juanhand keeps calling me!
For context: Never ako nag download, register or umutang kailanman sa Juan Hand.
Nakaka badtrip lang kasi they are calling me for three days now like constantly sa isang araw nakaka anim na ring sila. Sinagot ko sila one time and apparently there’s this someone named “Mary Rose Catamora” na umutang sa kanila and nilagay ang number ko as her relative, wala akong kilalang Mary Rose as in!! What’s really scaring me is kilala nila ako by my full name.
To be honest, di ko alam kung paniniwalaan ko sila na nilagay ako ng Mary Rose Catamora as her relative kasi ang lakas ng kutob ko na scam scheme ito. I never even post my number on public, and sobrang private ko na sa social media accounts ko so I don’t know how this Mary Rose really got my number.
For now, di ko na sinasagot lahat ng unknown numbers na tumatawag sakin pero baka sa susunod na tumawag sila i loose my patience and makasigaw na ako sa call kasi ang kulit at naka dalawang sabi na ako na wala akong kilalang Mary Rose Catamora