DITO eSIM back to physical SIM, same number—possible ba fully online?
Hi! Recently nag-convert ako ng DITO physical SIM to eSIM while retaining my number. Since naka-eSIM na ako, deactivated na yung old physical SIM ko.
Curious lang, kung maisipan kong bumalik sa physical SIM in the future, puwede kaya akong mag-request ng bagong physical SIM with the same number?
May nakapag-try na ba nito na pure, like through the DITO app or customer support, tapos delivery na lang ng replacement SIM? Preferably walang punta sa physical store.
Kung successful kayo, paano yung process, magkano ang fee, at gaano katagal? May downtime ba yung number habang pinoproseso?
Okay naman yung eSIM ko—gusto ko lang malaman kung may option bumalik. Thanks!