How to apply for a government job as a fresh passer?

Fresh passer ng March 2026 board exam, with no work experience aside from internship. Planning to apply for a government position, but I'm not really sure how to start.

May mga nabasa ako na usually through the CSC Job Portal. Kaso, karamihan ng nakikita ko either hindi related sa field ko or may required na additional experience. May nakita pa akong position na sakto sa balak kong applyan, kaso lagpas na sa closing date. I still tried emailing them to ask if the position is still available since it's still listed on the portal. Bahala na, since sabi rin ng iba na kapag ganito, huwag na masyadong umasa.

Now, pwede ba ang walk-in application sa government agencies? For example, pupunta mismo sa provincial capitol, municipal hall, regional office, etc. just to inquire if they have available positions or upcoming vacancies?

If possible, balak ko sana na hindi lang mag-inquire—dala ko na rin yung documents ko, such as PDS, photocopies of PRC license, TOR, eligibility, etc., in case they accept applications.

Regarding the PDS, okay lang ba kung hindi pa notarized when I initially inquire/apply? Or kailangan notarized na agad kahit walk-in inquiry pa lang?

For those who have experience applying to government agencies as fresh graduates/fresh board passers, ano usually ang process kapag walk-in? Saan dapat unang pumunta or kanino dapat mag-inquire—HRMO, Administrative Office, or directly sa office where I am applying to?

Any advice or personal experience would be appreciated. Thank you!

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 4 days ago

Nostalgic Yearning Reco Songs

Reco naman kayo ng songs that I can say can feel nostalgic yearning. For those who didn't know it, it is a deep, often bittersweet longing for the past, typically characterized by a desire to return to or relive earlier experiences, moments, or feelings that are associated with happiness or comfort. One my songs for this is this version of Kay Tagal Kitang Hinintay by Spongecola in Cozy Cove.

u/asphyxiant_alchemist — 6 days ago

Suggests pls

Anyone here that has alternatives to the following: Axie Infinity and Pixels which are play to earn games. Much better if there's no investment need like money to spend. But if doesn't still suggest it, may be I'm engaged with it.

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 6 days ago
▲ 5 r/PHGov

Kindly roast my PDS

- Sinunod ko naman mga nasa guidelines, I want to check by other person to see yong mga mali ko rito.

- Tulad ng date, sinunod ko lang yong dd/mm/yyyy

- May nabasa ako last time, kapag may N/A na no need na other details related to it since magiging messy na tingnan.

- In terms of educational background, nilagay ko na both JHS and SHS. Tingin ko para kapag nakwestyon lalo na kung mapuputol yong inclusive dates/year, at least dyan kumpleto na. Completed nilagay ko since di naman graduate pa don.

- Sa eligibilities, tama ba sa date na nilagay ko? Two days kasi board exam namin. Or yong date na nag release na nakapasa ako ang ilalagay ko?

- Work experience, para di rin messy kasi wala naman pa ako naging work exp nag input lang ako one N/A

- L&D wala rin since sabi during employment

- Voluntary Org, sinimulan ko nong elementary ako. Like org yon na Hindi pang classroom kundi buong school. If you know SPG yon what I meant, ito na rin nilagay ko ron sa Association/Organization sa baba

- Sa non academic distinction at recognition, Wala ako mailagay. Meron ako distinction at recognition kaso sa school so academic yon. May non academic man kaso certificate of participation or attendance lang nakalagay so diko na nilagay.

- Sa references, nilagay ko ay isa kong professor during college. Isa ay nagguide sakin/samin during our internship. Isa ay friend ko, same profession naman kami.

- Sa signature, much better ba wet signature since maglalagay pa rin naman ng thumbmark?

- Sa Date accomplished sa last page, okay lang muna wag lagyan? Or kapag before magpapaprint and notarize na?

- Tama nga ba ito, kapag magpapanotarize ay maghanda na kaagad ng photocopies nito?

- Okay lang kaya ito, see red lines sa baba. Ginamitan ko kasi nyan kasi di makasave ng PDF na naka folio. Wala naman kaming printer. So may watermark siya na ganyan.

Open for suggestions and corrections. Thank you everyone!

u/asphyxiant_alchemist — 15 days ago
▲ 2 r/PHGov

PDS Queries C1

‎PS. Sorry po kung matanong ako, fresh graduate lang po hehe.

  1. ‎In terms of address po, paano po kung ganito address namin:

‎Sitio Centro, Barangay Sta. Isabel, XXX City, Isabela

‎Paano po sa PDS, nakalagay po kasi ay:

‎House/Block/Lot No., Street, Subdivision/Village, Barangay, City/Municipality, Province

  1. ‎Sa blood type po, hindi ko kasi alam blood type ko. Ang ilalagay ko na po ba muna ay N/A?

  2. ‎Sa email address po, since dapat naka PRINT ang sulat/type ay dapat po ba nakaganon rin dito? Kahit na hindi naman ganon na nakaprint ang actual email address ko?

  3. ‎Sa details po about spouse, wala naman ako asawa so N/A lang po ilalagay from surname to telephone number niya tapos N/A lang rin po sa name of children at birthdate?

  4. ‎Sa father's name po, name po niya nong binata pa? Gets ko po sa mother since maiden. For example po:

‎Father: Christian Macaraig Gonzales

‎Mother: Lourdes Delizo Hernandez

‎So yan po mga ilalagay ko na details nila? Or sa father ko ay magiging Christian Hernandez Gonzales?

  1. ‎Sa secondary education at vocational/trade course po, pwede po ba siya palitan ng JUNIOR HIGH SCHOOL at SENIOR HIGH SCHOOL? Sa MS Excel template po ng PDS ako nag sasagot ng form.

  2. ‎Don po sa column ng BASIC EDUCATION/DEGREE/COURSE ano po mga ilalagay? Gaya nga po non bale po mangyayare saken ay may ELEMENTARY, JUNIOR HIGH SCHOOL, SENIOR HIGH SCHOOL, at COLLEGE.

  3. ‎Sa period of attendance po ba, year lang? Pero kapag mag input po ako ay naka mm/dd/yyyy eh. Means exact day na unang pumasok at tsaka nagtapos?

  4. ‎Don po sa column ng highest level like Grade 6 sa elementary? Then Grade 12 sa senior high school?

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 21 days ago

Song recos sa bus playlist

Mga songs na sarap pakinggan while you're wearing headphones plus papatugtog ka sa Spotify. Local or international songs will do. 12 hours ba naman byahe papuntang Albay.

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 21 days ago
▲ 1 r/PHGov

PDS updated 2026

Anyone here po na may copy ng updated PDS this 2026? Can I have po? Or kung may link kayo. Ang meron po sa CSE website is PDS 2025 eh.

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 26 days ago
▲ 1 r/PHGov

Personal Data Sheet

Good day po!

May nakita po kasi akong PDS sa .xlsx format na may iba't ibang sheets, kaya medyo nalito po ako sa tamang pagpi-print.

Balak ko po sanang i-convert muna ito sa PDF bago dalhin sa printing shop. Ano po ba ang tamang paper size na dapat gamitin? At kapag ipi-print na po, back-to-back po ba ito o isang page bawat sheet?

May iba pa po ba akong dapat tandaan o sundin pagdating sa tamang pagpi-print ng PDS?

Maraming salamat po sa mga sasagot! 🙏

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 28 days ago

Japanese band like songs

Recommend naman kayo ng Japanese bands and songs nila na magandang i-explore pakinggan parang One Ok Rock.

u/asphyxiant_alchemist — 29 days ago

RMP Reference Books

With regards to RNPCP, which one is the original? Magkaiba kasi cover page pero as I see parang mas orig yong kanan na version. Just asking what is the most updated since I wanna buy reference books for RMP. Kahit na di originally book produced, kahit gawang Recto lang oks na yon. So sana may makasagot. By the way, congratulations newly RMPs!

Edit: Sa orange app, mas maraming benta yong version ng kaliwa.

u/asphyxiant_alchemist — 1 month ago

Normal ba na may unknown callers agad sa newly bought Smart SIM?

Normal lang ba 'to?

May newly bought Smart SIM ako na binili ko last month. Hindi ko pa siya masyadong nagagamit kasi mas ginagamit ko yung isa kong SIM. Wala rin akong pinagbigyan ng bagong number na ito—walang family, friends, online accounts, o registrations. Tanging sim registration lang.

Pero simula last week, may mga unknown numbers nang tumatawag sa akin. Hindi ko sila sinasagot dahil hindi ko sila kilala. Kanina lang, apat na magkakaibang number ang tumawag sa bagong SIM ko sa loob ng isang hapon.

Normal lang ba ito sa bagong SIM? May naka-experience na ba ng ganito? Ano kaya ang posibleng dahilan?

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 1 month ago

Laptop Recos Now That I'm Licensed Engineer

Now that I'm a licensed engineer, balak ko na sana mag-invest sa bagong laptop. Any recommendations po sa brands and specs na kayang i-handle ang engineering software like AutoCAD, STAAD, at iba pang commonly used programs?

Preferably sana:

Kaya ang light hanggang max gaming (depending on the game and settings)

Hindi madaling mag-lag kahit maraming applications o browser tabs ang sabay-sabay na bukas

Yung pangmatagalan na rin sana

This will be my third laptop if ever.

Yung first laptop ko was an HP na binili ng Papa ko noong Grade 7 pa ako. Tumagal naman siya ng around 7 years. Nasira lang talaga dahil may naupo sa laptop, kaya nadamage yung LCD. Noong pina-check namin, mas practical na raw bumili ng bago kaysa ipaayos, kaya kinuha ko na lang yung hard drive para may extra storage.

Yung current laptop ko naman is second-hand na NEC VersaPro. Kaya pa naman niya ang AutoCAD at STAAD, pero once mag-install pa ako ng ibang engineering software or kapag sabay-sabay nang maraming applications ang bukas, doon na siya nagsisimulang mag-lag.

Any recommendations po? Paki-include na rin sana kung anong CPU, GPU, RAM, at storage ang ideal. Budget-friendly options are welcome, pero willing din akong magdagdag kung worth it naman for long-term use.

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 2 months ago
▲ 1 r/PHGov

Fresh board passer: Clarification on PhilHealth, TIN, PAG-IBIG, and other government IDs before employment

Gusto ko lang po sana magtanong dito para ma-clarify ang ilang concerns ko. Nakapagtanong na rin ako sa AI (particularly ChatGPT), pero gusto ko ring i-confirm dito kung tama ba ang mga sagot na nakuha ko.

For context:

* July 2025 graduate (summer/midyear) ako.

* Nag-start akong mag-review para sa licensure exam noong October 2025.

* December 2025 ang formal graduation ceremony namin.

* March 2026 ang board exam, at fortunately nakapasa naman ako on my first take. Lumabas ang results noong April 2026.

* May 2026 ang oath-taking namin, at June 2026 ko nakuha ang PRC ID at certifications.

* Sa ngayon, unemployed pa ako at balak ko munang asikasuhin ang mga valid IDs ko bago maghanap ng work.

Sa ngayon, mayroon na akong:

* PhilHealth

* NBI Clearance

* PRC ID

Yung PhilHealth ko, kinuha ko pa noong college. Ang tanda ko, may certificate akong kinuha sa city hall bilang indigent kaya wala akong binabayarang contribution noon.

Yung NBI Clearance naman, kumuha ako noong nag-apply ako para sa board exam. Ang concern ko lang, personal copy na lang ang meron ako ngayon dahil naisumite ko na yung original.

Ayon sa ChatGPT, ang mga susunod ko raw na dapat asikasuhin bago ma-employ ay:

* Passport

* Driver's License

* PAG-IBIG

* TIN

Tama po ba ito, o may iba pa ba akong kailangang unahin?

May tanong din po ako tungkol sa PhilHealth. Ang alam ko kasi, kapag employed na, ang employer na ang naghuhulog ng contributions at automatic na itong kinakaltas sa salary.

Since indigent ang status ko ngayon, tama ba na kapag natanggap na ako sa trabaho, sasabihin ko lang ito sa HR para ma-update nila ang membership status ko? O kailangan ko munang pumunta mismo sa PhilHealth bago ako ma-hire?

Isa pa, sinabi rin ng ChatGPT na kung unemployed pa ako ngayon, mas okay na huwag muna akong kumuha ng TIN at hintayin na lang na magkaroon ako ng employer dahil sila na ang magpo-process o magre-register nito sa karamihan ng first-time employees. Tama po ba ito?

Maraming salamat po sa mga sasagot!

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 2 months ago

Nostalgic Memories

Grabe hanggang ngayon puno ang feed ko about F4 at Meteor Garden. Iba talaga ang kapanahunan ng 90's.

As someone na hindi naman ipinanganak ng 90's but rather 2002, ang saya kasi naabutan ko pa rin yong mga kinalakhan ng batang 90's unlike now. Dati walang gadgets, larong kalye at noon ng mga palabas lang sa hapon. Nakakatuwa rin kasi kahit diko man napanood sa unang release dito sa Pilipinas ang Meteor Garden, isa ako sa nakapanood na hindi pa rin nalalayo ang henerasyon noong 2014. 10th year anniversary yon non, ipinalabas muli ng ABSCBN ang Meteor Garden. Graduate ako ng grade 6 non tapos bakasyon, nakapanood ako nito bago maglaro kasama ang ibang mga bata sa labas. Noong panahong ito, oo may gadgets pero iilan lang ang may mga cellphone non sa mga kaklase ko. Out of 30 kami mga isa o dalawa lang ang meron at hindi pa ganoon ka hype gamitin yon non.

Grabe, nakakatuwa at nakakamiss tuloy ang Meteor Garden irewatch. Sayang kung may budget ang ganda rin sana kung nakapanood ng concert nila.

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 2 months ago

Rocky Road etc (flavors of ice cream)

Hinahanap ko, ewan ko lang kung sa Wattpad ba to. Mga 2016-2017 napapag usapan na yan sa klase namin. As a minor at wala pako phone non diko alam pinag usapan nila. Somehow parang nasa Wattpad yon kasi panahon na yon kasikatan ito.

Rated SPG ata to HAHA

Curious lang me, gusto ko rin mabasa sana

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 2 months ago
▲ 1 r/PHGov

CSC Certificate of Eligibility - Passport Size Photo Requirement

Hi everyone,

May naka-experience na ba rito mag-request ng Certificate of Eligibility sa CSC several years after passing the exam?

I passed the CSE-PPT Professional Level noong March 2024 and balak ko sana mag-claim ng Certificate of Eligibility this June 2026.

Sa requirements kasi nakalagay na kailangan ng 1 passport-size ID picture with complete nametag and signature, and preferably the picture used at the time of examination.

Ang concern ko, more than 2 years na ang lumipas at wala na akong copy ng exact passport photo na ginamit ko noong exam. Siyempre medyo nagbago na rin ang appearance ko compared noong 2024.

Okay lang ba na recent passport-size photo ang i-submit as long as clear at tugma naman sa valid IDs ko? May naka-experience na ba ng same situation?

Salamat sa sasagot!

reddit.com
u/asphyxiant_alchemist — 2 months ago
▲ 5 r/PHGov

CSC Eligibility Certificate

How to printout yong EERF nila from their site? Ganito ba? Back to back like yong to be fill up ang front tapos yong parang guidelines ang back? How about puputulin ba siya, since form sa taas ay same lang sa baba. Just asking since sabi ng regional office dito samin nong nag email ako ay mag print out raw niyan at dalhin together with declaration form at iba pang requirements.

u/asphyxiant_alchemist — 2 months ago