Bakit ang hilig natin sa pamahiin?
Do you have any weird experiences about sa pamahiin or naka encounter ka na ba na sobrang strict sila na sundin yung pamahiin?
I remember when I was a kid, need pa raw naming umikot sa kabaong ng lola namin at yung iba bubuhatin pa sa kabaong para raw magmano or hindi daw kami masundan ng kaluluwa ng lola namin. And when I was in Tarlac, my lola's brother died and I saw na may red na sinulid yung fingers tapos yung wife niya need magsuot ng black na tela sa noo (don't know why) and no'ng libing naman; naglagay sila ng makapal na kumot bago ito ilibing kasi sabi nila para hindi raw lamigin.
We are superstitious, no? Like, bubulungan yung patay tapos mag w wish sila na mapanaginipan nila yung number sa lotto para manalo, pero magsisi pa yan na hindi binaliktad tapos sisihin pa yung patay kasi hindi tumama sa panaginip nila kuno. Ultimong number ng kabaong sa ilalim tatayain pa nila yun.
But serious questions: why are we so superstitious in our culture? May mga pamahiin pa ba mula sa precolonial and colonial na tuluyan nang nawala o kaya bibihira na lang tong sundin? Ano yung mga superstitious na alam ninyo that does not have any connection to it?