Hindi na makatulog ng maayos sa gabi dahil sa daga
Sobra na ko nastrestress kasi di ko magawang matulog ng mahimbing. Sobra akong takot sa daga. For context, ang pang lason namin sa daga dati is zinc phosphide, effective naman. Pero recently meron uli naglalakbay dito sa bahay, ginawan uli ng food bait with zinc phosphide pero parang hindi na ata sya effective kasi nakita ko naglalakbay kanina jusko 😭 At ang worst pa is pag around 12 AM, nag iingay sya. At first akala ko butiki lang, kasi diba minsan ang ingay ng butiki. Kaso kanina ko lang narealize na yung daga pala yon. Para syang sumisigaw na ewan. Kinikilabutan ako. Ang ginagawa ko nag iingay din ako, kinakalabog ko yung sahig o upuan para matakot man lang ang peste.
I’m considering to try racuumin poison. Try ko muna ulit yung zinc phosphide with tilapia kasi sardinas yung nakaraan eh, baka nagsawa na. At baka kulang ang isang lason sakanya dahil baka malakas immune system nya 🥲 Ang kinaka worry ko sa racuumin is nagpupunta raw sila sa may ilaw kasi it causes blindness. Baka mamaya sa kwarto ko pa mategi, pati ako matetegi sa takot. 😭😭 Wala kasing door sa kwarto ko
Yun lang naiiyak na ko ngayon di ako makatulog dahil sa takot. Sana mategi na lahat ng daga sa Pilipinas please. Tsaka grabe no talagang pag gabi sila matatapang na lumabas sa lungga nila. Pag tirik ang araw ni anino di mo makita eh walanjo na yan