Hello urgent ask lang po, thank you.

Ask ko lang po, puwede na po ba mag punta sa clinic na associated kay MC if hindi pa nag rereply sa email kung anong policy number ng dependent mo?

Urgent po kasi and need mag pa check up. Kahapon pa po kami nag email pero wala pa rin reply sa email. Please be kind with the comments. Thank you.

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 1 day ago

My cat doesn't like to use his sand litter box.

Any suggestions on how I can make my senior cat use his new litter box? We moved to a new house, and before, his litter box was an old storage box (like a MegaBox). He used it, but not very often—sometimes he would pee and poop outside of it, always in the same spot. It was fine before because his litter box was placed in our storage/cleaning room, which had a faucet inside, making it easy for us to clean.

But ever since we bought a new, actual cat litter box, he refuses to use it. It frustrates me that he pees somewhere else and always poops in front of my bedroom door. I tried putting him inside the litter box, but he resists, and when he is inside, he gets scared (at least that's how I interpret it) because he immediately runs out.

Any suggestions, please? I'm so desperate and I don't know what to do anymore. Our new house is quite big, and it's so tiring to clean his mess every time because the smell of cat urine is so hard to get rid of.

P.S I tried spraying perfume in front of my bedroom door but he just changed his spot not so far away from my door lol.

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 24 days ago

Among all the FRIENDS characters, who do you think would have enjoyed living in this current time?

In my opinion, I think it would be Joey and Monica. Joey would have enjoyed content creation and vlogging since he's having difficulties becoming an actor and instead he explored the world of content creation. He would probably be chronically online and I think, people on the internet would have loved him. While Monica would have enjoyed all the advanced cleaning products that we currently have since everything about technology is already advanced.

On the other hand, I think Phoebe would be living worse and would probably live as an activist. She would fight for her beliefs and every wrongdoing she noticed.

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 27 days ago

Anong sign niyo na NAGIGING toxic na yung workplace?

For me - hindi na nag seseryoso yung mga top performers or late at wala na pake yung mga ka-work na never mo nakitang pumasok ng late before lol.

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 1 month ago

OA lang ba ako if I am currently convincing our other relatives to cut off this specific side of our family dahil sa galit ko sa kanila?

For context, I have an aunt na ubod ng sama ang ugali. Minumura niya 'yung sarili niyang nanay and would often leave her alone sa bahay nila considering na my lola is already a senior at may sakit pa. Hinahayaan niya na yung kama ng sarili niyang nanay is napupuno nalang ng ihi. Hindi man lang napapalitan yung sheets, diaper, at damit niya. Kapag pupuntahan namin siya, mabaho at madumi siya. Ang worse pa dun, hindi naman nabibigyan ng maayos na meal tapos pinagnanakawan pa niya ng biscuits at pera yung nanay niya. Yung specific tita na 'to is actually living in her own mother's house tapos dinala niya lahat ng anak niya at asawa niya sa bahay na 'yun. Lahat ng apo ng lola ko sa kanya is also not being responsible sa pag aalaga sa kanya.

Actually, ang hirap nga i-compose ng gusto kong sabihin ngayon kasi hindi lang ito yung main na kinagagalit ko sa kanya. She's the worst person you'll ever meet. Ni isa sa mga anak niya wala siyang pinag tapos at walang pina aral. Lahat ng pag papaaral sa mga anak niya ay gastos ng sarili kong nanay. Mahilig manloko 'tong tita ko na 'to. For example, mag papa ospital siya tapos gagawa siya ng pekeng resibo stating na ito yung amount na kailangan niya and would ask help sa family to help her with her "hospital" bills tapos only to find out na fake apla yung receipt tapos nakalabas na siya ng ospital. Yung mga anak niya wala ring difference, kung gano kasahol ugali ng magulang ganun din sila lumaki.

Sa tinagal tagal na gagawa siya ng kagaguhan samin, patatawarin siya tapos uulitin niya lang ulit. Ako, simula bata ako wala na siyang amor sa'kin. Galit pa ko sa nanay ko at mga iba kong tita at tito na pinapatawad siya dahil lagi kong sinasabi sa kanila na ginagawa nilang mga tanga yung sarili nila at hindi nakakaawa yung sitwasyon ng kapatid nila na pinili naman 'yung ganung buhay. Ubod pa ng sinungaling tipong lahat ng kawalang hiyaan na ugali sa mundo ay nasalo niya lahat. Now, recently she did something that effin hit my nerve. Inaway ng pamilya niya ang nanay ko.

That pushed me to really speak up like as in so fucking loud na tipong kahit alien sa mars maririnig yung galit ko dahil ako ay punong puno na. I messaged all of them pero I still tried my best na wag silang murahin para malaman nila na maayos pa rin akong pinalaki ng magulang ko. After that, I blocked all of them tapos I talked to my mom and told her to cut her connections with them for good. I also told her to tell our other relatives the truth like every little shitty thing that she did to our family, let them know para maging aware sila gano kasahol yung tao na 'yun. I even wanted to expose her son who's actually an SK dahil ang lakas ng loob na paringgan yung nanay ko sa facebook. Sa sobrang inis ko talaga, I gathered yung iba naming relatives to also tell them to cut them off because they're fucking toxic.

I am now reflecting if I did the right thing by telling others to ignore them and wag na silang tulungan ever. Well, I know they deserve to suffer because of everything that they did but I don't know if it's too cruel. Pero hindi ko rin talaga maiwasan magsalita ng something bad dahil sa galit ko talaga sa kanila na patong patong na.

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 1 month ago

What the hell is happening to kids these days?

I came across this post sa facebook. Grabe, ang lala ng mga batang 'to. Ano nangyayari sa mga bata ngayon at bakit laganap yung ganitong behavior lately? Aside from the viral Tacloban School Shooting, ito naman danger to the other students na makaka encounter nila. WHERE ARE THE ADULTS? I know talamak ang social media ngayon pero ang isa pang iniisip ko, yung mga ganyang baril at other weapons na hindi madaling mahagilap saan nila nakukuha?

Jusko. Laganap na ang krimen sa Pilipinas tapos dagdag mo pa ngayon yung mga batang ito na nasa murang edad palang ganito ang asta. Parang mas nakakagalit ang mga magulang dahil bakit lumaking ganyan ang mga anak nila. Nakakatakot para sa future ng mga ibang bata na pwedeng madamay sa katarantaduhan ng mga ganitong bata.

u/Personal_Bus_4466 — 1 month ago

Ang dugyot ng mga upuan sa Accenture. 🥲

Wala naman ako problema sa mga utility pero di ba nauutos sa kanila na linisan yung mga sofa or upuan sa CP1? Grabe sobrang dugyot ng upuan sa 21st at 25th floor. Napaka raming stain na at parang ayaw mo na upuan sa sobrang dumi kasi makikita mo yung bakat ng dumi. Yung ibang stain hindi mo pa alam kung anong klaseng stain kasi minsan may kulay brown pa haha.

Kailan kaya malilinis yun? Kahit yung mga sofa nila sa lobby ang dumi na rin at daming stain. Minsan maaamoy mo yun medyo mabaho parang amoy naluma sa loob ng baul. Sa tinagal ko sa RTO hindi ko pa nakita na nalinis yun kahit isang beses.

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 1 month ago

My neighbor's dog has ticks.

Hi, I might need some advice paano ko i-sasuggest sa kapitbahay namin na bilan ng gamot yung aso nila para mawalan ng kuto/kato. A little backstory and context lang, bagong lipat kami sa bagong gawa na bahay and ilang weeks palang kami rito. Nung una, okay naman lalo na yung mga aso namin wala naman akong nakikitang kakaiba. Pero few days ago when I decided na i-shave sila, nakakita ako ng kuto na nakakapit sa kanila. We currently have 3 dogs and yung isa is medium size kaya nahirapan akong i-check yung buong katawan kung meron pa. Ngayon nag check ako ulit at meron nanaman sa dalawa kong aso.

Pinag tataka ko lang nung una, saan kaya nila nakuha yun knowing na yung nilipatan namin na bahay ngayon is bagong gawa so kami palang ang unang tenant na titira. Nasabihan ako ng kapatid ko na sure siya na galing yung mga kuto sa kabilang bahay since sila lang yung may aso sa side kung saan nakatayo yung tinitirahan namin na bahay. Townhouse kasi ito so dikit talaga at magkabilaang pader lang kami nung neighbor namin. Saka walang spacing yung pagkakatayo nung mga bahay kaya literal na magkaka dikit kami ng mga bahay.

Praning kasi ako sa mga kato or kuto ng aso dahil madami ito manganak at knowing na ang laki ng bahay na tinitirahan namin mas nakakapraning dahil pwedeng kung saan saan lang 'to pwede tumira or magsiksik. Aside from dogs, may iba pa kaming pets na pwede pamahayan nung mga ticks kaya asar na asar ako at gusto ko sabihan yung kapitbahay namin pero ayaw ko naman mag tunog rude. Paano ko ba sasabihin sa kanila? 🥲

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 1 month ago

Telus employees - I have a question.

Meron bang content moderation sa Telus? Balak ko kasi mag apply kung sakali. Salamat sa mga sasagot 💖

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 1 month ago

Any companies in antipolo na hiring

Hello! I am desperately trying to find a job around here in Antipolo. I just moved here months ago and marami na akong na-applyan na other offices and schools (as admin staff lang not a teacher) pero ni isa wala nag bigay ng feedback. I am posting here kung sakali lang na baka may mga companies here na may open. Ang hirap humanap ng trabaho ngayon. 🥲 Anyway, anv forte ko po ay sa field ng HR, admin staff, or any administrative work.

Maraming salamat! ❤️

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 2 months ago

Nag resign na ko. Di ko na talaga kaya management. Pero sinabihan ako na may kaltas ako since may dependent ako and 4 months daw yun since til september.

Sa may same experience, sobrang laki ba? Or gano kalaki? Ayoko na mag retract. Lugi na talaga yung pera ko rito sa company.

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 4 months ago

I don't know what to do right now or anong iisipin ko. Ito na yung 3rd application ko sa same agency since last year and yet, I failed again. Before ako pumasok sa call kanina, I was feeling confident which is usual tone at attitude ko sa interviews. Familiar na sa akin yung agency since may mga kakilala ako na nakapasa pero waiting sila sa client. Nung nakita ko kung sino mag iinterview sakin which is someone na may higher position sa agency nila, bigla akong kinabahan. Nag stutter ako for a bit and feeling ko ayun yung naging reason para mag fail nanaman ako.

Parang di ko na alam gagawin ko at this point ng buhay ko kasi napakarami ko na rin naapplyan pero ang hirap makahanap ng trabaho. Gusto ko na umalis sa company ko ngayon dahil pagod na pagod na ko sa commute at paulit ulit na gawain na wala namang career development tapos napaka baba ng sahod. Sobrang nafrufrustrate na ko sa buhay ko. I don't know what to do anymore. Sobrang disappointed na ako sa sarili ko.

Apektado na yung wellbeing ko masyado sa trabaho ko kaya nasabi ko na sa boss ko na may plano ako mag resign at nag hahanap lang ako ng malilipatan. Open naman siya at mabait tungkol doon. Di ko na alam haha parang gusto ko sigawan yung sarili ko. Noon, marami akong nakukuhang interview at nakaka pili pa ko pero ngayon na nagka experience ako parang mas humirap. Lord, ano po bang plano niyo sa akin? Gusto ko na makaahon sa sitwasyon na to. Gusto ko na maka ipon, gusto ko na magkaron ng bagong trabaho, gusto ko na maka tulong nang maayos sa pamilya ko na hindi ako nagigipit.

Minsan iniisip ko, hindi naman ako masamang tao. Hindi naman ako criminal pero ba't ganto nararanasan ko sa buhay. Parang ayoko na.

reddit.com
u/Personal_Bus_4466 — 4 months ago

Nakita ko itong post na ito sa facebook. Hindi ko alam bakit napaka raming animal abuse na nangyayari ngayon pero sana doble ang karma ng mga taong walang awa na pumapatay at nananakit nang sobra sa mga hayop. Hindi ko alam kung gano na ba kademonyo mga ibang tao ngayon. Siguro kaya sobrang init dito sa Pilipinas kasi maraming demonyo.

T*ng*na lang ng mga tao na ganito kasi hindi man lang sila nakakaramdam ng awa. Sana lang mas may maayos na proseso sa pagkaka kulong sa mga taong may ganitong pagkakasala para matuto. Kaso, kahit nga pala sa tao mahirap maatim ang hustisya rito.

u/Personal_Bus_4466 — 4 months ago