin ng happy mother's day...

Gusto sana kitang batiin ng happy mother's day, ma. Kaso ngayong pagkakataon, hindi ko na talaga kaya magpakumbaba. Sinira mo ang mga plano ko dahil sa ginawa nyong pag-papalit ng pangalan ko na hindi naman dumaan sa legal na proseso. Halos tatlong dekada ko ginamit ang pangalan na pinalit nyo na hindi nyo naman ni rehistro.

Ang hirap. Ang dami kong gastos. Hindi ko alam san kukuhain lahat ng pera na kaylangan para maayos na lahat. Napakabagal ng mga proseso. Nawawalan ako ng pag asa. Pero bakit kahit kayo ang nagkamali ako pa rin ang masama? Ako ang walang utang na loob. Kahit binaboy ako ng kinakasama mo.

Pasensya na ma. Hindi ko na ata kayang maging anak mo. Sobrang sakit ng ginawa nyo saakin. Dahil lang gusto mo ako makasama, pineke mo lahat ng papeles ko. Ako ngayon yung naghihirap. Kami ngayon ng anak ko ang nahihirapan.

Napaka selfish mo, ma.

reddit.com
u/LessHalf8411 — 1 month ago

Last year around this time, I was having my final defense. I passed with flying colors, and I shared the good news with you. You were happy too. Back then, everything felt different, but I was still holding on. Then everything started to unravel. We broke up and went our separate ways. It was a messy and painful breakup, and whenever I think about it, it still stings me to my core.

Today, I passed my hospital case study, but I no longer have anyone to share it with. Pasado ako… pumasa ako. Akala ko hindi ko na kakayanin since last year nang nag break tayo, especially after the last conversation we had just before Christmas. I finally got my answers.

I feel proud and sad at the same time. I’m proud that even with the weight of sadness and the blurry memories we shared, I still made it this far. No, I won’t stop here. I will go even farther.

Thank you for hurting me and making me question my self-worth. Because of that pain, I discovered many things about myself. I was severely depressed last year and barely passed my pre-med, but here I am now finishing with flying colors.

Again, thank you. And I promise, you wont hear this good news.

reddit.com
u/LessHalf8411 — 1 month ago
▲ 14 r/LawPH

I deleted my first post here pero you can still check it sa arctic shift. Hindi ako makapaniwala meron akong ROB issued by the PSA. Nag baka sakali ako mag request PSAserbilis ng birth certificate ko kahit nung pinacheck namin sa PSA dito sa province na negative din. Nawalan na ako ng pag asa dahil negative din nga. Tas kahapon dumating sa workplace ng tatay ng anak ko. Nagulat kami, pagka bukas namin ROB!!! Naiyak ako sa tuwa at the same time sobrang gulong gulo ang isip ko pa rin. Received by the NSO nung 1996 yung ROB ko. Hindi rin nag rereply sa email ang DFA and Riyadh Embassy pero ito may ROB nga talaga ako. Bukas lunes, pinaplano ko pumunta sa PSA ulit to confirm kung ito na ba talaga ang live birth certificate (itong ROB) ko. Pupunta na ba ako sa PAO to obtain Affidavit of Discrepancy? para mapasa ko sabay sabay sa school registrar before kami ipag-file for graduation ngayong May. Ano ano yung dapat ko ihanda, ano ano dapat ayusin ko to start using my real name talaga. I only have my first passport issued by the Riyadh Embassy bearing my real name. And wala na, iniba kasi ng nanay ko lahat during the early 2000's kasi dinala nya ako ulit pa Saudi kasama yung stepfather ko. Hindi pala nila inayos ang paglalakad, lahat pinafixer. Nakakahiya man ikwento. Pero 2 weeks na ako umiiyak dahil dito. Akala ko wala akong ROB or any documents na nag lalaman kung ano ba talaga yung totoo saakin. Pero ito na may ROB na ako from PSA. Buti sinunod ko yung instinct ko at hindi ako pumayag na ipa fixer na naman nila yung birth certificate ko. Never po na register yung pinalit nila na pangalan. Pero nagamit ko po siya sa lahat ng transactions from passport, national id, philhealth, sss, school records not knowing na pineke pala nila yung birth cert na gamit ko. Grabe, sobrang draining at sakit nito for me. Isabay pa pang gagaslight ng nanay ko ngayon. Parang kaylan lang masaya kami, pero all at once nalaman ko na peke pala for the last 27 years of my life yung birth cert na pinagamit nya sakin. I am 30 years old na po ngayon.

reddit.com
u/LessHalf8411 — 2 months ago