DIM: Kindle Paperwhite
I currently earn ₱60,000 net monthly, and let’s say half of that ay napupunta sa needs like rent, groceries, etc.
Meron akong Macbook Neo na installment na matatapos by next year September.
For me, ang laki ng pros ng Kindle lalo’t kung mapupunta ako sa mga lugar na mahina yung signal or may long travels. Masyado na rin naooccupy ng physical books yung bag ko at nabibigatan din ako. It’s also hard to choose what book I’m going to bring. For example, dinala ko si book A pero ang bet ko pala basahin is si book B.
Pero ayun nga, marami akong bayarin pero a toxic side of me is saying kaya ko naman pagsabayin yon. Yung cravings ko sa kindle ay lumulubha. A logical side of me thinks it’s going to be an impulsive purchase pero kahit anong gawin ko, yung pull na bumili neto ay palakas nang palakas. Di ko na alam ano gagawin para gawin itong “delayed gratification.”
Bring your worst pls. Tell me the cons of owning Kindle that I don’t know. 😭