“I want you to eat cake”
So kahapon, inutusan ako ng tita ko to buy cake sa Red Ribbon kasi nag graduate yung anak nya. Pag punta ko sa Red Ribbon, grabe napalunok ako don sa Ube and Cream na cake roll kasi parang ang sarap. ₱499 yung price nya.
But I need to buy a cake na pwedeng lagyan ng dedication, so ang binili ko is yung chocolate. Di naman ako kumain kasi ayoko non sobrang tamis. Pero di mawala sa isip ko talaga yung Ube Cake. Sabi ko “e ang mahal, pag nag ₱100 OFF yun bibili ako.”
So kaninang umaga, inutusan naman ako ng Nanay ko to buy cake again, birthday naman ng Tatay ko. Dadalin namin mamaya sa libingan nya, mag picnic kami. And guess what, naka ₱200 OFF yung Ube Cake HAHAHAHAHA.
I wa planning to buy lang sana yung tig 399 kasi ayun lang pasok sa budget ko kasi bibili pa akong pancit 😜
What’s meant for you talaga e noh. Bye thanks for reading. Kain muna ako 😝