Dapat pala sa telegram na lang

Narealize ko na kapag pala may nameet at nakausap ka online, kung anong app gamit nyo para mag usap dapat hanggang dun na lang like for example telegram. Wag lilipat ng ibang socmed unless magkaroon na talaga ng something lalo na kung personal account kasi ang lungkot pag hindi na nag usap e.

Bale may nakausap akong guy online and we met naman tas tg tg at first hanggang sa naging ig na tas ngayon di na kami nag uusap at eto ako halos 2weeks ng hindi mag open ng IG at naka block notif na rin dahil parang minumulto ako ng pag uusap namin likee dude ur username is my favorite notification. What actually happened? Pesonal account ko pa naman yun. Hahahaha paksyet talaga

Narealize ko rin na hindi kami pareho ng hinahanap kasi feeling ko nasa "hoe phase" sya ng buhay nya at ako naman ay for genuine connection lang talaga like gusto ko lang ng kasama at kausap.

reddit.com
u/_sinderela — 2 days ago

Is it something wrong with me?

Paano magkaroon ng mataas na libido/sex drive? Haha ewan ko, feeling ko may mali sakin kasi hindi ako mabilis ma-wet kahit manood ng porn. Siguro dahil sawa na ako. 27 na ako pero minsan nag tataka ako na hindi ako kagaya ng ibang babae na inheat kapag ovulation phase nila likeee anong feeling? Can't relate.

For background lang, I used to watch porn in my teen age years like college days talaga and feeling ko naka apekto yun kaya pinagsisihan ko yun na dapat di ko pala ginawa. Sobrang maliii na nagkaroon ako ng ganong phase.

Nagkaroon naman ako ng bf but we never had sex dahil sa takot ko so rub rub lang so virgin pa rin me up to now pero may times na hindi ko talaga feel. Tas may nameet akong guy at tinatry na gawin sakin pero wala talaga akong maramdaman siguro dahil wala naman kaming emotional connection and wala rin foreplay. Is it just me pero parang mahirap naman makipagsex kung walang emotional connection? Or may mali na sa katawan ko o hindi ko pa lang namimeet yung magpapa feel sakin ng ganon?

Nagpapacheck naman ako sa OB pag delayed ako pero hindi ko na-aadress yung ganitong concern kasi di ko alam paano sya sasabihin. Need your insights about my concern likee may someone like me dyaaaan? 😭😭

reddit.com
u/_sinderela — 2 days ago

Bat kaya hindi na nagawan ng solusyon ang baha sa bayan?

Mula BSU hanggang palengke tas yung sa kahabaan ng Lawas. Laging sinasabi na ganon talaga kasi mababa yung lugar. Ay paano ga, pag mababa wala ng solusyon? Ganon na lang yun tuwing tag ulan?

Akala ko ga ay RICH Batangas? Rich nga naman sa yamang tubig ultimo maging sa baha ay paldo. Ay hindi na makuha ang titulo e.

reddit.com
u/_sinderela — 2 days ago

Kulang nga ba sila sa information?

Wala akong mapag kwentuhan nito kaya dito na lang. Bale kagabi nanood ako ng AWKP new episode ni Noah. May part dun na napatanong sya bat daw ganon, feeling nya ang solid natin at ang dami dami naman na daw natin bumoto ng tama pero may ganon pa rin na nangyayari (nananalo pa rin yung isang side. Sana gets 😭)

Direk Tonet: E baka kasi syempre nabubuhay tayo sa isang bubble, nabubuhay tayo sa eco chamber. E syempre tayo 'to, paano yung mga hindi natin naaabot?

Direk JP: Tingin mo ba kulang pa rin yung reach ng tamang information?

Noah: Sa nangyari nung nakaraan, talagang kulang yun kaya tayong mga may alam, baka kailangan natin na make an extra mile para ma-reach yung mga chururut (kulang sa info)

Kulang nga ba sila sa information o ayaw lang nila makinig sa tuwing pinapangaralan sila?

reddit.com
u/_sinderela — 2 days ago

Anong thoughts here?

Wala akong mapag kwentuhan nito kaya dito na lang. Bale kagabi nanood ako ng AWKP new episode ni Noah. May part dun na napatanong sya bat daw ganon, feeling nya ang solid natin at ang dami dami naman na daw natin bumoto ng tama pero may ganon pa rin na nangyayari (nananalo pa rin yung isang side. Sana gets 😭)

Direk Tonet: E baka kasi syempre nabubuhay tayo sa isang bubble, nabubuhay tayo sa eco chamber. E syempre tayo 'to, paano yung mga hindi natin naaabot?

Direk JP: Tingin mo ba kulang pa rin yung reach ng tamang information?

Noah: Sa nangyari nung nakaraan, talagang kulang yun kaya tayong mga may alam, baka kailangan natin na make an extra mile para ma-reach yung mga chururut (kulang sa info)

Ang sakin naman ay kulang nga ba sila sa information o ayaw lang nila makinig sa tuwing pinapangaralan sila? Pansin ko kasi binoboto lang nila kung sino ang pamilyar na pangalan sakanila kaya yung mga may kaso ang binoboto pa rin nila. Anw, I'm glad na hindi sila takot pag usapan ang politics. Lagi nilang sinasabi na bumoto ng tama

reddit.com
u/_sinderela — 3 days ago

San kayo pumupunta after shift/after school kapag ayaw nyo pa umuwi?

Yun ay kapag maaga kayo nakakauwi like 3 or 4pm. Around Batangas City lang sana or kung ano mga side quest nyo every weekend?

reddit.com
u/_sinderela — 3 days ago

27[F4M] up for Casual talks?

As an introvert girlie na hindi malawak ang mundo we can talk anything under the sun.

SFW, into genuine connection

Hindi kagandahan, sense of humor lang ang puhunan

Batengueña

May sense naman yata akong kausap

Hilig makinig sa music esp OPM. We can jam everynight

Movie? We can watch together

SFW

About you:

25-28 age

into genuine connection as well

Can carry conversation (hindi lang landi ang ambag)

May sense of humor

Marunong makiramdam

Healed na sa past relationship

If we vibe, we vibe

ano, tara? Hahaaha

reddit.com
u/_sinderela — 5 days ago

Attachment ba 'to?

I came from a long term relationship at wala akong idea kung paano ang makipag date sa panahon ngayon kasi wala naman akong iba naka date kundi yung ex ko lang.

So eto ka na nga, nakausap ko 'tong guy online and decided to say yes to his invite after a week of talking. Tambay lang sa gedli tas usap ganyan. He's a nice guy tas after non nag tuloy tuloy naman pag uusap namin pero walang malalim na pag uusap ang nangyari basta lumalabas kami every weekend kapag free time. Gusto ko lang talaga ng usap anything under the sun like casual ba tas sya nag sesend na ng flirty messages, it feels nice naman at may kilig pero nakakatakot kasi para sakin dahil di ko naman alam kung mini-mean nya mga yun or just to hype the conversation kasi what if ma-attach at ma-fall ako? Edi talo ako. Sa mga ginagawa at sinasabi nya, hindi naman mahirap ma-fall e pero sa mga kwento nya, hindi naman sya ready mag commit kaya hindi ko sya sinasabayan kapag lumalandi na kaya hindi ko binibigyan ng malisya yung mga labas namin kasi alam ko hanggang dun lang yun. Mali ba ako?

Until we decided na mag overnight, nothing happened. We just slept together at dun ko narealize na no strings attached pala talaga dapat. After non, pagkauwi I suddenly felt empty inside tas parang biglang nabago yung energy ng pag-uusap like good morning at good night na nga lang, nawala pa. Hahaha Sakin kasi, kung ano yung energy ng pakikipag usap, binabalik ko lang. Gets ko naman na busy pero nag bago talaga e and I have no right to ask him "What happened to us?" kasi in the first place,there was never an us. Napa delete conversations tuloy ako.

Ayun lang, tas ngayon nandito ako sa Alasfeels. Hindi naman ako nag eexpect ng anything reciprocal dahil alam kong wala nga lang pero yung biglang mag lie low ang conversations? Damn, akala ko mag eend to ng maayos. Mas minumulto ako nitong isang buwan kesa limang taon kong natapos na relasyon.

reddit.com
u/_sinderela — 26 days ago
▲ 1 r/pldt

Sira din ba ang PLDT sainyo?

Ilan araw na kaming walang net at wala rin makausap sa customer service nila.

reddit.com
u/_sinderela — 1 month ago

IPRAPPK Rock version

Bat kaya hindi na ni-release ng Cozy Cove ang version nito? Tho alam ko hindi naman OG to ng COJ pero bat nga? Haha

reddit.com
u/_sinderela — 1 month ago

Sira din ba ang PLDT sainyo?

Ilan araw na kaming walang connection at wala rin ma-contact sa customer service nila. May empleyado pa kaya sila?

reddit.com
u/_sinderela — 1 month ago

Sa mga nag lalaro ng badminton dyan

Anong brand ng raketa nyo at san kayo bumili? Plano kong bumili kahit hindi naman ako pro mag laro. Pabulong na lang din saan kayo nag lalaro bukod dun sa may bayad malapit sa octagon.

Sa oval ba nag lalaro din kayo?

reddit.com
u/_sinderela — 2 months ago

Paano nyo nasabihing okay na kayo after break up?

Normal ba maging okay at magaan sa pakiramdam before breaking up? at paano nyo nasasabi okay na kayo? Gaano ang tinagal ang epekto ng hiwalayan sainyo?

reddit.com
u/_sinderela — 2 months ago

Paano kayo nakipag break? In person ba or thru chat?

Okay lang kaya thru chat? Hindi ko kaya makita sa personal e. Nakikita ko lang mga ginawa nya

reddit.com
u/_sinderela — 2 months ago

Yung current partner nyo ba na-visual nyo sya na ang kasama nyo sa future?

Nakita nyo ba sila sa future nyo or kahit hindi, need pakasalan? Nangyari na ba sainyo yun kahit matagal na kayo hindi mo pa rin sya ma-visualize na kasama future?

reddit.com
u/_sinderela — 2 months ago

Paano ba technique dito: Sea Makeup Setting Spray

I bought this over Zeasea dahil gusto ko mag try ng ibang setting spray. Gusto ko rin magets yung hype sa product na to kaso bakit parang mas gusto ko yung finish kapag zeasea ang gamit. May pagka dewy look kasi pag zeasea pero etong sea ay parang wala lang. Sinunod ko yung nasa instruction na X pattern at sa T zone area, tho hindi rin naman ako oily dito pero mas bet ko zeasea. 😭

u/_sinderela — 2 months ago

Anong BPO company ang hindi calls ang ginagawa?

Idk kung possible pero may ganito ba? Hindi rin sya email and chats pero same as data annotator. Currently employed kasi ako maliit na "BPO Company" pero iba ang ginagawa namin sa typical na bpo. Nag hahanap ako ng company na same ng ginagawa namin kaso parang wala.

reddit.com
u/_sinderela — 2 months ago