First Time kong mag cine kasama ang anak ko at si woody.

First Time kong mag cine kasama ang anak ko at si woody.

First time watching sa cinehan kasama ang asawa't anak. Ngayon na lang din nakapanood after ilang taon, Masaya naman.

u/Prudent-Variation517 — 13 hours ago

Raincoat Suggestions yung hindi ganun kamahalan.

Ano magandang kapote ngayong umuulan? Yung hindi sana pumapasok tubig ulan at hindi ka pag papawisan sa sobrang init. Budget is less than 1.5K

reddit.com
u/Prudent-Variation517 — 7 days ago

Iphone 14 Pro Green Line

Wala pong budget for official na screen kaya parecommend naman ng replacement

May alam ba kayong screen replacement para sa 14 pro na almost same ang kulay at refresh rate ng orig. May nabasa kasi ako DD or JK na LCD daw pero gusto ko malaman if pwede pa rin ba intransfer ang True tone sa mga to. Planning to buy on shopee at ipapa-labor na lang sa mga shop.

u/Prudent-Variation517 — 15 days ago

Floating Status(no work, no pay)

Hingi lang sana ako ng advice o kahit konting encouragement kasi medyo nawawalan na ako ng pag-asa sa career ko ngayon.

Galing ako sa isang malaking logistics company kung saan nag-stay ako ng 2 years bilang Supervisor (pa-Manager na sana ako kaso umalis ako). Noong 2025, lumipat ako bilang Supervisor din dito sa kasalukuyan kong company na kaka-launch lang sa Pinas. Maayos naman ang sahod sa dalawang kumpanya na 'to dahil nga supervisor role. Kaya lang, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang gobyerno natin at ang foreign company ko ngayon kaya pinasara ang operations nito.

Ang problema, imbis na i-terminate kami para makakuha ng separation pay, ginawa lang kaming "no operation" o floating status ng management. Dahil dito, halos wala akong sinasahod ngayon kada buwan. Gustong-gusto ko na mag-apply sa iba pero wala pa ring tumatanggap sa akin. Ang laking pader kasi na high school graduate lang ako, halos lahat ng kumpanya ngayon, naghahanap ng college degree kahit subok naman ang skills ko sa operations at kayang-kaya ko ang trabaho.

Plano ko sana maghintay hanggang August para matapos yung legal limit ng floating status at makuha ko yung separation pay ko kung iterminate ang contract ko. Pero habang naghihintay, sobrang hirap maghanap ng trabaho at mabigat na sa bulsa at mental health.

u/Prudent-Variation517 — 21 days ago

Infrared Stove or Traditional Stove?

Gusto ko lang malaman if worth it ba bumili ng infrared stove and di ko kasi alam anong brand ang okay

u/Prudent-Variation517 — 1 month ago
▲ 3 r/phRecommendation+1 crossposts

Infrared Singe Gas Stove

Pa recommend naman po ng infrared gas stove sinhle burner lang at totoo bang matipid talaga to sa gas compared sa hindi infrared.

(250 characters)

u/Prudent-Variation517 — 1 month ago

International seller to report on DTI?

Paano ba mag report sa DTI ng seller international. Bumili kasi ako ng LCD for Pixel 7 Pro sabi is original at may 12 months warranty daw sabi ni seller (with proof convo with seller) Ilang araw lang may naging black spot sa top right yung lcd at hindi 120hz display hindi rin working yung in screen fingerprint. Dec. 20, 2025 pa nadeliver. Naka ilang beses na rin ako contact support di na raw talaga kaya marefund.

reddit.com
u/Prudent-Variation517 — 1 month ago

HMO takes too long to process

Pwede bang lumipat ng ibang dental clinic para magpapasta lang habang naka-braces? Sobrang bagal kasi ng HMO process sa current dentist ko eh.

reddit.com
u/Prudent-Variation517 — 2 months ago
▲ 27 r/CreditcardPh+1 crossposts

My first credit card (30 characters)

Bukod sa takot ako sa cc e di naman ako mayaman para mag ganito at hindi ko rin alam advantage ng mga cc. 15k yung limit di ko alam kung mababa or mataas na ba yun.

u/Prudent-Variation517 — 2 months ago

40k+ odo ng click ko, ano po ba ang dapat bilhin/gawing maintenance? Planning to buy po sa shopee (utang) para sa susunod na palitan. Change oil at gear oil napapalitan naman po. Napalitan na rin before ay:

Belt Flyball Slider Air filter Break shoe

Eto yung mga plano ko po bilhin.

Flyball Clutch spring Clutch lining Clutch Bell Nut Center spring Circlip Air filter Fuel filter Break pad Slider Torque drive bearing set

Baka may kulang pa po

reddit.com
u/Prudent-Variation517 — 2 months ago