ANG HIRAP MAGDIET!!!!
Haha. Vent lang malala.
Naka-GLP-1 na ako pero ang lala pa rin ng food noise ko. I have the option to increase my dosage naman pero as per my doctor, huwag ko raw itaas hanggang sa kaya ko tiisin. Di daw kasi maganda yung itataas ko agad dahil possible na mawala agad yung talab dahil masyado na akong umasa sa meds. And ang goal naman talaga ay change of lifestyle, hindi umasa sa magic ng gamot.
This Tuesday, ang lala ng stress eating ko. I gained 1kg (water weight lang naman) dahil ma-sodium kinain ko (ramen at canned corned beef).
Kahapon, puro ako inom ng tubig to flush out the water weight. Kaso sobrang busy ko, bigla akong nag-McDo for fast meal. E di sodium na naman. Pasok pa rin naman sa macro ko pero yung sodium kase.
So ngayon, magwa-water fast ako muna. 24hrs, so makakakain ako mamayang 3pm, but I’m considering making it 36 hrs na.
Tapos bigla kong naalala, may Staycation nga pala kami bukas and plan namin mag-dinner sa Vikings.
Di naman talaga ako super takaw. Pero stress eater kase ako, at iyon ang sumasabotahe sa progress ko. Tapos comfort food ko, maaalat at matataba pa kaya kahit hindi naman marami ang volume, sobrang dense pa rin sa calories.
Well, laban lang. malaki na rin naman na ang progress ko since nag-start ng journey. And ngayon, I’m learning new coping mechanism naman na. But ayon, may days kase na nagrerelapse ako, and I often go back to stress eating.