Ipaayos ang charging port or bumili ng wireless charger?

Problem/Goal: nagloloko yung charging port ng ip12 pro ko.

Context: Kahapon, nag start magloko yung charging ng phone ko. Noong ginamit ko yung anker charge ko, sabi "liquid has been detected in the lightning connector". pero di naman ako nag dagat or sure akong di naman siya nabasa. nagsearch ako and sabi baka raw sa moisture yun or something. Ayaw talagang gumana ng kahit anong charger so triny ko yung powerbank ko, and ayun, gumana na siya. But minsan nagloloko pa rin. Di ko alam kung paano yung way para mag work siya pero tinatanggal balik ko lang hanggang sa magcharge tapos palit palit ng angle ganun. Maybe mali yung ginagawa ko or baka mas lalo lang masira pero no choice ako kasi need ko na gumagana yung phone ko. Medyo tight ako sa budget ngayon so hindi ako sure kung papaayos ko ba yung charging port if yun ba ang may sira or bibili na lang ako ng wireless charger? Not sure din kung magkano yung paayos sa apple.

Previous Attempts: Nagtingin ako ng wireless chargers kanina pero naisip ko, gumagana naman yung powerbank ko, kailangan lang magtiyaga hanggang sa magcharge. Hindi rin kasi ako sure kung ano ba yung maganda so di muna ako bumili.

reddit.com
u/Waste_Editor5263 — 2 days ago
▲ 2 r/GlobeTelecom+1 crossposts

Need clarification on Globe at home 1699 / 1499

Hello! I just want to get an advise. I cannot get a hold of their customer service and hindi naman ako masagot nang maayos nung cs sa store. So 5 years ago, nagpakabit ako ng Globe at Home na 1699. According sa GlobeOne app, GFiber 1699 200Mbps UNLI daw ito. Now, nagpunta ako sa store kung pwede ba akong magpadowngrade to the lowest plan. And sabi sa akin ng cs, ang lowest na daw nila ay yung 1499 at 300Mbps. Nagtaka ako kasi bakit mas mataas yung binabayaran ko ngayon pero mas mababa yung Mbps. So tinanong niya ako if may landline daw bang kasama, so sabi ko opo. Tapos sabi niya, hindi na raw inooffer yun ngayon. So sabi ko sa kanya, does it mean pwede ko nang ipaputol yung landline and 1499 na lang yung babayaran ko? Sabi niya, yes daw pero dapat itawag ko sa #211.

Gaano ito katotoo? What is the best course of action? Hindi naman ginagamit yung landline pero hindi ako aware na pwede palang ipaputol na yun and just keep the internet. Pwede ko pa bang ipacredit yun? Although alam ko naman na kasama siya sa plan noong kinuha ko pero had i known na pwede palang ipaputol noon pa eh pinaputol ko na edi nakasave ako ng 200 pesos per month.

Thanks!

UPDATE: napa downgrade ko na po sa 1499 now. and yung phone, gagana pa rin daw siya pero magkakaron na ng regular charge. thank you po!!!

reddit.com
u/Waste_Editor5263 — 3 days ago
▲ 0 r/LawPH

Tama ba talagang kasama ang student managers and ball boys/utility sa pwedeng kasuhan sa Ateneo drowning case?

Inilabas na ng CIDG ang mga nirekomenda nilang imbestigahan sa nangyaring Ateneo drowning accident na ikinamatay ng 2 athletes nila. Sa listahan, may dalawang Student Managers at dalawang Utility/Ball Boys na maaaring kasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018. Nagpost rin ang anak ng isa sa mga Ball Boys na kinukwestyon rin ang listahan na ito. I want to understand, bakit sila kasama?

Also, possible rin bang makasuhan sa ibang kaso ang mga rescuers/resort owner if mapatunayan na may negligence on their end?

reddit.com
u/Waste_Editor5263 — 8 days ago

Best Samgyupsal Place near Dau Terminal / SM Clark for Solo Diners

Hi, can someone reco a samgyupsal place near these places na pwede for solo? Thank you!

You can reco other restaurants / buffet din!

reddit.com
u/Waste_Editor5263 — 10 days ago

Anong dapat gawin ng rider and customer kung sakaling marealize niya/nila agad na naipagswap niya yung order ko and order ng isa pang customer?

Hypothetically, in case na dumating yung order ko, and then hindi pa man nakakaalis yung rider eh narealize ko na agad na mali yung binigay niya sakin because of the size difference like for example bucket yung inorder ko pero yung binigay ay dalawang burger steak, dapat bang sabihin ko agad sa kanya yun? Anong dapat niyang gawin and dapat kong ipagawa sa kanya? What if nagalaw na nung unang customer yung order ko?

reddit.com
u/Waste_Editor5263 — 22 days ago

Ano usually yung signs na nakukuha niyo kapag may maganda or di magandang mangyayari sa inyo?

Meron ba? And lagi ba sa inyong nangyayari yun? May narinig ako before sabi kapag daw kinakabahan ka ibig sabihin hindi maganda yung mangyayari. Hindi ko matandaan exactly kung ganon nga.

reddit.com
u/Waste_Editor5263 — 1 month ago

Anong yung something tungkol sa mga magulang mo na nalaman mo lang noong naging adult ka na?

Not necessarily tinago but yung ngayon lang naikwento sa'yo ng magulang mo? Can be positive or negative.

Mine was, sinasaktan pala ng dad ko yung mom ko noon and muntik na niyang >!mapatay!< yung nanay ko kung hindi lang nakaharang yung lola ko.

reddit.com
u/Waste_Editor5263 — 2 months ago

I used to think na bakit may mga taong nagkakamali ng send ng pera sa ibang number eh di ba nila chinecheck yun especially if malaking amount? Until it happened to me just now. Nakakanginig pala.

Laging may naka favorite na account number sa maya ko to gcash para pipindot na lang ako. So now, nagmamadali ako kasi malapit na cut off ng need kong bayaran and di gumagana yung maya to that bill so nagsend ako sa gcash ko. For some reason, name ko yung nakalagay pero ibang account number pala. Di ko na nacheck yung number kasi nga nagmamadali. Nagtaka ako kung bakit wala pa akong natatanggap sa gcash until chineck ko yung number and omg iba pala. So sa iba siya nasend. huhu I tried to contact maya support pero hindi raw sila liable for that. Good thing natrace ko naman yung number and waiting ako now para makausap yung account owner.

Nakakaloka lang na pwede talagang ibang name at account number yung gamitin. Kaya ang lakas ng mga scammer ngayon. Gagamit sila ng fake name na may same initials ng account number nila para di magtaka yung mga tao kung bakit magkaiba. (this is a different case above na naexperience ko before)

Next time, double, triple check na talaga kapag magsesend ng pera.

reddit.com
u/Waste_Editor5263 — 2 months ago