
Defensor: Makukulong ninyo kami at mapatatahimik pero hindi po kami susuko,
‘MAKUKULONG NINYO KAMI AT MAPATATAHIMIK PERO HINDI PO KAMI SUSUKO'
Ito ang pahayag ng dating kongresistang si Mike Defensor kasunod ng inilabas na arrest warrant ng Sandiganbayan 3rd Division laban sa kanila ni Sen. Rodante Marcoleta at dalawa pang iba.
Isa si Defensor sa donors umano ni Marcoleta sa P75 million campaign donations na hindi nito idineklara sa SOCE at SALN.
“Kaming lumalaban sa korupsyon ang nauna pang nakulong sa isang kasong walang batayan,” saad ni Defensor.
“Makukulong ninyo kami at mapatatahimik pero hindi po kami susuko,” dagdag pa niya