My boyfriend’s mom has been cold to me from the start and makes my Nursing journey feel like a competition with her son

I just need to get this off my chest because this has been bothering me for a while.

From the very beginning, I already felt like my boyfriend’s mom didn’t like me. She’s always been cold toward me. Hindi naman siya directly rude, pero ramdam mo talaga yung pagka-cold and the way she talks to me sometimes feels like she’s looking down on me.

Now that I’m starting Nursing, mas napapansin ko.
She’s made comments about Nursing na parang hindi niya talaga ako nakikitang kakayanin. She would say things like, “Kaya mo ba talaga yan? mukhang mabagal ka kumilos at reklamador eh” and point out how difficult Nursing is, parang kailangan niyang ipaalala sa akin na mahirap yung pinili kong course. May times din na parang she’s already expecting me to struggle or eventually give up.
Maybe it sounds harmless kapag sinabi lang yung words, pero iba talaga yung tone. It doesn’t feel like concern. It feels like she’s questioning whether I’m capable enough.

And honestly, I feel like she’s making me and her son a competition.

My boyfriend is very intelligent, but he doesn’t even want Nursing. It’s not his dream, and I completely respect that. I chose Nursing because I want it for myself. I’m not trying to prove that I’m smarter than him or that I can do something he can’t. But with his mom, parang there’s always this comparison. Gusto nya kasi yung nursing para sa bf ko. Parang she needs to establish that her son is smarter or more capable than me. And I hate that because I never saw him as competition in the first place.

Sometimes I even wonder if she feels insecure about me because I’m pursuing Nursing while her son chose something else. I don’t know. Maybe I’m wrong about her intentions, but when someone has been cold to you from the start, then keeps making comments that make you feel incapable, it’s hard not to notice.

I’m literally just starting college. I already know Nursing is going to be hard. I don’t need someone constantly making me feel like I’m not capable of doing it.

I just want to study, survive Nursing, graduate, and become a nurse. I don’t want to compete with her son. I don’t want to compete with anyone.
I just wish she would stop making me feel like I have something to prove.

reddit.com
u/UpperKey5821 — 1 day ago

FUCK SISTERS I HATE MY SISTER SO MUCH

Why the fuck do some older sisters hate their little sisters so much?

Like genuinely, anong problema mo sakin?
I literally did NOTHING to you. Wala akong ginagawa sayo, hindi ako nakikipagsagutan, hindi kita pinoprovoke, hindi kita ginagalaw. I don't even fucking talk back to you. Pero somehow, lagi mo pa rin akong sisigawan, minsan pinipisikal mo pa ako, and you act like my existence is some kind of inconvenience to you.

Minsan ngingitian lang kita and babalikan mo ng taray at masamang tingin. Like??? Anong kasalanan ko? Bawal na ba kitang ngitian ngayon?

And whenever you know na nasa bahay ako, bigla kang magwawala. Kinakalabog mo yung mga gamit, sinasara mo nang malakas yung pinto, nag-iingay ka on purpose. Para saan? Para iparamdam sakin na ayaw mong nandito ako?

Do you even realize how fucking exhausting that is?
I've literally become traumatized by your footsteps. Kapag naririnig kitang papalapit, kinakabahan na ako. I already expect the yelling, the attitude, the fucking aggression. Imagine being scared of your own sister just because you don't know what mood she's going to be in.

And no, I don't hate you for no reason. You gave me every reason to stop respecting you. I used to respect you because you're my older sister. Pero ngayon? Wala na. As in zero. I don't even recognize you as my sister anymore.

And I don't care if people think that's disrespectful. Respect is not something you're entitled to just because you're older than me. Especially when you don't even treat me like a human being, let alone your own sister.

I can't fucking wait to get out of this house.
I can't wait until I don't have to hear your footsteps anymore. I can't wait until I don't have to wonder if you're going to yell at me or start another fucking scene just because I'm home. Once I get out, I'm cutting you off. I don't want a relationship with you anymore. I don't want to pretend we're sisters just because we're related.

You lost me a long time ago.

And the saddest part? I never even did anything to you.

I just existed.

reddit.com
u/UpperKey5821 — 10 days ago
▲ 3 r/Bicol

Naga View Adventist College na sobrang bulok ng pamamalakad.

Since matagal na akong graduate sa school na ’to, dito na ako maglalabas ng sama ng loob. Kupal na school ’yan.

Unang-una, sobrang toxic ng environment. Lahat na mae-encounter mong estudyante, mapa-high school at college, sobrang plastic. Mga feeling entitled, feeling superior, tsaka naturingan pang banal. Ang susungit ng ibang college students, kala mo kung sino. Ang babastos din ng pakikitungo sa faculty at kapwa estudyante, kala mo magkaka-tropa lang. May mga feeling superior, may mga bully, at may mga taong sobrang bastos at manyak kung umasta. Tapos yung ibang theology students, feeling superior naman dahil theology student sila. Akala mo dahil nag-aaral sila tungkol sa Diyos, automatic mas mabuti na silang tao kaysa sa lahat. Pero kung makitungo sa ibang tao, minsan kabaligtaran naman. Alagad ba ng Diyos ’yan? Kung puro panghuhusga, pang-iinsulto, bullying, pagiging bastos at pagiging manyak ang pinapakita, nasaan yung humility at respeto na dapat kasama sa pagiging Christian?

Next is yung mga teachers. Grabe ang favoritism at pamamahiya ng mga teachers diyan. May isang teacher mismo na pinatayo ako buong klase niya dahil may tinanong ako sa seatmate ko. Pinatayo ako sa harap ng lahat tapos sinabi na, “Pag nasa klase ko, dapat nakikinig.” Gets ko naman na dapat nakikinig sa klase, pero kailangan ba talagang patayuin ako buong klase para lang pagsabihan? Public humiliation talaga? Ang susungit rin ng ibang teachers kala mo naman ang gagaling magturo. Feeling competent pero kulelat naman. Ang taas ng confidence at attitude pero pagdating sa actual teaching, hindi mo makita kung saan nanggagaling yung yabang. Hindi lahat, pero may ilan talagang mapapaisip ka kung paano naging teacher. Isa pa, pedo na teacher na proud na proud ipaglantaran ang crush nyang menor de edad na estudyante. Nasaan ang professionalism mo? Wala na kami sa school na yan pero usap-usapan talaga last year. Kahiya. Teacher talaga yon?

May mga teacher rin na sobrang higpit sa rules kapag ordinary student ang involved, pero kapag favorite nila, biglang dedma. Rules are rules daw, pero apparently depende kung sino ang favorite.
Over ang favoritism. Kapag ibang student, violation agad. Kapag favorite, biglang may understanding.

Another is yung facilities. Private school tapos ganyan ang itsura ng school? Konti na lang, aamagin na buong school. Sobrang hindi justified yung binabayaran kumpara sa facilities at overall experience. Nagbabayad ng private-school tuition tapos may mga basic things na hindi mo maramdaman na properly maintained. Minsan mapapaisip ka talaga kung saan napupunta yung binabayad ng students. Pineperahan lang naman ba kami? Hindi ko alam kung saan eksaktong napupunta ang pera, pero bilang student, makikita at mararamdaman mo naman kung proportional ba yung binabayaran mo sa quality ng nakukuha mo.
Yung ibang admin naman, puro buwaya ang dating. Ang higpit sa students, ang daming rules at requirements, pero kapag students na ang may concern, parang ang hirap makakuha ng consideration. Ang lakas mag-sermon tungkol sa discipline at values pero yung accountability at fairness, minsan parang nawawala. Tapos magsisimba, kala mo kung sinong mga banal. Ang daming sermon tungkol sa pagiging mabuting Christian, pagiging respectful, pagiging humble, etc. Pero kapag nakita mo yung actual na pakikitungo ng ibang tao, sobrang layo.

At honestly, that Christian school made me lose my faith instead na palakasin ’yon. Hindi dahil mali ang Christianity, kundi dahil sobrang nakakawalang-gana makita yung hypocrisy. Ang hirap maniwala sa mga values na ipinapangaral kapag mismong mga taong dapat kumakatawan doon ang nakikita mong gumagawa ng kabaligtaran.

Yung dorms naman, sobrang lala. As someone na naka-experience ng dorm, sobrang OA na ng rules. Bawal lumabas, limitado ang oras, ang daming restrictions. Naiintindihan ko yung safety, pero minsan parang hindi na estudyante ang turing sa amin. Tapos yung cafeteria? Pangit ang servings. Ano ine-expect niyo sa students? Nasa bukid na nga yung school, tapos pangit at limited pa ang pagkain sa loob, tapos sobrang higpit pa sa paglabas. Saan kami kakain, sa damuhan?

Natural lang na lalabas ang students dahil walang makain sa loob. Hindi lahat ng gustong lumabas ay pasaway. Minsan gutom lang talaga. Ang problema, ang daming rules pero hindi naman realistic sa actual situation ng students.

At paulit-ulit talaga yung pattern: sobrang higpit sa ordinary student, pero kapag favorite, biglang okay. Sobrang daming sermon tungkol sa respect pero may pamamahiya. Sobrang daming sermon tungkol sa morality pero may bullying at pambabastos. Sobrang daming sermon tungkol sa pagiging Christian pero ang daming hypocrisy.

Graduate na ako, kaya wala na akong kailangang pagtakpan. May mga naging mabuting tao sa akin doon at may memories akong pinapahalagahan, pero hindi ibig sabihin nun na kailangan kong magpanggap na maganda lahat ng experience ko.

Kaya eto na talaga:
Toxic ang environment. Plastic ang maraming tao. May feeling superior. May bullying. May mga bastos at manyak. Grabe ang favoritism. May teachers na mahilig mamahiya. May teachers na feeling pero kulelat naman magturo. Pangit ang ilang facilities. Hindi justified ang binabayaran. OA ang dorm rules. Pangit ang cafeteria. At sobrang ironic na Christian school pero ang daming hypocrisy.
Hindi porket private school, automatic maganda.
Hindi porket Christian school, automatic mabuti ang environment. Wag na wag mag eenroll dito. Sana mapasara na to HAHAHAHAHA NO WONDER DI SIKAT NA SCHOOL SA NAGA AT 60 YEARS NA DI PA RIN NAG IIMPROVE. MAG SARA NA KAYO!

reddit.com
u/UpperKey5821 — 12 days ago
▲ 2 r/Bicol

Where po kukuha ng bsn lanyard sa amec?

hello po, ask ko lang po if saan po kukuha ng bsn lanyard sa amec? kasabay na po ba sya sa release ng id or anytime po pwede makuha? thankyou!

reddit.com
u/UpperKey5821 — 17 days ago

wala daw pang tuition yung mga nasa state universities

Context: Very na off ako sa friend ko kanina cuz may pinakita akong post ng fb friend ko, i proudly told him na “hala nakapasa pala si ano sa **” and then he just went off and said “mga wala lang yan pambayad ng tuition kaya proud” WTF? he’s my friend pero for the first time, hindi ako natuwa sa attitude nya 😭 welp… both kami hindi nakapasa dun sa univ na yun so nag enroll kami sa private school. no issue naman yun saakin and natutuwa ako pag may nagppost about sa universities they got in pero di ko talaga inexpect friend ko na sabihin yun 😭

reddit.com
u/UpperKey5821 — 21 days ago

ABYG kasi nagalit ako because my bf lied about not watching p0rn dati?

we were in a call tapos na open up ko yung topic na yun, i asked him kung nanonood ba sya ng p0rn sa telegram noon (before naging kami) and he kept denying but i alr know the truth cause nabasa ko sa convo nila nung friend nya before. I caught him lying so ang sabi nya ayaw nya daw sabihin cause na baka ma uncomfy daw ako. I said you still lied tas binabaan nya ako ng call kasi nainis na sya. Tapos nung sa chat, sya daw na uncomfy and nahiya i-admit. I’m not mad because he used to do that, i’m mad because he lied again. May same situation na before na nagsinungaling din sya. ABYG if nagalit ako sa maliit na bagay?

reddit.com
u/UpperKey5821 — 28 days ago

I wish I was the eldest instead of watching everything fall apart

I'm 18 (M), and I don't usually open up like this. Pero sobrang bigat na kasi. I just need to get this off my chest. Pls don’t post this sa ibang platform.

We live with my aunt and uncle's family. Over the years, I've watched their lives slowly get better. My cousin recently passed the Bar Exam. Lawyer na siya ngayon. His sister finally got a decent job, and their youngest is about to graduate senior high school. They're finally at the point where they can give back to their parents and spoil them after everything they've sacrificed.

Another uncle of mine has his own business. They're financially stable, and both of their kids are studying in a good school.
I'm genuinely happy for all of them. I really am. I witnessed all the hard work they put in. They deserve every blessing they have now.

But every time I see them succeeding, I can't help but look at my own family. And it hurts.

My dad is a jeepney driver. Every single day, he spends hours on the road just to earn enough for us to survive. My mom is a housewife who's been taking care of my bedridden grandfather for years. She barely gets to rest. She spends almost every day taking care of someone else's needs before her own.

Then there's my siblings.
My older brother has a job, but he's a minimum wage earner and most of his salary ay napupunta muna sa mga bisyo nya. Minsan nagagalit sya pag humihingi si mama. My sister graduated with a degree in Education, but she doesn't even try to look for work. Instead, she treats my mom like she's her personal maid. She orders her around, even while my mom is already exhausted taking care of my grandfather. Sometimes she even raises her voice at her.

Every time I witness that, parang may nadudurog sa dibdib ko. I don't understand how they can watch our parents struggle every single day and still be okay with doing nothing.

Minsan naiisip ko... bakit hindi nalang ako yung naging panganay?

Maybe if I were the eldest, matagal ko nang natulungan sina Mama at Papa. Maybe hindi na kailangang mamaluktot si Papa sa pagmamaneho ng jeep buong araw. Maybe hindi na kailangang ubusin ni Mama yung katawan niya kakapag-alaga sa lahat. Nakakasurvive lang kami dahil sa kakarampot na kita ni Papa at sa tulong ng tito ko. And honestly... nakakahiya. Not because my uncle helps us, but because I know my parents never wanted to depend on anyone.

Next month, I'll be entering nursing school. My uncle said he'll help with my tuition, and sobrang thankful ako doon and I am blessed enough to have an uncle na palaging willing tumulong.

But instead of feeling excited, I'm scared. Terrified, actually.

Because I feel like I'm the last card this family has left. Parang wala nang Plan B.
If I fail nursing, I won't just disappoint myself. I'll disappoint my parents. I'll disappoint the uncle who's sacrificing his own money just so I can study. I'll disappoint everyone who's still believing that one day I'll be the one to lift my family out of this life.

My dad comes home exhausted from driving all day. My mom's hands are rough from years of taking care of everyone except herself. How much longer do they have to live like this? I don't want them to grow old worrying about bills. I don't want my father to spend the rest of his life driving a jeepney just because none of us made it. Ayokong hanggang sa pagtanda nya, nasa kalsada pa rin sya. I don't want my mother to grow old spending her entire life taking care of everyone else without anyone ever taking care of her. Gusto kong makitang nakakapagpahinga din si mama. Silang dalawa ni papa.

Sometimes I cry because I'm so scared that I won't be enough.
I'm scared that despite giving everything I have...I still won't be able to save them. Ang hirap maging mahirap.

Ma, Pa, mahal na mahal ko kayo. Antayin niyo lang akong makapagtapos, ha? Huwag muna kayong susuko. Huwag muna kayong mapagod. Promise, darating din yung araw na hindi na kayo mamamasada, hindi na kayo mag-aalala sa mga bayarin, at hindi na kayo matutulog na iniisip kung paano tayo makakasurvive bukas. Gusto kong mabawi kahit kaunti lang yung mga taong kayo yung nagsakripisyo para sa amin. Kayo naman yung gusto kong alagaan.

reddit.com
u/UpperKey5821 — 30 days ago

Tangina naman. 1 month na lang bago college, ngayon pa talaga ako nagka-chickenpox.

Pa-rant lang. Naiiyak na ako sa sobrang frustration.
1 month na lang bago pasukan tapos ngayon pa talaga ako nagka-chickenpox. Like... bakit ngayon pa? 😭
Incoming nursing student ako and sobrang excited ako sa fresh start. Matagal ko nang ini-imagine yung first day ko sa college. Tapos ito? Chickenpox.
Ang pinaka-kinakain ng utak ko ngayon yung possibility ng peklat. Hindi ko mapigilang mag-overthink. What if may scars pa rin pagpasok? What if sa mukha pa? Ang unfair lang ng timing.
Kakastart pa lang lumabas yung mga pox kaya alam kong mahaba-haba pa 'to. Sinusubukan kong hindi kamutin kahit sobrang kati kasi ayokong lumala. Pero grabe, sobrang frustrated lang talaga ako.
Alam kong may mas mabibigat na problema kaysa dito. Pero hindi ko maiwasang maiyak. Parang ang tagal kong hinintay yung college tapos isang buwan na lang, ito pa talaga.

reddit.com
u/UpperKey5821 — 1 month ago

Sobrang brutal at bigat ng narinig ko kanina, di ko alam kung pano ko ipprocess

Trigger warning. This happened kanina, otw kami ng tito at tita ko sa animal bite center because i got scratched by our cat, then nakasalubong namin yung elder ng church na pinagsisimbahan nina tita. Casual na usapan lang ng mga matatanda and random things hanggang nagtanong yung elder kung saan raw ba kami pupunta, kaya napunta ang topic about sa aso, rabbies, ganto ganyan.

What the CHURCH elder told us was so brutal. Sobrang saya nya pa na magkwento. Sabi niya, years ago may alaga daw silang aso na inaway ng ibang aso sa hometown nila, to defend their dog, he attempted na tagain yung isang aso but he missed, kaya ang nataga nya is yung buntot ng aso nila. naputol daw. sobrang nakakagalit yung nung narinig ko yun, pero what he said next ay mas brutal… after ilang days habang nagpapagaling yung dog, naapakan raw ng anak nya yung sugat (maliit pa daw yung anak nya that time) and nakagat nung dog. sobrang nag init daw ang ulo nya nun kaya ang ginawa nya, kumuha sya ng malaking tubo at pinag-papalo yung aso hanggang sa mapatay nya, grabe pa ang tawa nya habang nagkkwento na para bang walang bahid ng karahasan ang ginawa nya. I was just there, listening and couldn’t even say a word kahit yung tito at tita ko nakisama nalang and tumawa awkwardly. THE INNOCENT DOG NA WALANG KALABAN LABAN. PUTANGINA REALLY? NAGSASAMBA KA SA DIYOS TAPOS GANYAN LANG GINAGAWA MO SA MGA HAYOP? MALAMANG MANGANGAT YUNG ASO KASI NASAKTAN. KAPABAYAAN MO RIN BILANG TATAY KAYA NAKAGAT YUNG ANAK MO.

as of now, di pa rin mawala sa isip ko yung nangyari. sobrang nakakagalit at nalulungkot para dun sa aso. I wish people would be kind enough na wag saktan ang mga buhay na walang kalaban-laban sa karahasan.

reddit.com
u/UpperKey5821 — 1 month ago

What do you think were the wrong things that the people of Sodom and Gomorrah were doing to the point that God decided to destroy the entire city down? How bad do you think it really was?

reddit.com
u/UpperKey5821 — 1 month ago
▲ 1 r/Bicol

may affiliation ba ang nursing sa AMEC-BCCM???????

Hello po! Ask ko lang po if may plans din po ba ang AMEC na magpa-Manila for summer nursing affiliation, similar po sa ginawa ng DWCL? Thank you po!

reddit.com
u/UpperKey5821 — 1 month ago

pinost ako ng ex-friend ko na bigla akong cinut-off without any explanation sa song ni taylor swift na “dorothea”

context, nakita ko sa phone ng bf ko kasi mutuals pa sila nung ex friend ko na yun sa ig, naka story yung selfie namin with black and white filter tas yun yung song. nakaka confuse lahat. all for the drama nalang talaga e noh.

reddit.com
u/UpperKey5821 — 2 months ago
▲ 5 r/anoto

Ano ‘to? laging meron sa kwarto ko tas ambaho pag pinapatay (hindi masangsang pero mabaho)

maliit lang sya, parang kasing size ng kuto.

u/UpperKey5821 — 2 months ago

chatgpt took away my brain independence

it’s just so frustrating kasi parang hindi na gumagana ang utak ko pag walang chatgpt. mismong pag type ng replies ko pinapaayos ko pa sa AI and i’m scared na baka pagbalik sa school, hindi na gumana utak ko nang hindi naka depende sa chatgpt. i’m soooo lost. spent my whole senior high na puro AI ang may gawa ng requirements ko kahit sa research haaaays. mismong introduce yourself sa AI ko pinagawa and kung bakit yun yung napili kong program sa college. I just can’t form any words without the help of AI. It’s frustrating.

reddit.com
u/UpperKey5821 — 2 months ago

My entire friend group blocked me without any explanation

I had my group of friends since Grade 10. Close kaming apat because we studied in a boarding school, so we basically spent almost every day together. They became my support system for three years, and mas lalo pa kaming naging close nung senior high.

Ako rin yung laging nilalapitan nila pag may quizzes, essays (especially on-the-spot essays kasi puro chatgpt sila), or kapag may lesson na hindi nila maintindihan. Tuwing nagkaka-grade reveal kami, parang wala lang pag mas mataas yung sakin. Walang "congrats" o kahit anong reaction. Minsan tahimik lang sila o kaya biglang mag-iiba yung usapan. Samantalang kapag sila yung mataas, cinocongratulate ko naman sila at genuinely akong masaya para sa kanila. Iniignore ko nalang yung ganun kasi I genuinely considered them as my friends.

Then came Grade 12. During our educational tour, dalawa sa kanila halos hindi na sumasama samin. Lagi nilang kasama yung iba nilang classmates. Honestly, okay lang sakin kasi I was with my boyfriend most of the time. Pero yung isa naming friend na naiwan din, sobrang sumama yung loob. Ayoko naman siyang ma-feel na mag-isa, so instead na magkaroon kami ng oras ng boyfriend ko, sinama ko na lang siya sa date namin ni bf. Nagkaroon man ng tampuhan after, pinag-usapan naman namin so I thought okay na ang lahat.

Fast forward after graduation.
Nakikita ko palagi mga posts nilang tatlo na magkakasama mag cafe hopping, medyo nakakasama ng loob that time kasi before graduation ako yung aya nang aya sakanila na mag cafe kami, tapos ako pala yung di nila aayain. Napansin ko din na pare-pareho silang may IG notes na puro "fake," "plastic," at kung anu-anong patama. Tapos sunod-sunod din yung tiktok reposts nila tungkol sa "plastic na friend" at "friend na puro kalandian." may caption pa yan na naka mention names ng account nila tas nakalagay, “si ano oh hahaha”

Next day, when I checked their IG, blocked na ako.

Sobrang random. Wala akong maalalang ginawa sa kanila. Wala man lang nagsabi kung ano bang problema. Wala ring confrontation. Bigla na lang akong cinut off. Ang mas nakakainis, parang ako pa yung mas may dahilan para magtampo. Palagi ko silang tinutulungan sa acads, kapag may hindi sila maintindihan, tinuturuan ko sila. Kapag may essays, quizzes, o assignments, lagi akong willing tumulong.
Pag pumupunta sila sa bahay namin, sobrang bait ng pamilya ko sa kanila. Pinagluluto pa nga sila ni Mama.

Tapos yung makeup ko? Jusko. Halos sarili na rin nilang makeup kit sa kakagamit. Hindi naman ako nagdamot kasi friends ko sila.

Kaya hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang nila ginawa sakin yun.

Kung may nagawa man akong mali, sana sinabi nila. Tatanggapin ko naman yun at magsosorry ako kung kinakailangan. Pero yung magpaparinig sa IG notes at tiktok tapos ibo-block ako? Ang childish lang.

Ang sakit lang isipin na baka habang tingin ko sa kanila genuine friends ko sila, baka para sa kanila convenient lang ako. Convenient kapag may kailangan sa school. Convenient kapag gusto nilang tumambay sa bahay. Convenient kapag may gustong hiramin.

Pero nung wala na silang kailangan, ang dali na lang pala akong i-cut off.

Hanggang ngayon, wala pa rin akong idea kung ano ba talaga yung kasalanan ko. Part of me wants to know what I did wrong, pero another part of me feels like I deserve friends who would rather communicate than throw indirects and disappear.

reddit.com
u/UpperKey5821 — 2 months ago

ABYG dahil inaway ko yung mama ng ex ng bf ko?

Matagal na reply nang reply sa mga notes nya yung mama ng ex nya, sometimes binibring-up nya sa bf ko yung anak nya (which is ex ng bf ko). Ang ginawa ni bf, sinabihan sya na “Wag mo na po ako i-chat” since nagiging problem na nga saamin, after nun, ang reply ba naman sa bf ko, “hahahah i’m shooked! 🤪🤣” so nairita ako mga ses, ang ginawa ko is ako mismo nagreply ng “may gf na yung tao teh, wag kana mang gulo” sobrang napuno na kasi talaga ako, kahit nakikita nya naman sa mga posts ng bf ko na may bago na, panay pa rin ang pangangamusta at mention sa ex nya. Mind you, never nya na meet bf ko in person kasi internet love lang naman yung bf ko at anak nya lol.

After nun, nireplyan nya ako na “Gets kina ineng🤣🤣” what the hell sya. Gusto ko pagmumurahin pero may natitira pa namang bait sa katawan ko lol. ABYG kasi nawalan ako ng respeto or valid naman yung crash out ko?

reddit.com
u/UpperKey5821 — 2 months ago

iiwan ko na yung cat ko.

cuddling my cat right now, my ginger is an outdoor cat kasi. sa room ko lang sya nakakapasok dito sa bahay since ako lang nagpapapasok sakanya, mga bandang 6pm lagi na siya naka tambay sa window ng room ko, nagaantay na pagbuksan ko sya. super malambing nyang cat at ang funny nga kanina nung napagsabihan ko sya na palalabasin ko sya sabay pakita sakanya na maulan sa labas, gusto nya kasi umakyat sa bed ko and madumi sya kaya sa labahan ko nalang sya nilagay hahaha nag stay naman sya dun since very behave and napagsasabihan sya. sobrang na attach na ako sa pusa ko, ang problema lang is next month aalis na ako para mag college. wala lang, nagbbreakdown lang ako as of now and umiiyak while writing this post kasi mamimiss ko ang ginger ko. mamimiss ko na may nagaantay sakin sa bintana para pagbuksan sya at yung tunog din ng bell ng collar nya pag papunta sya saakin :((

reddit.com
u/UpperKey5821 — 2 months ago

Nasa oven si Anna

Bata pa ako nung kwinento sa'kin 'to ng lola ko. Kayo na bahala kung maniniwala kayo o hindi.

Kwento raw 'to sa kanya ng pinsan niya na may-ari ng isang karinderya noong dekada '90. Bata pa raw noon ang pinsan ni Lola nang mangyari 'to. Ang mga magulang pa niya ang namamalakad sa karinderya, at may dalawa silang katulong na sina Anna at Laura.

Pareho silang maganda, habulin ng mga lalaki, at sila rin daw ang dahilan kung bakit maraming kostumer noon ang karinderya, lalo na mga driver na dumadaan. Pero sa kanilang dalawa, mas kapansin-pansin daw ang ganda ni Anna.

Maayos naman ang samahan nila noong una. Tinuring pa nga silang parang pamilya ng mga magulang ng pinsan ni Lola. Pero ang hindi alam ng lahat, may alitan at inggitan na pala ang dalawa.

May isang pulis daw kasi na madalas kumain sa karinderya at nanliligaw kay Anna, na gusto rin pala ni Laura. Doon nagsimula ang mga away nila, hanggang sa nauuwi na sa pisikalan. Minsan daw, naaabutan pa sila ng tatay ng pinsan ni Lola na nag-aaway sa kusina.

Dahil napapadalas ang mga away nila, kinausap at pinag-ayos sila ng mga magulang ng pinsan ni Lola. Akala ng lahat, doon na matatapos ang alitan nila.

Pero isang araw, habang busy sila sa karinderya, may isang kostumer na nagbiro kay Anna kung kailan niya raw sasagutin yung pulis. Tumawa lang si Anna. Tapos sumabat si Laura.

"Kung ayaw niya sagutin, ako na lang ang ligawan niya. Sasagutin ko siya kaagad."

Pabiro man ang pagkakasabi, halata raw ang sarkasmo sa tono ni Laura.

Napikon si Anna kaya nagparinig siya.

"Naku, ganyan dapat ang panliligaw, pinapaantay. Hindi ako katulad ng ibang babae diyan na pabigay lang sa lalaki." Natahimik ang buong karinderya, alam nila kung sino ang pinapatamaan ni Anna.

Nagalit at napahiya si Laura kaya para makaganti, binuhusan niya ng tubig galing sa baso si Anna. Nag-away ang dalawa sa harap mismo ng mga kostumer, bagay na ikinagalit ng tatay ng pinsan ni Lola. Sinabihan niya ang dalawa na kapag ipinagpatuloy pa nila ang mga away nila, umalis na lang sila sa trabaho.

Kinabukasan, hindi na pumasok sa trabaho ang dalawa.

Galing noon sa palengke ang tatay ng pinsan ni Lola nang madatnan niya si Laura na nanginginig at umiiyak. Mas lumakas pa ang iyak nito nang tanungin niya kung nasaan si Anna. Sa dala na rin siguro ng konsensya, doon na siya umamin.

Noong gabing iyon, sinakal at paulit-ulit niyang pinagsasaksak si Anna.

Sa takot na makita ang bangkay, nilagay niya ito sa oven. Alam niyo yung tatlong palapag na oven na ginagamit sa mga karinderya? Doon niya raw nilagay ang katawan.

Hindi raw nagkasya.

Kaya pinutol niya ang magkabilang binti ni Anna.

Yung mga naputol na binti, hinalo niya sa gilingan ng karne. Ang mas nakakadiri, yung giniling na 'yon ang naihain na pala sa mga kostumer ng karinderya.

Agad na nagulat ang tatay ng pinsan ni Lola. Tumawag siya ng mga pulis at pinaimbestigahan ang kusina.

Pagpasok nila, bumungad sa kanila ang oven na naka-on pa rin.

Pagbukas nila... Tumambad ang sunog na katawan ni Anna. Wala na siyang buhok. Luto na rin ang balat niya.

Pero ang pinakanaalala raw ng mga nakakita ay yung amoy.

Sabi nila, parang amoy inihaw na baboy.

Pero sobrang lansa.

Sobrang-sobrang lansa raw, hanggang sa hindi na mawala sa ilong nila kahit makalabas na sila ng kusina.

Hanggang ngayon, ang alam lang daw ng mga tao sa isang lugar sa Bicol ay may serbedorang pinatay noon, pero ang hindi nila alam na ganito raw kalala at kabrutal ang sinapit niya.

Nakulong daw si Laura pero hindi na ito nabalita noon. Ang kumalat lang sa lugar ay may serbedorang pinatay. Yung totoong nangyari sa katawan niya, iilan lang daw ang nakakaalam. Ayaw na raw kasing ipaalam ng pamilya kung gaano kakrutal ang sinapit niya.

reddit.com
u/UpperKey5821 — 2 months ago