ABYG dahil may sama ng loob ako sa nanay ko dahil hindi na niya ako financially sinusuportahan sa college?

College student ako ngayon. Wala na akong natatanggap na regular na pera mula sa parents ko para sa pagkain, pamasahe, school expenses, o kahit baon.

Ang natatanggap ko na lang sa kanila ay yung bahay na tinitirhan ko at yung kuryente at tubig. Appreciated ko naman yun, at alam kong malaking bagay din yun. Pero at the same time, parang nakakaramdam ako ng kakulangan ng support kasi okay naman sya sa kapatid ko at sa kuya kong may sinusustenhan pang anak.

Minsan nagwo-work ako bilang motorcycle taxi rider para magka income kapag walang schoolworks. Ang iniisip ko sana sa kinikita ko ay para sa savings ko at sa mga bagay na gusto kong bilhin. Pero dahil wala naman akong baon o regular na pera para sa pagkain at ibang daily expenses, napupunta rin yung kinikita ko sa necessities.

Kaya minsan naiisip ko, sana kahit maliit na amount lang yung binibigay nila para sa pagkain or school expenses. Hindi naman ako naghahanap ng malaking allowance o gusto kong sila ang sumagot sa lahat. Gusto ko lang sana magkaroon ng konting financial support para mas makapag-ipon ako ng pera na pinaghihirapan ko.

Dahil dito, nakakaramdam ako ng sama ng loob sa nanay ko. Minsan naiisip ko rin na kapag graduation ko na, ayoko silang imbitahan. Parang may part sa akin na nagsasabi na, “Ako naman ang nagtrabaho at dumiskarte para sa sarili ko habang nag-aaral, kaya bakit ko pa sila kailangang isama sa achievement na pinaghirapan ko?”

Pero at the same time, guilty din ako kasi hindi naman nila ako pinabayaan completely. May bahay akong inuuwian at sila ang sumasagot sa kuryente at tubig.

Kaya hindi ko alam kung valid ba yung nararamdaman ko o nagiging ungrateful lang ako.

ABYG kung nakakaramdam ako ng ganitong sama ng loob sa parents ko? At unreasonable ba kung ayaw ko silang imbitahan sa graduation ko?

reddit.com
u/kazuhatdog — 10 days ago

It is unfair that I have to work for things

3rd year na ako(M21) and sobra akong naiinggit sa ibang mga college students na hindi na need mag work to support yung sarili nila. Wala akong inaasahang monetary allowance for food at transportation sa parents ko kaya nag wo work ako and kahit papano free naman ang tuition fee namin and may 10k allowance per sem. Hindi naman sa pagiging ungrateful pero kasi hindi talaga enough para sa food pa lang. Ako yung una na makatapak sa tertiary education at makakapagtapos(hopefully) sa family namin kaya wala talagang nakapag bigay ng guide sa akin pagdating sa mga scholarship at college application man lang.

Nasayang pa nga isang taon ko kasi pag graduate ko ng SHS akala ko mag e enroll lang din sa college pero hindi pala ganun at iba ang proseso and nung nag apply ako ay entrance exam period na or waiting na lang ng list sa mga nakapasa sa entrance exam yung mga university na amin.
Naiinggit ako talaga ako ng sobra sa mga students na pagiging student at na e enjoy ang kanilang youth. Nagulat din ako na andami ko pala sanang pwedeng applyan na scholarship pero I wasn't aware na may mga ganung bagay. Napapagod na ako. Gusto ko din maging student at makasali sa mga extra curricular activities at sumama sa mga friends after class para gumala or kumain. Nakakapagod at nakakalungkot po.

reddit.com
u/kazuhatdog — 1 month ago

What happened to my poco x7 pro?

The color of this phone is fine when it's booting up, but it changes when it's done.

I was on a mountain and it was cold up there, my phone was fine but I noticed that the color of my phone changed when I got home. I tried to put it in a freezer for a few seconds and the color went fine but it changed again after room temperature. I checked if i accidentally changed something on settings, but it is all on default. I am thinking of buying a new phone but I don't want to waste this phone.

u/kazuhatdog — 2 months ago

I am interested magpakabit / mag DIY

9 years na kami sa tinitirhan namin and gusto ko sana matulungan parents ko sa pagpababa ng bill namin since sa kapitbahay pa din kami naka konek and doble ang singil nila sa meralco, plus ang sinasabi ng hoa pag nanghihingi ng update sa meralco ay may mga papers pa daw na hinihintay and nawalan na ng gana sila mama.

Ang average consumption po namin ay 200kwh at hindi naman ganun kadami ang appliances namin. May isang AC sa kwarto ng parents ko na ginagamit nila pag tanghali then sa gabi ginagamit din minsan. Meron ding isang inverter na ref then puro ilaw na lang. Sa kwarto ko naman namin ng kapatid ko ay may PC and electricfan lang then the rest ng paggamit ng kuryente is pag charge nalang ng phones.

Gusto sana namin na makatipid kahit papano since mas mahal nga ang rate ng kapitbahay plus may mga times pa na nawawalan ng power sa gabi since madami din naka connect sa kanila just like any other homes na naka connect sa meralco.

Hindi ko po kasi alam kung saan magsisimula and na o overwhelm ako sa mga info kaya parang gusto nalang magpakabit pero ano kaya yung specs or set up yung maganda for consumption namin and ano kaya range ng budget for that? Thank you po

reddit.com
u/kazuhatdog — 2 months ago

pls hire me

hello po i(m21) am a 3rd yr student from taguig and sobrang need ko po talaga ng work. i can do data entry jobs, help you with errands, clean your place, pick up or deliver something. need ko lang po talaga at scholarship lang po ang natatanggap ko ngayon and hindi na po ako humihingi ng kung ano sa mama ko kasi sobrang nahihiya na po ako. sobrang broke ko na at walang natanggap sakin kapag nalalaman nilang student ako sa cv ko😭😭😭

price: 200 up

pls pls pls help me get a job

reddit.com
u/kazuhatdog — 3 months ago

bpo industry as 3rd year student

gusto ko(m21) po sanang mag shift sa industry na ito. dati po akong service crew then ngayon ay part time mc taxi rider ako at gawa ng nagmahal na ang gas at natatakot din ako para sa safety ko from accidents at mga masasamang tao ay gusto ko muna i try ang bpo.

15 units nalang po kami and may service naman po ako. kakayanin ko po kaya? okay lang po ba na magsinungaling na hindi ako student? salamat po

reddit.com
u/kazuhatdog — 3 months ago
▲ 0 r/baguio

Need lang po ng tips since first time po namin ng gf ko na pupunta ng Baguio before mag start ang sem

Bali nag iisip kami if motor nalang kami or mag bus pero iniisip namin baka mahirapan kami mag commute since di namin kabisado ganon and hassle ang commute based sa mga nakikita ko.

Yung tutuluyan namin is libre naman since may pinsan si mama don, medyo nakakahiya pero sila naman nag offer na mag sabi lang if pupunta para daw may matuluyan ganon kaya grinab ko na para makatipid.

6,000 lang budget ko for the whole 3D2N and buti nalang bumaba kahit papano yung gas naging 67 per liter and unleaded. Aware na din po ako sa coding and bawal ang motor sa session road. Ano pa po kaya ang mga dapat na malaman before pumunta? Medyo tight lang din kasi budget namin kasi broke college couple lang kami😭😭😭

reddit.com
u/kazuhatdog — 4 months ago

For sale insta360 x4 air starter bundle with memory card and other accessories

Complete starter bundle with

256gb memory card

Telesin crab clamp

Screen protector

Lens protector

​

With box

Bought april 2026

Price: 23,000

No issue pwedeng pwede sa maselan

​

New lower bicutan, taguig city

Fort bonifacio, taguig city

​

Unli test

u/kazuhatdog — 4 months ago

I want to start this side hustle(cleaning services)

I'm(M21) an incoming 3rd year college and delivery rider/mc taxi ako kapag walang klase. With the current gas prices ay gusto ko munang mag stop and look for an alternative. May incoming 30k plus ako plus 10k from scholarship and gusto ko bumili ng mga equipment like mga vacuum ganyan and gagamitin ko yung insta360 cam ko pang document or pang content. Sobrang anxious ako kung what if masayang lahat. Sana maging okay lang. Kahit na isa lang sa isang linggo. Balak ko lang sana ilagay sa savings yung pera ko pero gusto ko talaga ng side hustle aside sa pag d drive ng motor at isa pa sobrang delikado ang kalsada. Nakakakaba😭😭

reddit.com
u/kazuhatdog — 5 months ago

on and off feelings

bakit ganun minsan sobrang hyper ko naman pero dadating na naman sa point na wala akong gana makipag usap kahit kanino at nalulungkot ako ewan ko. gusto ko lang maintindihan sarili ko pero kapag magpapa appointment na ako ay parang ayoko na or feeling ko hindi ko naman na need pero may mga ganto namang pagkakataon na gustong gusto ko ng tulong o makakausap man lang pero di ko alam

reddit.com
u/kazuhatdog — 5 months ago
▲ 4 r/TaguigCity+1 crossposts

8-9 years na walang linya ng tubig at kuryente

Almost a decade na din po simula nung nakabili na lupa at nagpatayo ng bahay ang parents ko dito sa Taguig Community HOAI. Magmula din po nun ay nagbayad din ang parents ko sa HOA para mapakabitan ng sariling linya ng tubig at kuryente ang bahay kaso sobrang tagal na and palaging sinasabi is mag wait lang. Ang problema ay naka connect kami sa ibang bahay at doble ang rate nila sa mga service provider na meralco at manila water, and pagdating sa tubig ay sobra ding mahina since madami din ang naka connect sa kanila.

Ano po kaya ang pwede kong gawin para magkaroon kami ng sariling linya ng tubig at kuryente? sobrang hirap po gumalaw at maglinis ng bahay kapag gabi lang po nagkakaroon ng tulo sa gripo tsaka antaas din ng rate ng kapit bahay kumbaga ginagawa na nilang negosyo to pati ng iba pang nag papa connect.

reddit.com
u/kazuhatdog — 5 months ago