
Yow! Sinong mga batang ‘90s diyan. Tara sa day 1!!
Ekis yung kasama ko kasi friday. Gusto ko manood ng Nami Tamaki kasi sakto nirerewatch ko yung Gundam Seed. Fave ko yun nung bata pa ko. Sino manonood ng concert diyan? Taraaa.

Ekis yung kasama ko kasi friday. Gusto ko manood ng Nami Tamaki kasi sakto nirerewatch ko yung Gundam Seed. Fave ko yun nung bata pa ko. Sino manonood ng concert diyan? Taraaa.
Nagreach out siya sakin sa Linkedin, representing a US company. Pero yung profile niya kagagawa lang this month. And blangko except yung US company. Ni walang picture at initials lang yung last name.
Nung inisched niya sa email yung interview(which domain naman ng company), nakita ko yung full name niya and sinearch ko sa LinkedIn, may profile naman na lumalabas pero affiliated sa ibang company; as recruiter, account manager etc. Wala dun yung US company.
Sabihin nating legit, pero ang fishy kasi na bakit hindi nalang niya gamitin yung profile niya na totoo. Na nagrerecruit siya on behalf of this company.
Or baka etong profile na to is ginagaya yung existing person. Ewan ang fishy talaga.
Ngayon nagchat siya sa LinkedIn na di ko raw siya sinipot, and I plan to raise this concern na di kaya scam siya haha.
Andami ko na kasing scam job opportunities na narereceive recently kaya ang hirap magtiwala.
Maybe because of my personality? I'm just being myself here, but there were already MULTIPLE times where I was messaged and asked to be a femdom. Heck I don't even know the term before. I did a lot of research on what they meant. I was horrified and somehow intrigued.
I tried to do some research what does a femdom does, and no, count me out, pass. It's intriguing but I AM AN ASEXUAL. I can't do those things. I wanna wash my eyes for even researching and seeing visual samples.
It's a bit exciting to be honest. If I weren't an asexual, I could've tried.
No shaming. Pero may mga ganitong bang guys here or kakilala niyo? I know some asexual women (like me). Pero wala pa kong nae-encounter na guys.
If meron, ano yung experiencen niyo? Do you feel invalidated? Invisible? Or feeling niyo may mali sainyo?
Female here. Wala ang cute kasi nila. Ang feminine, malinis sa katawan, pretty. Kaso karamihan ng kilala kong femboy mga gay, so hindi kami talo. Hahanga nalang ako sa isang tabi. 🥹
I know ang in ngayon is data analytics, AI, etc. Kaso wala akong interes sa mga ganoon. Naumpisahan ko na yung pag-aaral ng bagong language as hobby, pero not sure kung ok ba siya career-wise. Lalo na at may AI na.
Gusto ko na alisan tong company na to. 1 week na struggling parin sa mga access. Di ko alam kung nananabotahe ba. Jusko ultimong company email, ilang araw cinonfigure para lang ma access ko. Yung tools hanggang ngayon issue parin.
Yung sister company talaga nila yung employer ko. Ngayon nakita nung CEO na nakakapag produce ako, so inalok ako na kunin din. So sige why not, opportunity din naman. Pero grabe ang problematic nila.
Dun sa sister company na originally employed ako, ang gaan ng buhay. Ang bait ng HR and lahat ng kailangan ko binibigay. Dito sa isa, pahirapan ultimo tools. Paano ko magagawa yung trabaho ko ng walang matinong tools. Ayan may tools nga, wala namang subscription, pina approve ko pa. Ayan na approved na, pahirapan mag purchase. Eh putangina alisan ko nalang kayo. Swerte sana kasi 2 employers and same task lang, pero ni walang support tong isa. Bahala ka diyan to fend for yourself. Yung tools na usually binibigay upon joining, kung hindi halos magmakaawa na makuha, laging may issue. Laging hindi ma-access.
Medj nakakahiya pero gusto kong magstart magbasa ng books. In the world full of AI, gusto ko na ako yung nagko-compose ng emails at posts ko sa work. I want to be eloquent.
Gusto ko sana mag-MOA this weekend to buy some books but not sure kasi kung open pa sila. Dami kasing balita na nagsasara na mga Book sale branches isa isa.
Do you also have reco na 2nd hand bookstore sa South?
And any book reco na kahit anong genre basta literal na page-turner? Yung OMG agad sa umpisa at mapapaisang upuan, mga ganung level.
Thanks and please be gentle po sa newbie. 🥹
I know this friend for a decade now and I saw how her life went roller coaster. Grabe yung buhay niya, ups and downs. Parang gulong ng palad.
Lumaki siya sa hirap, pero naitataas niya yung sarili niya. Pero ewan ko ba, pag nasa taas siya, nang-aargabyado siya ng iba to make sure na andun siya sa taas. She did unethical things. Kaayawan siya ng lahat, maski ako. Then something will happen na mapupunta siya rock bottom ulit. Before binubugbog siya ng partner niya and muntik siya patayin.
Nakabangon ulit siya, naging VA, earning millions, very madiskarte. Tapos me and another friend is pinasok sa work niya. Tapos ayun, she did fraudulent things ulit tapos samin pa. Siguro kasi takot siyang mapunta sa baba kaya kahit kami inaapakan niya. Then yung million niya ayun nascam.
We decided na umalis nalang sa work na yun, tapos balita ko ayun nananapak parin siya ng mga kawork para umangat. At napaka- below the belt to the point na nagwi-withheld siyang ng info para siya lang nag sumasahod and others dont. During the recent war crisis.
Ngayon, kinakarma na siya ulit. Andami niyang sakit, may new born siya at yung company niya is nalulugi na at hindi na siya pinapasahod for some months.
We feel bad for her sobra. Lalo’t vulnerable siya dahil kapapanganak palang and nauubos na ang pera. Ayaw namin mangyari sakanya yung ngayon, pero hindi kami ang nagtatakda ng karma.
Gusto ko siyang sabihan na wag na kasi siyang manlamang ng kapwa para di na siya makarma. Pero napakabasic kasi nun. And she’s turning 40s na para sabihan pa ng tama at mali.
Yung pang umaga ko na main job ko, hindi ako na appreciate. All around ako, at end to end, ni walang good job o anuman. Yung title ko mula nung pumasok ako, which is entry level, ganun parin after 3+ years.
Ngayon may part time VA ako sa gabi, pang add lang sana sa bills. Galante magpasahod. Lagi akong gino-good job. At yung CEO niyayabang pa ko sa sister company na andami ko raw napo-produce. Nalaman ko to kay sister company CEO, na gusto rin ako i-hire sakanila simultaneously kasi gusto nila yung napo-produce ko. Tapos 6 digits pa yan kahit part time, x2 ng kinikita ko sa umaga, madadagdagan pa ni sister company.
Samantalang yung pang umaga ko, ni walang appreciation. Naghahanap nalang ako ng full time permanent na malilipatan. Andami kong narealize dito sa PT ko sa totoo lang.
Narealize ko lang na habang ginagawa ko tong task na to in a weekend, hindi ko pala trabaho to.
Sa team namin uso yung turuan na “hindi ko trabaho to”, which ok lang naman. Minsan kinukuha ko nalang yung trabaho para wala nang drama. Wala nang away at turuan.
Pero narealize ko lang na mag-4 yrs na ko tanggap nang tanggap ng trabaho pero ni hindi nababago yunf title ko. Coordinator parin, yung mga kasama ko, Officer na.
Ang unfair lang.
Tapos etong task ko na to, tingin ko yung isang workmate ko ang may hawak neto. Hindi niya ginagawa kasi tampo siya sa boss namin.
Gusto ko nalang magresign, hanap na ko ng bagong work.
Same field kami ng kapatid ko. So if may gig ako madali lang sana ipa-outsource sakanya para dagdag kita sakanya para extra kita sakanya. Mas malaki kita ko since mas senior narin ako sa field. Siya is mag 3 yrs palang sa field.
May gig ako now na malaki bigayan, premium client kumbaga and hirap ako magpuyat siguro kasi trentahin na. Pero imbes na sakanya ko ipa-outsource, sa friend ko nalang na same seniority with me. Gusto ko kasi ingatan yung client.
Natry ko na ipa-outsource before sa kapatid ko yung isang part time, agency naman to. Since nag cellphone lang naman siya sa gabi why not earn extra. And she blew it up. Emails lang nagpa-panic na siya. Ending parang ako rin gumagawa. Note na tinrain ko naman siya ng maayos pero ang hirap. Di ko rin gusto yung lagi siyang spoonfeed, lalo na’t nasa kanya naman lahat ng resources. And napakadali lang ng tasks.
She blew it up. Siguro kasi junior pa siya? Was I expecting too much?
Now that I have new opportunity at high paying, dun na ko sa tiwala ako sa trabaho. I want to give her a chance pero ayoko i-sacrifice tong client ko na to.
ABYG?
Isa to sa sought after privileged sa office namin. Ang maideploy sa HQ for a period of time. And nagiging conflict siya sa team namin kasi may mga member kaming nakasalang na this Aug.
Yung isang kateam ko na maraming tasks, important ang role etc. hindi madeploy deploy kasi hindi matunog ang pangalan niya sa management. And naawa ako sakanya.
Ako naman tbh maayos ang relationship ko sa management, sakin dumidiretso ang mga boss pag may kailangan which is plus points. And matunog na ang pangalan ko na ako na susunod. To which I agree din. Mataas chance talaga
Pero lowkey ayoko. Ang gagawin nilang reason is para makasalamuha ko mga stakeholders dun kasi kawork ko sila lagi. Mga ilang months, heck gusto pa gawing 6mos. Pero ang prob is may attitude mga tao dun. Rude sila, bossy at sumpungin, minsan nang aaway pa. Kaya ayoko sila makita, tapos months pa?? Jusko.
Another thing is may mga kasado na kong travel this year. Im sensing na this year na yun kasi pinag aasikaso na ko ng visa. Pinag ipunan ko na yung travels ko tapos masisira.
Don’t get me wrong, i want to go to Europe. Aurora Borealis yey! Pero di naman kasi ako pupunta dun para mamasyal, kundi para magwork. I want to go there soon. Not now.
Pero parang wala akong karapatan mag-No sa opportunity kasi sought after siya. Di lahat ng andito sa local is pwede pumunta. Baka pag sinabi kong ayoko pagsasampalin nila ko dahil ang ta is nga ko para magdecline.
Share ko lang na ang saya ko kasi sobrang demotivated ako previous weeks ago. I have 2 jobs (1 fulltime day job and 1 part time at night). Napakswerte ko to this part time na direct client kasi ang bait ng manager and even CEO. Pero pagod na ko kasi halos wala na kong tulog sa gabi.
Ilang weeks akong iiyak and kailangan i-on ang laptop para kumita. And worth it pa ba tong ginagawa ko. Tapos monthly pa yung pasahod kaya 1 month akong iyak iyak.
Then sumahod na ko now lang. Bawing bawi ng 6 digits yung puyat. 🥹
Bigla akong na-energize hahaha. Sa lahat, sana makahanap kayo ng mabait at galanteng client.
Eto is in relation to this:
https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/1No6ZRIiUF
Ngayon, not comfy na ko na ayain siya sa simpleng labas pa-lunch, or kape after lunch. Kasi either boss namin nanlilibre or isa samin. So why isasama siya diba?
Medj nakokonsensya ko kasi naglalabas ako ng disappointments sa mga ka-close ko sa friend group and sila din na-off. Parang ang lagay is na-influence ko sila. Sana hindi. Ayoko mandamay ng iba. Kumbaga feelings ko lang to. Pero sila ekis na rin dito kay guy. Though sabi nila, dahil daw sa inasal ni guy nung outing na overpowering, sigaw nang sigaw, etc. Parang naglabasan na lahat ng inis ng friend group sakanya.
Nakarating din sakanya na naoff ako and sinabi niya lang na “Ganun talaga pag isip-bata.” Di ako nainis sa message niya kasi ang pathetic na naglagay ka lang ng boundaries and nagsabi ng disappointment, isip bata agad. What I despise is sino ba siya para mag comment, eh di ko naman siya friend. 🤣
Ngayon mag birthday ako and nag iipon ako ng pang treat sa friend group namin. Like may Michelin star malapit samin na matagal na namin gusto kainan. I promised them na kakain tayo diyan sa bday ko. Lunch out ba. And ayoko sana siya isama haha. Pero ang awkward na mag left out ng isa. I dunno what to do talaga.
Ang plan ko na treatment sakanya kasi is professional lang, light biruan, just what usual colleagues do. But nothing more. Eh kasi I don’t treat colleagues to lunch noh. Pag di ko naman sinama, magmumukha na nang i-isolate ako ng tao. Ako ba yung gago?
I’m already feeling negative as I didn’t review yet. I’ll just do my best. If I fail, I will try again by December or atleast I will learn a lesson in this failure. 🥹😅
Sa mga di nakakaalam kung ano yung asexual/ace, kami yung mga hindi halos nakakaramdam ng sexual attraction sa iba. For me as an ace, wala akong pakialam sa mga sexual contents or things kasi walang epekto yan sakin.
Pero utang na loob naman, bakit naman may mga indecent proposals. Walangya, sakin pa talaga. Potek na yan. Di ko feel na nababastos ako kasi desensitized na siguro ako or ewan pero nandidiri ako. Like yuck kadiri. Noon sa mga movies or books ko lang nae enocounter yang lintek na bdsm na yan. Ngayon pucha totoo pala yan. Dalawang offer na this week lang. Mula to ng nagjoin ako sa isang community. And I don’t want to let go of that community coz that is my haven, heck hindi nga sexual yun community na yun eh.
Hanggang ngayon di ako makapaniwala, worse is even disgusted, I want to try it. Anonymous and wala akong sexual na gagawin tapos Im just going to be my nasty self at kikita pa, aba wait. Pero pucha kadiri pa rin haha. Yung mga fetish talaga ng iba jusko.
Yung boss ko is may ibibigay na phone sakin kasi mag upgrade siya. Iphone 15 promax to. So siyempre saya ko. Pero nagkaroon ako ng phone na mas mataas yung model dahil binigyan ako ng company.
Dito sa work, may grupo kami wherein we hang out, travel constantly. We consider ourselves na friends talaga (atleast yung teammates k for sure). May mga na add sa group namin as time passes by. Isa dito si funny guy. Sobrang benta siya samin and oks din siya kausap for me, nagbibigay ng payo and all. I treat him as kuya. Nakita ko phone niya and basag basag na, sabi ko ay yung bibigay sakin na phone ni boss sayo nalang kaya? Which tuwang tuwa siya talaga. Ok lang naman kasi “friend” naman siya.
Ngayong weekend lang, usual out of town namin, nasabi niya sa inuman na he doesn’t believe that co-workers can be friends. Even yung pinaka close niya samin is hindi niya kino-consider as friends. And di siya nagtitiwala talaga sa co workers. Natulala kami lahat.
Medj nahurt kami and disagree kami deep inside sa thought na to kasi kami nga friends ang turingan sa isa’t isa. Like takte ano tong outing na to? Eh group fund pa namin ginastos dito and siya wala halos ambag sa mga gala namin. Pero I guess, yun kasi ang pananaw niya so okay, fine. Di ko narin siya itreat as friend. Colleagues nalang din.
Ngayon, nakita ko yung phone ng boss ko that same weekend and iba na. Tumatawa siya and said na ayun nga nag upgrade na siya and yung phone na bibigay niya sakin is for factory unlock na.
Tapos naalala ko na ay nga pala, hindi pala friend turing samin neto. And ayoko na bigay yung phone sa totoo lang. Colleague tapos bibigyan ng iPhone 15 promax? Aba naman. ABYG if di ko na bibigay??
Wag po kayo harsh sakin pls huhu walang problema sakin ang pagtulong at generous sa kaibigan, pero ayoko din naman maabuso huhu. Ewan ko pero parang nase-sense ko na user tong si friend.. I MEAN COLLEAGUE PALA.
Nag-outing kami few months ago sa Elyu. Super saya namin magkakasama and sa sobrang saya, gusto namin mag outing ulit. Which is fine.
May nag-reco na mag camping kami dun sa Mapanuepe lake. Nakita ko maganda naman, pero dahil nga camping, medj pahirapan sa CR and sa tent lang kami tutuloy.
Big no kaagad ako. Kasi ayoko ng ganitong set-up. Walang maayos na tuluyan and CR. Big ekis for me as trentahin. Tapos di pa daw pala pwedeng maligo fun sa lake. Purely nature lang. Sabi ko hard pass ako haha kayo nalang pumunta pero ekis me. Tama na sa pagiging people pleaser.
Tapos nainis yung isa kong friend and sabi, edi wag na tayo pumunta diyan eh ayaw mo pala. Eh ang sabi ko naman since na hype na lahat, tumuloy kayo, di naman ako main character na ayoko kayong matuloy.
Ngayon kinokonsensya ako na wala na raw outing. Eh sorry talaga, di ko ico-compromise comfort ko. Been to those kind of lakad and sinusumpa ko talaga.