



Wala ng dahilan na di isama kahit maulan 😆
Pag nakita niyang magbibihis kami, bigla yan magiging excited kasi alam niya na ang sunod nun ay kukunin ng tatay niya yung susi ng kotse.
Dahil maliit siya, di niya abot yung bintana, kaya kailangan, kandong ko siya. Pero wala pang 5 minutes sa biyahe, tulog na yan 😴 Gustong gusto niya yung buhat siya na parang tunay na sanggol. Wala lang picture, ayaw niya kasi ng ganon. Pag nakita niyang bumu-bwelo na ako ng picture, gigising siya kaya magiging blurred yung kuha.
Going three weeks na ata ang ulan, ano? Pag aalis kami, lagi namin sabi "Sorry nak, baka sipunin ka, dito ka na lang sa bahay. Mabilis lang kami".
Aba nagulat ako may Shopee na dumating. Pag bukas ng parcel, sabi ng tatay niya, "sukat mo nak, mukhang kasya sayo" 🥰
Pinakita namin photos sa mga lola niya (mama ko and mother-in-law ko), sabi nila, "Aba si Sammy, kahit maulan gagala pa rin" 😆