Ano pong Thoughts nyo sa mahilig mag-Capital letter sa mga Hindi naman proper nouns Kagaya nito?

May Friend akong ganto magtype di Ko naman sya maask sa Reason bakit ganan sha

reddit.com
u/Various-Tax6084 — 1 day ago

Ako po ba may problema?

Ang alam ko ang galing ko ng teacher sa math, g7 at g9, kasi lively ako magturo, ang dami ko pareward system, slowly at clearly ang pagkakaexplain ko sa concepts like alam ko talaga na im doing my best kada turo ko. Mahal ko yung ginagawa ko kaya i always make sure na ready ako pagtuturo at 105% ang effort ko lagi. Pero bat ganun? Yung mga bata di talaga makagets agad or sobrang bagal talaga makagrasp ng concept. Para silang mga lutang. Or ako po ba may prob?

For context 9 yrs in teaching na po ako kaya magaling na din ako magdisiplina. Tahimik naman sila sa klase ko. Pero bat ganun nahihirapan ako sobra. Wala akong problema kahit madami sila 64 sila sa isang section. Ang problema ko, bakit parang 5-8 students lng kausap ko sa room? Eh lahat naman nakikinig at nakatingin sakin? Hays.

reddit.com
u/Various-Tax6084 — 5 days ago

SKL yung narinig ko habang nasa mall

So nagmall kami last sunday kasi birthday ng pamangkin ko and gusto ko sya ipasyal kasi taga province pa kami. Tsaka single tita kaya gusto ko lagi nattreat sila. Ngayon, gusto ko sya ibili ng shirt sa uniqlo kasi nakasale tsaka para may dagdag sa iilang branded nyang shirt. Isa lang bibilhin ko sa knya kasi limited ang budget. Ang tagal naming mamili kasi nga isa lang so yung best na at kasya sa budget.

Sabi ko sa pamangkin ko, “alin ba dyan sa dalawa ang mas gusto mo?”

Tapos narinig ko yung daddy nung isang bata na katabi namin. Sabi nya dun sa anak nya, “u can have multiple if u want.”

Like wow, sana all. Kailan ko kaya masasabi yong linya na yon sa pamangkin ko habang nagsshopping kami?

May nadagdag na naman tuloy sa pangarap ko.

reddit.com
u/Various-Tax6084 — 1 month ago

Skill na pwede pagkakitaan?

Meron po ba kayo alam na skill na pwedeng aralin at the same time ay pagkakakitaan? Madami po kasi ako free time after work. Sawa na rin sa kung anu ano lang ginagawa. Nagtry po ko mag aral ng VA something pero parang di para sakin. Parang ayoko po nung nakatutok lang sa laptop nasakit po ulo ko pagmatagal. Gusto ko yung kumikilos sana. Any ideas mga katrenta?

reddit.com
u/Various-Tax6084 — 2 months ago

First cc recos. Pls read po muna

I know marami na po nagtanong dito pero let me share my case po.

So dati po sa spaylater lang ako. Umabot na 90k ang limit ko dun. Kaso one time nakalimot kasi ako ng due date pero may pambayad sana ko and nagpenalty sya ng halos 1k na, edi sinulit ko yung penalty bago ko nagbayad, ayun nasuspend. Di pala dapat ganun hehe.

Base naman sa mga nabasa ko po. Dapat daw sa bank na may existing acc ka na. Wala po ako account sa mga bangko e.

Yung payslip ko naman po ay mababa lang. Like 7k a month. Kasi puro london. Pero okay pa rin po ang finances ko kasi may business po ako kung anu ano kaso di naman registered.

Gusto ko lng po sana yung kagaya sa spaylater na pwede ko makuha ang mga bagay bagay na hulugan. Cc po ba ang solution or anong other options?

reddit.com
u/Various-Tax6084 — 2 months ago

First time kong magkaaircon!

Pangarap ko lang magkaaircon dati kasi sobrang banasin ako. Thank you Lord andito na sya :))) kahit di inverter oks na po. 7sqm lang po kasi room ko. Basta sobrang saya at masarap na ang tulog :))

u/Various-Tax6084 — 2 months ago

Sino po dito hindi kumakain ng gantong mangga?

Sabi ko sa partner ko parang di sya normal kasi wala na kong kilala pang ibang tao na di kumakain ng mangga na yan maliban sa kanya. Hahahhaha. Kasi diba, sobrang common nan dto satin sa pinas at pambansang prutas pa haha. Meron po ba dito na hindi kumakain nan?

u/Various-Tax6084 — 2 months ago

Ano po hobbies nyo na di magastos?

May gastos pero di mabigat sa bulsa hehe. Or maski wala. Been bored lately. No socmeds na and just into netflix lang, at reddit. Thank u so much!

reddit.com
u/Various-Tax6084 — 2 months ago