Tea House by Chona at SM
▲ 29 r/baguio

Tea House by Chona at SM

You can never go wrong with Tea House talaga. 😍 Their palabok merienda lauriat. 🤤

u/Regular_Dream6140 — 23 hours ago

Nilibre ko asawa ko tapos ininsulto pa ako

Gusto ko lang mag rant. Nakakadisappoint.

Nilibre ko yung asawa ko sa massage at foot spa. Tapos after that, kumain kami. Tapos sabi niya na nagpaparinig, gusto niya daw mag beach e sabi ko sa next sahod na. Sinabi kong ayoko nang galawin yung pera ko para may savings din ako. Sabi ba naman sakin sarcastically dahil di ko pinagbigyan, "savings tapos may pamassage at foot spa ka pa?!"

Di ko pinapakialaman sahod niya as long as binabayaran niya yung responsibilities niya (rent) tapos sa kanya na lahat ng sahod niya.

Nakakagigil. Samantalang kaya di niya magawa gusto niya kasi pinangsugal at alak niya yung sahod niya e natalo sa sugal tapos walang naiwan ni piso! Ako na naman inaasahan niya sa gastos! Ni hindi ko nga pinagalitan nung ginawa niya yon dahil pera niya. Sinabi ko lang na tignan tignan niya kasi para din may savings siya.

Napaka g*go!

reddit.com
u/Regular_Dream6140 — 1 day ago
▲ 86 r/baguio

Ulan, kelan ka titigil?! 😭

Nung isang araw ko lang pinunasan tong bag ko, ngayon, ganito na naman! 😢

u/Regular_Dream6140 — 4 days ago
▲ 5 r/baguio

American guy insulting and saying racial slurs

This was posted by Nicole Judan on FB.

Nag gago daytuy nga tao. Where is this? He should be deported! 😡

facebook.com
u/Regular_Dream6140 — 5 days ago

Robitussin Max Strength

Meron po ba tayong ganito dito sa PH? Nag try ako magtanong sa St. Joseph, at Mercury, wala daw sila ganyan.

Kung wala, bakit wala?

Thanks po sa mga sasagot.

u/Regular_Dream6140 — 10 days ago
▲ 2 r/baguio

Caterpillar Shoes Boutique Store?

Do you know where the.Caterpillar Boutique Store transferred? Wala na siya sa Cedar Peak. 😭

Thank you!

reddit.com
u/Regular_Dream6140 — 23 days ago

Yung nanay ko pa may ganang magsabi na wala akong silbing anak

I wrote about my stepmom here: https://www.reddit.com/r/OffMyChestPH/s/0G8Kc6VMtX

Now, I want to share about my biological mom. I'm in my 40s now pero I just wanted to share this kasi lately, lagi ko naiisip. Siguro dahil it was never acknowledged by the people involved or anyone else really. Or siguro I need to go to a therapist na din to process everything.

Yung nanay ko, she left me when I was 2. Naging adik siya for how many years. Bumalik nalang siya nung hayskul ako. No communication nung time na wala siya so hindi namin alam kung nasan siya that time.

Akala ko pagbalik niya, magiging savior ko siya sa stepmom ko. Turns out, mas malala pala siya sa stepmom ko. She had a lot of partners pagbalik niya. Papalit palit. Her partners were never the issue. Actually, mababait sila. She would leave them tapos hahanap na naman ng iba or may ipapalit agad na iba. Now, yung partner niya na last, mas tumagal na. They've been together for years na din. Bilib din ako na tumagal sila sa tatag nung lalake.

We never really lived in one house. I stayed at my papa's side.

Ang pinakaworst na ginawa niya sakin, pinagkakalat niya sa relatives na kaya daw ako nagkakapera e dahil nagpapagalaw daw ako sa mga lalake at nagpapabayad kahit aware asawa ko.

Meron din yung time na sinabi niya sakin (I was a rebelde when I was younger), na wala daw akong silbing anak.

Meron din yung time na nagbigay siya cellphone samin ng asawa ko. Maya't maya, gusto niya ibalik namin (after a month) at sinabing pag di namin ibabalik, ipapapulis kami.

Meron din yung time na siniraan ako sa mga relatives ko sa father side. Dinate niya yung mga kaclose kong pinsan. Hindi ko alam mga sinabi niya sa kanila pero hanggang ngayon, di na ako kinakausap ng mga pinsan kong yun. 😓

Marami pa siya ginawa actually. Icing on the cake lang mga yan. 😢

Pati yung lola ko na nanay ng mama ko, sinabihan niya din ako na kung sino daw aaway ng anak niya, kahit ako, aawayin niya. Na parang ako pa talaga nangaaway sa anak niya. Ni hindi ko nga sinasagot nanay ko e.

Ang exhausting honestly. Nahihirapan akong magkaroon ng relationship sa mga kaibigan dahil natatakot akong mapagtaksilan. Wala na akong relationship sa nanay ko. I cut her off completely dahil ayokong pati mga anak ko e masaktan niya. They deserve better.

My youngest son asked me this lately, "Mom, how did you endure all that?" Kasi nagtatanong sila minsan bakit wala kaming relationship so nakwekwento ko. At dun ako napaisip.

Sorry ang haba. Gusto ko lang talaga ilabas and be seen. Thank you for having the time to read.

reddit.com
u/Regular_Dream6140 — 1 month ago

Sinulat ng stepmom ko sa Will niya na wag akong mag attend ng wake niya

I was 19 back then. Kinasal sila ni papa nung Grade 3 ako. Eversince e hindi niya talaga ako gusto.

I am in my 40s now but every time I think about that, it still stings. Imagine, mula nung Grade 3 kako hanggang nung namatay siya, kasama niya si papa sa iisang bahay. Tumira ako sa mga tito at tita ko. I would only get to see yung tatay ko every 2 weeks if at that. E iisa namang city kami nakatira.

Nung namatay stepmom ko, I was living alone na. Pinuntahan ako ng tatay ko to tell me na hindi ako makakapunta sa wake ng stepmom ko kasi meron akong sore eyes that time. Baka daw kasi mahawa ko mga bisita.

Tapos after a few months, nakita ko pinsan ng stepmom ko. Sinabi sakin na kaya pala ganun sinabi ni papa kasi nakasulat sa Will niya na bawal ako pumunta sa wake at burial niya.

reddit.com
u/Regular_Dream6140 — 1 month ago
▲ 1.2k r/DigitalbanksPh+2 crossposts

Windows 7 pa din ang gamit nila. 😅

Kaya pala ambagal. Sabi ko dati e dapat itaas ang ram. Di pala ram ang problema. 😅

u/Regular_Dream6140 — 1 month ago

My Heart is Full

Gusto ko lang ishare.

Nagkwekwentuhan kami ng mga anak (all boys) ko. Natanong nila tungkol sa childhood ko and paano kami related sa mga relatives namin ganyan ganyan. Tapos natanong nila tungkol sa lolo at lola nila (tatay at nanay ko). Namention ko na nagasawa ang tatay ko ng 3 times pero lahat sila (including yung biological mom ko) were abusive to me and did not like me. It was a lonely childhood since wala din akong mga kapatid.

Biglang sabi ni 11 years old, "mom, you might not have had good mothers but you are the best mom." Dinagdag din ni 13 years old, "mom, you've broken the cycle."

Natuwa lang ako kasi I always question myself if I am a good mom and I heard from the kids that they appreciate me.

I am grateful. 😊

reddit.com
u/Regular_Dream6140 — 2 months ago