
Rica Peralejo calls out BIR’s new creator badge policy 'In the thick of nanakawan tayo… tapos ganito?'
‘ANG SAKIT MAGING PILIPINO’
Ganito ang inihayag ng TV personality na si Rica Peralejo kaugnay sa bagong patakaran ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mag-display ng BIR Registration Seal Badge sa profile ng mga content creators.
“Buong buhay ko as artista ako ay nagbabayad ng buwis. Then isang araw sasabihin need ng seal at iba pa raw yung sa artista at sa content creator or social media. Kailangang may patunay pa. And all of this would have been ok if only hindi tayo ninanakawan,” wika nito sa kanyang post sa social media platform na Threads.
“Para sa akin sobrang nakakainsulto yung pakiramdam. In the thick of nanakawan tayo… tapos ganito. Like talaga ba? Parang sana onting update muna naman, like ano na ba nangyari sa mga binayaran kong lifestyle ng mga corrupt kong leaders? May tax break ba ko if napondohan ko yung gala nila sa ibang bansa at luxury bags?” dagdag pa niya. |PilipinoStarNgayonDigital
(Threads/ricaperalejo)