just want to ask this again, pahelp po
Pinahiram ako ng friend ko ng 30k noong nagipit ako sa hospital gamit ang bpi credit card nya. Sabi nya magbayad na lang daw ako ng 4k per month, sa loob ng 12 months. Kaya lang nagkaroon ng problema noong nawalan ako ng trabaho at ipinaliwanag ko naman sa kanya. 3 months din akong hindi nakapaghulog at ngayon lang ako ulit nagkatrabaho. Sa tatlong buwan na iyon, sya muna ang nag abono ng dapat ay hulog ko. Basically, 48k ang kailangan kong mafulfill within 12 months according to her. Bago ako mahinto sa paghuhulog ko, nakapagbayad po muna ako ng 24k.
Gusto ko lang malaman magkano ba yung usual na interest ng bpi cash loans, or credit to cash or kung anuman po yung tawag don. Wala lang talaga akong idea, sinubukan ko kasing itanong yung original na interest na wala pang patong nya, pero ang sinabi nya is 5% daw talaga. Nagtry akong magsearch online and also gumamit ng AI at wala daw ganoong offer sa bpi na 5% yung interest. Please, help me po. I really want to know dahil gusto ko pong makapagsettle na sa kanya at makipagnegotiate dahil di ko na po kaya ang 4k a month. Hindi din nya sinasabi directly magkano ba talaga yung original na interest.