Over a fucking laundry
May kapatid (M15) akong (F20) na halos lahat na lang ay inaasa sa saken. Simpleng gawaing bahay, hindi magawa nang kusa. Paghuhugas ng plato, paglalaba at pagtitiklop ng sariling damit, pag-aayos ng higaan pagkagising, paggising nang maaga and the list goes on.
Earlier, tinanong ko nanay ko kung kailan siya maglalaba para makisabay ako ng uniform, pero biglang umimik kapatid ko ng, “Wag nang labhan yan, di ka kasi mahal ng nanay mo.”
It struck a nerve and i'll admit tinamaan ako sa sinabi niya, lalo na’t marami na kaming naging arguments nitong mga nakaraang linggo. Nauwi kami sa pisikalan, pero ang pinakamasakit, siya na naman ang ipinagtanggol ng mga magulang ko and pinagsasampal pako ng nanay ko. Ako pa ang sinabihang selfish, at dapat daw hinayaan ko nalang dahil lalaki siya, kesyo ako ang panganay na babae.
Pagod na akong maging masama sa tuwing napupuno ako. Tangina for once, gusto ko lang din maramdaman na may kakampi ako sa sarili kong pamilya.
Ngayon, gusto ko nang bumukod para sa peace of mind ko, pero ₱800 na lang ang last money ko. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin o kung paano ako magsisimula.
Gusto ko din namang maging anak na inaalagaan, hindi laging inaasahang umintindi.