
Nakakatakot… Pero Ito Na ‘Yon.
Not here to promote, but to inspire.
Hindi ko idedeny, sobrang nakakatakot magsimula ng coffee shop.
Yung fear na:
“Paano kung walang bumili?”
“Paano kung mag-fail?”
“Paano kung hindi kayanin?”
Ang daming what ifs. Ang daming gabi na puro overthink. Kasi hindi lang naman ito simpleng negosyo para sakin. Pangarap siya. At malaking responsibility.
Pero habang papalapit nang papalapit yung opening, mas nare-realize ko na hindi lang pala ito tungkol sa kape.
This business can create opportunities. Makakatulong ito sa mga taong gustong magkaroon ng work.
Makakapagbigay ito ng safe space para sa students, barkada, ministry friends, at kahit sa mga taong gusto lang huminga sandali sa pagod ng buhay.
At somehow… dun ako mas nae-excite.
Kasi minsan pala, hindi mo kailangang mawala yung takot bago ka magsimula. Minsan dala mo talaga siya habang umaabante.
And honestly? Isa sa pinaka malaking win ko ngayon is hindi ako umatras.
From simple ideas…
to planning…
to taste tests…
to building a team…
unti-unti siyang nagiging totoo.
Malayo pa. Marami pang kailangan ayusin.
Pero sobrang fulfilling makita na yung bagay na minsan iniisip mo lang habang puyat ka… unti-unti nang nabubuhay.
Para sa lahat ng may pangarap diyan:
okay lang matakot.
Basta wag kang titigil.